Dream 5- Mortal Enemies (Jacess)

64 1 1
                                    

Princess POV

Hi! I'm Princess Morales. 1 word to describe me? Goddess. I'm sorry. Mahangin lang talaga akes. Wala e, maganda talaga. *woooosh*

Papunta ako ngayon sa clinic. Grabe, omg! Ano kayang nangyari kay Shawn? Ehchusera din tong si Suzy. May pa hatid-hatid pang nalalaman. Wushuu! I smell something malangsa!

"Ms. Nurse! Hey! Yuhoo!" tawag ko sa nurse. Tsk, baka nakaalis na sila.

"Yes Ms. Morales?" nakangiti pang tanong sakin ni Ms. Nurse.

"Itatanong ko lang po sana kung nandyan pa po sina Suzy?"

"Sino si Suzy? Kapartner ni Kandado?" at humagalpak siya sa tawa. Tawa na rin ba ako? Ano yun? Sariling joke, sariling tawa? Tss, how poor.

"Ay hehe, hindi po. Ahm, e si Shawn po?" baka sakaling alam niya. Mukhang malandi si Ms. Nurse e.

"Ay oo! Yung napakagwapong batang yun? Haaaay, naalala ko tuloy nung.... blah blah blah." aydyoskoday! Ikwento daw ba ang nakaraan? Sulat ka na lang kay Charo. Malay mo madiscover ka pa!

"Ms. sagutin mo na lang po tanong ko. Kailangan ko na po kasing mahanap yung dalawa." medyo naiirita na ako ah!

"Ay pasensya na. Kanina pa sila nakaalis. Narinig ko ngang, ihahatid daw nung babae si Shawn e."

"Ah sige po salamat."

Umalis na ko. Piste! Hindi ko kakayanin ang kalandian ni ate. Sarap ilampaso.

Nagmadali na akong maglakad. Kailangan ko ng maabutan yung dalawang yun. Kakausapin ko pa si Suzy about sa lesson namin bukas.

Habang naglalakad, hinahanap ko yung shades ko. Ang sakit kasi sa mata ng sunlight e. It burns my beautiful eyes. Haaays!

Sa di inaasahang pagkakataon...

*booogsh*

"Oh my g!" O_____O

James POV

Naglalakad ako papuntang room. Sasabihin ko lang kay Ma'am na hinatid namin sa clinic si Shawn.

Pagkarating ko sa room, si Ma'am na lang ang tao. Inaayos na niya ang kanyang gamit kaya agad ko na siyang nilapitan.

"Ma'am!" tawag ko para makuha ko yung atensyon nya.

"Yes? Anything?" sabi niya.

"Yung kanina pong nangyari kay Shawn." hindi ko matuloy yung sasabihin ko.

"Oh? What happened to Mr. Rivera?" curious na tanong ni Ma'am.

"Kaya po hindi siya nakapasok kanina kasi nahulog po siya sa hagdan. Silang dalawa po ni Suzy." pagpapaliwanag ko.

"Ah, okay. Don't worry. I knew it. Nung break time, may nagsabi sa akin na kaklase nyo. "

"Ah okay Ma'am. So, excuse po sila sa activities na hindi nila napasukan kanina?" tanong ko.

"Ahm, hindi. May part sa activity na kailangan nilang gawin asap. So, pakisabihan na lang sila."

"Sige po."

"O sige hijo. Mauna na ako ah? May kailangan pa akong gawin."

"Sige po. Bye Ma'am!" at umalis na si Ma'am. Naglakad na rin ako paalis.

Habang naglalakad ako...

*booooogsh*

"Oh my g!" sabi ng nakabangga ko.

Princess POV

Hindi ako makahinga. Bakit tumigil yung paligid? Bakit siya lang yung nakikita ko? Kami na lang ba yung tao dito sa Earth? Kung ganun, magbunyi ang lahat! Party party! Ang say----

Just A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon