Chapter 1

17 1 1
                                    

"Good morning po tita Jackie." bati ni Nathan sa Ina ni Jane 

"Good morning Nath," bati naman ni Jackie

"Tita si Jane po?"

"Maaga po kase pasok namin ngayon eh." paliwanag ni Nathan

"Palabas na ng bahay yun Nath, alam mo naman yang kaibigan mo mantika kung matulog." Sabay hagikhigan ang dalawa.

"Excuse me? Ako ba pinagtatawanan nyo?" Tanong ko kanila mama at Natahan.

"pano anak napagkwentohan ka kase namin nitong si Nathan dahil sa tagal mong magising." Paliwanag naman ng kanyang ina na may kasamang pagtawa.

"Maaaa naman eh," napa busangot ako sa sinabi ni mama.

"Wag kang magkwento ng ganyan kay Natnat aasarin na naman ako nyan ma eh." naka ngusong paalala ko kay mama

hinila ni Nathan ang nguso ko..
"Hahahaha Jane wag kang ngumuso nagmumuka kang pato sa haba ng nguso mo," mapang asar na saad ni Nathan.

"Alam mo Natnat panira ka talaga ng umaga ko eh," 

 natatawang pinag mamasdan ni Jackie ang kanyang anak at ang kababata nitong si Nathan, kahit kailan hindi nagbago ang dalawa sa isat isa. 

"Oh sya pumasok na kayo at baka malate pa kayo sa una nyong klase" paalala ni jackie.

"Bye Ma pasok na po kami ni Natnat panot" natatawang pang aasar ko kay Natha. 

"Bye po tita, ako na po bahala kay Jane mabantot." balik ganti naman nya kay Jane.

parehas ng University na pinapasokan ang magkaibigan, kumukuha ng kursong BS Psychology si Jane. Samantalang si Nathan ay kumukuha ng kursong Engineering. parehas 3rd year Collage na ang dalawa sa University of Sto. Thomas. 

"Nat may practice ba kayo mamaya ng basketball?" tanong ko sa kanya.

"meron  pero after pa ng class ko yung practice" paliwang nito sa kanya.

"Bakit sasabay kaba mamaya?"

"Oo sana para makalibre ako sa pamasahe" natatawang sagot ko kay Nath.

Nathan chuckle. "wala pa din naman bago Jane"

"hahaha. alam mo naman pala Natnat nagtanong kapa"

"Jane is Jane nothing change" he's now smiling.

potek ang gwapo talaga ni Nath lalo na kapag tumatawa, smile pa lang makalaglag panty na.

Nathan snap on my face. "ano Jane pogi ba?" sabay pogi post si Nath sa harap ko.

I laughed. "luh? napaka feeling din natin Mr. Ferrer no?"

"bakit hindi ba? ha?" unti unti ng nilalapit ni Nathan ang mukha nya sa mukha ko                              Lord bakit naman ganto parusa mo sa akin?  oo mahal ko yung taong to, pero Lord naman baka bumigay ako.

sa sobrang taranta at kaba ko tinulak ko ang mukha ni Nathan palayo sa akin.

 I fake my laugh. "hahaha ang baho ng hininga mo Nat" potek muntik na yun ah.

inamoy ni Nathan yung hininga nya. "hindi naman ah? panong babaho hininga ko nagtoothbrush at nag mouth wash ako after ko kumain" paliwanag sa akin ni Nathan.

natatawa akong itinuro sya. "hahaha explain pa more Natnat panot"

"napaka galing mo talaga mang asar no? happy kana naman Jane?" pagsuko ni Nathan sa akin, dahil alam kong medyo pikon na sya sa akin.

pinigilan kona lang ang tawa ko, baka kase lalong mapikon si Natnat sa akin. "tara na Nat pasok na tayo sa loob, pinagtitinginan na tayo" sabay kami tumingin sa paligid namin at parehas natawa sa kalokohan.

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon