CHAPTER 4

5 1 0
                                    

"Ma diba may binigay ka sa aking dress before?" tanong ko kay mama.

"meron. Pero tinago ko kase hindi mo naman sinusuot kaya tinago ko na lang baka kase maisipan mong suotin." Paliwanag sa akin ni mama.

"kailangan ko kase yung dress mama."

"bakit ano bang meron at sa buong buhay mo ngayon mo lang naisipan mag dress?"nagtatakang tanong sa akin ni mama.

"basta ma kailangan ko yun eh, saan nyo po ba nilagay?"

"Jane sabihin mo nga ang totoo sa akin may boyfriend kana ba?

Natawa ako sa sinabi ni mama, jusko boyfriend pa talaga manliligaw nga wala ako nun eh.

"hahaha mama wala akong date okay?" paliwanag ko sa kanya.

"bakit nga kailangan mo ng dress?"

"kase mama kakain kami ng dinner sa labas ni Nat, kaya naisipan kong magdress baka kase magmuka akong basahan kapag naka pantalon at t-shirt lang ako." Pagpapaliwanag ko kay mama.

"ang anak ko dalaga na talaga, marunong ng magmahal."

"luh, si mama kung ano ano sinasabi, si Nathan po kasama ko Ma hindi ibang lalake." Pagtatama ko kay Mama.

Nagulat na lang ako biglang lumaki ngiti sa akin ni Mama, kinakabahan ako parang ewan kase si Mama wala naman nakakatawa sa sinabi ko para ngumiti sya ng napaka lawak.

"Weird?" tanong ko sa sarili ko.

"Anak hindi mo man sabihin alam ko naman may gusto kana kay Nathan simula pa lang high School kayo."

Nagulat akong napatingin kay Mama, hawak nya na yung dress na hinahanap ko.

"sinasabi mo Ma." Palusot kong tanong.

"Anak Nanay mo ako kilala kita kung kaylan ka malungkot at kung sino ang taong ginugusto mo."

"Ma kaibigan lang kami ni Nathan." Pagtanggi ko.

"Kaya pala laging bukang bibig ang pangalang Nathan no." mapang asar na tudyo sa akin ni Mama na may kasamang tawa.

"grabe masyado ba akong halatado Ma." Nahihiyang tanong ko.

Mama chuckle. "oo anak masyado kang halata." Natatawang pag amin sa akin ni mama.

After ko masuot ang purple string dress ko pinatungan ko sya ng denim jacket at sinuot ko ang favourite white shoes ko na convers. Naglagay din ako ng liptint at ginawa kona din syang blush on, light lang pagkakalagay ko ng liptint and naglagay din ako ng mascara.

At exacly 6:00pm nag doorbell na si Nathan, alam kong sya agad ang dumating sya lang naman ang pumupunta ditto sa amin. Bago ako lumabas ng bahay tiningnan ko mona ayus ko sa salamin, sabay humarap ako kay Mama.

"Ma okay lang ba ayus ko?" kinakabahang tanong ko kay Mama.

Mama smile at me. "oo naman anak maganda kana bagay sayo ang dress na binili ko sayo nung last birthday mo.

"Thank you Ma."

Ng makalabas na ako sa bahay wala si Nathan baka nasa loob na sya ng kotse nya, dahil nainip sa kakahintay sa akin.

Before akong pumasok sa kotse ni Nathan nag wave ako kay Mama to say good bye to her.

Nasa loob na ako ng kotse ni Nathan, hindi nya siguro napansin ang pagpasok ko dahil busy sya sa kachat nya para syang baliw na tumatawa. Hinayaan ko na lang sya sa ginagawa nya mukang masaya pa sya sa kausap nya baka masira pa mood nya kapag pinansin ko, mukang si Vanessa ang kausap nya sa chat. Hindi ko alam bigla na lang akong nahirapan ng paghinga ng maisip kong si Vanessa na ang lagi nyang kausap.

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon