Chapter 11

15.4K 727 112
                                    

PHARAOH

"BOSS, TARA." Pagtawag sa akin ni Havri kaya agad akong napatingin sa direksyon niya---at napataas ang kilay.

I stared at this kid. Ang ganda niya kahit na maliit siya sa'kin. Ang inosente na nakakaakit---what? What am I saying? Ugh! Pakiramdam ko ay nagnanasa ako sa bata. Stop your thoughts, Yxen.

At talagang pinanindigan niya na boss na ang tawag niya sa'kin, huh? Ilang araw na kasing ganyan ang tawag niya sa'kin. Boss niya daw ako. Wala rin naman siyang magagawa doon.

Just like my second name, a ruler.

"Saan na naman tayo pupunta? May trabaho ka pa." Pagkontra ko kaya agad siyang napasimangot.

How can she be that cute? Kahit na nakasimangot ay ang sarap niyang titigan. I must be going insane, kung ano-ano nang naiisip ko!

"Dali na kasi. Please?" Pakiusap niya kaya napahinga ako ng malalim bago iligpit ang mga papel na nakakalat dito sa table ko.

Nakasuot kami parehas ng business attire. Hanggang ngayon ay ang hirap maniwala na CEO siya. Pero may hustisya naman ang pagkakaroon niya nang ganoong posisyon sa kompanya nila.

She's smart. Alam niya kung paano i-handle ang mga investor and even the board of directors. Napapasunod niya sa isang sabi lang ang mga empleyado. Maawtoridad ang aura na pinapakita niya kapag seryoso siya sa trabaho.

Yep. Kapag seryoso lang, madalas ay mukha siyang batang kulang sa turnilyo.

Pero kahit na gano'n, wala siyang pinakitang masama sa akin. Kahit na mag-asawa na kami ay ginagampanan naman niya lahat ng responsibilidad na dapat niyang gawin.

"Hello, ma'am!"

"Good morning po, boss!"

"Ingat po kayo!"

"Ayiee may date sila!"

Napalabi na lang ako dahil sa mga naririnig mula sa empleyado dito. One thing that I like here is that, they treat each other as family. Kumbaga open sila sa isa't-isa.

Si Havri naman ay akala mo tatakbong senador kung makakaway sa kanila.

But I'm glad. Really. Natutuwa akong kasama ko siya sa lahat ng oras at hindi ko rin alam kung bakit pero magaan talaga ang pakiramdam ko sa kanya.

I could feel an emotion that's new to me. Napapadalas na lalo na nitong mga nakaraang araw na magkasama kami. I can't even describe that certain emotion.

Napahinga ako ng malalim. I admit, malakas ang epekto sa akin ni Havri---na siya lang ang kayang gumawa. I just.. don't know why and it's confusing the hell out of me.

Isa pa pala..

'Yung puso ko. Hindi na normal ang tibok kapag---kapag---ugh! Kapag kasama ko siya. Kailangan ko na sigurong magpa-check up.

Siguro ay naiinis lang ako sa kamanhidan nitong isa. Hindi niya ba napapansin na nilalandi siya ng maraming babae? Nakakagigil e.

Namalayan ko na lang na nasa loob na kami ng kotse niya sa sobrang pag-iisip ko. Kahit sa isip ko ay panay ang pasok niya. It's annoying. Ugh!

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now