A Love That Finds Serenity

16.5K 607 204
                                    

HAVRI

"BAKIT BA parang ikaw ang naglilihi sa ating dalawa?"

Natigil ang pagkain ko sa manggang hilaw na may sawsawan na bagoong nang marinig ko ang nagtataka pero may halong inis na boses no'ng asawa ko. Kahit boses niya lang ay ang ganda nang pakinggan. Bakit gano'n?

Tumikhim ako at binalingan siya ng tingin at nakataas pa talaga ang kilay niya sa akin sa masungit na paraan. Gorgeous. Grabe talaga. Ilang buwan na ang nakalipas nang ikasal ulit kami at magbuntis siya---hell yes! Buntis si Pharaoh at malapit na siyang manganak kaya bawal muna ang make love. Tiis-tiis muna ako para sa mga anak namin.

"Upo ka, boss." Tumayo ako at pinaghila pa siya ng upuan para makaupo siya dito sa likod ng mansyon sa tabi ko.

Malawak ang lugar dito at may silong kami. Makulimlim din ang panahon pero mukhang hindi naman uulan. Sakto lang para magpahangin kami ni boss. Malamig ang hangin kaya mas lalong masarap dito dahil sariwa din ito.

Ang sarap ng ganito. Magkasama kami at ninanamnam lang ang presensya ng bawat isa. Ang paligid ay parang sumasang-ayon sa amin. Everything feels perfect as long as I'm with her.

Naupo na rin ako sa tabi niya at hinalikan siya ng mabilis sa pisngi at hinaplos sa tyan. Ang laki na ng tyan ni boss dahil---dahil---!

Kambal ang anak namin! Hehe. Babae rin daw sabi no'ng doctor nang magpa-ultrasound 'yung asawa ko. Nakaka-excite na kapag lumabas sila. We did the IVF procedure and she's carrying the children. Hehe. Gusto ko ka silang makita at tuwang-tuwa rin si boss ko.

Si boss din! Ang alam ko kapag buntis ay masungit at kung ano-anong hinahanap na weird na pagkain, pero hindi naman siya gano'n. I mean, nagc-crave din siya sa mga pagkain pero hindi malala at hindi masungit. Normal lang at parang hindi naman buntis.

"What?" I asked when I caught her staring intently at me.

"Buntis ka ba?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya kaya napaamang ako.

Natulala pa ako kay boss at sinusukat kung seryoso ba siya sa sinabi niya, pero wala akong mabakas na pagbibiro sa kanya. She's serious! Anong buntis din ako?

"Mukha ba akong buntis? Wala kang sperm, Pharaoh." Ngumuso pa ako at tinuloy ang pagkain--- "Aray!" Daing ko nang hampasin niya ako ng malakas sa braso. "Bakit ba?" Ang sarap talagang sumimangot kapag ganyan siya.

Hindi nga siya nagsusungit ng madalas, nananakit naman. Ganito ba talaga? Balik comm-under na naman ako? Nakakaiyak. Ang saklap. Feel na feel ko ang pagiging under kay boss. 'Tsaka maayos naman 'yung sinabi ko, 'di ba?

"Bakit parang ikaw ang buntis sa atin? You've been craving for weird.. foods. Ikaw pa ang masungit." Ako ang masungit? Nakakahiya sa hampas niya sa akin.

Napanguso ako dahil sa narinig. Hindi ko rin gets ang katawan ko. Iba rin kasi ang pakiramdam ko. Parang ako ang naglilihi kaysa siya. Ugh. Bakit ba ganito? Pwede ba 'yon? Ganito ba kapag buntis ang asawa?

Ako rin madalas ang naghahanap ng kakaibang pagkain. 'Yung manga minsan gusto ko na kulay blue. 'Yung pizza na lalagyan ng ice cream. Tapos---ugh. Andami talaga. Nahiya 'yung buntis.

"Sinasabi ko sa'yo, Aphelion." Banta niya pa sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin pero sumiksik ng upo sa kanya habang nakanguso.

Serenity Within (Seven Deadly Sinners #1)Where stories live. Discover now