꧁C h a p t e r 12꧂

233 5 1
                                    

Summer pov.

Pagkatapos ng pangyayari kanina sa sementeryo agad na kaming nagpaalam ng anak ko sa kuya niya dahil itutuloy namin ang pandiriwang sa bahay namin.

Mga ilang minuto nakauwi narin kami binuhat ko na si ash dahil napagod kanina kakatakbo iniwan na namin ang cake na inihanda ko. Lumabas na kami ng kotse at nakita kong nag aayos na sina mommy para sa birthday ng kambal.

"Oh nandyan na pala kayo maghanda na kayo dahil dating na ang mag ca-catering dito"saad ni mommy tumango ako at dinala sa itaas si ash.

"Mommy can you tell me about my brother"biglang saad niya habang nakababad kami sa bathtub napatigil ako sa pagkukuskos sakanya at hinarap ako.

"About your brother? Hmm he looks like me when I gave birth"sagot ko habang inaalala ang mukha ng aking panganay at nasisiguro akong kulay berde rin ang kanyang mga mata.

"Both of you got your eyes from your dad"saad ko naalala ko ang mga maiitim na mata ni bry noo'ng makita ko siyang muli wala na ang kanyang mga berdeng mata at iyon ang isa sa minahal ko kay bryan.

"Really? I wonder where is he now. I want to meet him someday"saad niya napapunas ako ng luha at sinimulan ko na siyang banlawan.

"Summer dalian niyo na dyan marami nang bisita rito"katok ni kuya inayusan ko kaagad si ash at
pinababa agad.

Umupo ako sa vanity at nagsimulang mag ayos. Nang matapos kong mag ayos ng mukha tsaka ako pumunta sa closet ko pagkabukas ko may makita akong box kinuha ko iyon at umupo sa kama, binuksan ko iyon at tumambad saakin ang mga gamit ni Ashton kinuha ko ang damit na unang sinuot niya at niyakap iyon nanggilid ang luha ko noo'ng maalala ko si Ashton, kinuha ko ang unang litrato namin sa hospital. Kumuha agad akong tisyu at pinunasan ang luha ko

"H-happy b-b-birthday Ashton"naiiyak na bulong ko at hinigpitan ang pagkakayakap ko sa damit niya. Sana hindi na lamang ako lumuwas ng maynila Sana kasama ko pang ang panganay ko. Ang dami kong gustong hilingin, bakit ako lamang mag Isang nagdurusa sa pagkamatay ng anak ko? Bakit?.

"Summer anak"saad ni mommy sa labas ng kwarto hindi ako tumugon kaya pumasok siya nakita niya akong umiiyak habang nakaupo na ngayon sa sahig dinaluhan niya agad ako at mas lalong lumakas ang iyak ko

"Shh tama na ah n-nandito s-si m-mommy"pag aalo niya saakin umiyak lang akong umiyak.

"M-mommy s-si a-ashton m-mommy"sumusuntok sinok na saad ko nagmumukha na akong bata na inagawan ng candy pero hindi candy ang inagaw saakin kundi ang anak ko.

"Shh tahan na anak ko ayokong nakikita kang umiiyak Mahal ko"pigil iyak ni mommy hinigpitan niya lalo ang yakap niya saakin

"Ma bakit a-anak k-k-ko pa?"pagalit na tanong ko. Tuwing sumasapit ang kaarawan ng kambal ko hindi ko maiwasan sisihin ang nasa itaas bakit siya pa? Sa dinami rami ng masasamang tao bakit ako pang walang kamalay malay? maaga akong naulila sa magulang ko at ngayon kapiling ko na silang muli pero bakit ganon na lamang ang binigay niyang pandaliang saya? Naging masama ba akong anak? Bakit yung anak ko pa?

"S-summer lahat ng nangyayari ay may dahilan, may plano ang diyos sa buhay mo–

"Ano? Ang saktan ako? Ma iniwan ako ni bry at ngayon pamilyado na siyang tao ngayon pati pa naman ang anak ko kukunin niya?"saad ko

"Sa tingin mo masaya ang panganay mong nagkaganyan ka? Hindi natin masisi ang diyos dahil siya ang lumikha saatin, may plano ang diyos anak hindi ka niya hahayaan magkaganyan at nasisiguro akong kasama niya ngayon ang anak mo at hindi niya pababayaan ang anak mo"saad niya na ikina tigil ko niyakap niya ako ulit at bumagsak na namann ang mga luha ko patawad.

"Magtiwala ka sakanya anak"bulong ni mommy.

---

Matapos ang eksena kanina sa kwarto nag ayos muli ako at bumaba na parang walang nangyari marami nang nandirito mas marami nga lang ay mga batang ka edad ni ash. Pumunta ako sa garden at nakita ko ang anak kong masayang nakikipag laro Sana kasama niyang maglaro ang kanyang kambal. Tutulong na sana ako sa paghahatid ng pagkain ng may makita akong batang nasa puno ang paborito kong puno balot na balot ang kanyang katawan at medyo mahaba ang kanyang buhok at doon kong napagtanto na si diego iyon nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.

"Hi!"bati ko hindi ko alan pero ang gaan ng loob ko sakanya noo'ng una ko siyang nakita. Nilingon niya ako at ngumiti ng bahagya

"Kumain kana ba?"tanong ko tumango naman siya medyo natatabunan mukha niya kaya tinanggal ko ang ponytail ko at lumapit sakanya at tinali ang kanyang buhok

"Ahh"daing niya nataranta naman ako at nakita kong may bakas na kamay sakanyang leeg kumulo naman ang dugo ko sa nakita ko.

"Saan nanggaling ito?"pilit na mahinahong tanong ko habang nakatingin sa leeg niya mukha sariwa pa lamang ito.

"B-baka s-saktan niya kayo"sagot niya napakuyom ang mga palad ko binuhat ko siya at dinala sa kwarto ko kumuha ako ng first aid kit at kinuha ang ointment.

"Alam ba ito ng daddy mo?"tanong ko sa una hindi siya sumagot pero ng tignan niya ako umiling siya anong klaseng tatay siya?!

"Sino gumawa sayo nito at sisiguraduhin kong hindi ka na niya sasaktan"saad ko bigla naman siyang humikbi hanggang sa tuluyan na siyang umiyak.

"S-si t-tita francine"sagot niya nagulat namann ako sa isinagit niya halos nanlambot ako t-tita? I thought this is francine son?

"Why did you call your mother tita?"tanong ko

"She said I'm not her son"sumbong niya na parang bata nanlambot ang mga tuhod ko at napahawak sa malilit niyang braso

"Ahh"daing niya nataranta ako at mabilis kong itinaas ang kanyang sleeve ay bumungad saakin ang mga pasa nanggilid ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan. Hinubad ko ang kanyang damit at bumungad saakin ang hindi ko mabilang na pasa kalmot peklat masasabi kong napakawalang hiya nila. Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahaplos ang kanyang mga pasa at peklat, may nakita ang hugis plantsa sakanyang dibdib

"Who did this to you?"pigil galit na tanong ko habang nakatingin sa dibdib niya may balat iyon at parang nakita ko na iyon.

"Francine, she said someone remind her a slut girl"bulong niya napakuyom ang aking mga palad hindi ako nagkakamali. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdamn ko parang kaharap ko ang kahinaan ko tinignan ko ang kanyang mga mata ang kanyang mga kulay berde ang bumungad saakin gayang gaya niya ang mata ng katulad ni ash. At doon ko napansin ang kanyang suot na porselas na pilit nitong sinusuot sakanyang kamay.

A/N:Isang batok nga diyan mula sainyo. Sinakto ko talagang I publish ngayon ito dahil ngayon lang ako nagkaload at pinanood ko pa ang he's into her hehe. Isang buwan din akong hindi nag update eh noh?

AND DON'T FORGET TO VOTE AND SHARE MY STORIES AND PWEDE NIYO DIN AKONG I FOLLOW LOVE LOTS (〃゚3゚〃)

The Father of My Son(ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon