PROLOGUE

163 12 0
                                    

PROLOGUE:

<Javier's House>

“Anong diarrhea pinagsasasabi mo, Luisa? Yung anak ni Manuel, hindi diarrhea ang sakit no'n. Kundi na-engkanto s'ya. Pinaglalaruan s'ya ng masamang elemento!” mariing pagpapaliwanag ni Daddy kay Mommy.

“Federico, nakakalimutan mo yatang doctor ako!” saad ni Mommy.

“Mom, Dad, araw-araw nalang ba 'yan ang pagtatalunan n'yong dalawa? Nakakasawa na!” sabat ko at padabog akong tumayo mula sa kinauupuan ko bitbit ang school bag ko.

“Anak! Aalis kana? Hindi ka man lang ki-kiss sa'min ng mommy mo?!” rinig ko pang sigaw ni Daddy ngunit hindi ko s'ya inintindi at nagpatuloy nalang sa paglalakad palabas ng bahay.

——

<St. Fatima Academy>

“Nakasimangot kana naman, nagpaligsahan na naman ba parents mo?” biro ng kaibigan kong si Bernadette.

“Lagi naman, may naiba ba?” sarcastic kong sagot dahil sa inis ko.

“Kung bakit ba naman kasi ang cool ng parents mo. Isipin mo, mommy mo Doctor tapos 'yung daddy mo naman albularyo. Kahit hindi ako nakatira sa bahay n'yo, ramdam ko 'yung stress mo eh. Ang pinagtatakahan ko lang, paano kaya nagkaroon ng relasyon parents mo? Ginayuma ba ng Daddy mo 'yung mommy mo?” saad ni Bernadette.

“Pwede ba Bernadette, wag natin pag-usapan parents ko? Kasi mas lalong sumasakit ulo ko sa sinasabi mo eh. Pwede?” sarcastic na tono ng pakiusap ko.

“Ok fine, quite nalang ako.” saad ni Bernadette na kunwari sinisipiran ang kanyang bibig.

Wala naman akong ibang problema sa parents ko. Supportive sila sa'kin, mahal nila ako at ramdam ko 'yun. Ang kaso lang, 'yung araw-araw na banggayan nilang dalawa kung sino ba ang tama at kung sino ang mali.

And the fact that I'm a fan of supernatural, ghost stories, myths and fairest. Sobrang hirap talaga. Dahil Iniisip ni Mommy ay kinakampihan ko si Daddy.

Ngunit napapaisip din naman talaga ako, kung paano nagkatuluyan sila mommy at daddy gayong may magkaiba silang paniniwala.

HOME SWEET HOME (RAINBOW SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon