<Javier's House>
FEDERICO POV:
“Federico!” rinig kong tila galit na sigaw ng asawa kong si Luisa kaya agad kong hinaan ang TV.
“Good Evening maganda kong asawa, maaga yata ang u----” hindi ko natuloy ang masiglang pagbati ko sa asawa ko ng mapansin ko si Kristine na nasa likod ng mommy n'ya at nakayuko ito, parang napagalitan na naman yata.“Oh! Kristine, kaya pala hindi ka umuwe ng maaga kanina. Pinuntahan mo pala ang mommy mo.” saad ko.
“Oo, nagpunta sa hospital ang magaling nating anak at hindi dahil para puntahan ako, kundi para sa kalokohan n'ya. Kasama pa ang mga kaibigan n'ya!” inis na saad ni Luisa.
“A-Anong kalokohan? Kristine anak, anong sinasabi ng mommy mo?” mahinahong tanong ko kay Kristine, unti unti naman nitong inangat ang kanyang ulo at tumingin sa'kin.
“N-Nag ghost hunt po kasi kami sa hospital na pinagta-trabahuan ni Mommy.” mahinahon na saad ni Kristine.
“Talaga anak? kamusta naman? may nakita ba kayo?” intresadong tanong ko.“Aray ko!” agad kong reaction matapos akong hampasin ni Luisa gamit ang bag n'ya.
“Isa ka pa Federico! kaya lumalaki ang anak natin na nagpapaniwala sa mga multo dahil kinokonsente mo rin!” sermon sa'kin ni Luisa.
“Eh totoo naman 'yun, ikaw lang naman d'yan ang hindi naniniwala.” saad ko at muling aambahan sana ako ng hampas ni Luisa ngunit hindi n'ya na 'to tinuloy matapos na agad mag walk-out ng anak namin na si Kristine.
“Kristine saan ka pupunta? hindi pa tayo tapos mag-usap!” sigaw ni Luisa ngunit nagpatuloy lamang sa pagpanhik sa hagdan ang anak namin.
“Baka naman kasi pinahiya mo sa harap ng mga kaibigan n'ya kaya masama ang loob sa'yo.” mahinahong saad ko.
——
KRISTINE POV:
“Uy girl, pinapagalitan ka parin ba ng mommy mo? sorry talaga ah.” mahinahong at sincere na pagkakasabi ni Karylle mula sa kabilang linya.
“Hindi na.” tipid kong sagot habang naka-dapa ako sa kama ko.
“Mabuti naman kung ganun, pero sorry talaga ah.” muling saad ni Karylle.
“Ayos lang, may mali rin naman ako eh.” saad ko.
“Si Tita Luisa, galit ba s'ya sa'min ni Bernadette?” mahinahong saad ni Karylle.
“H-Hindi naman. Ang kaso ayon, sana daw wag natin ulitin. Kasi nga....”
“...Hindi totoo ang multo.” magkasabay na saad namin ni Karylle saka kami sabay na natawa.
“Nak, pwede ba tayo mag-usap?” rinig kong saad ni Daddy kasabay ng pagkatok sa pintuan ng silid ko.
“I'll talk to you later, Karylle. Bye.” paalam ko kay Karylle saka ko pinutol ang pag-uusap namin.
“Bukas po 'yang pinto.” saad ko saka ako bumangon mula sa pagkakadapa ko sa kama. At agad nang bumukas ang pintuan saka pumasok si Daddy.“B-Bakit po Dad?” mahinahong tanong ko. Lumapit sa'kin si Dad saka naupo sa gilid ng kama ko.
“Pagpasensyahan mo na sana ang mommy, Kristine.” malumanay na pagkakasabi ni Daddy.
“Wala po 'yun, aminado naman po akong may nagawa rin po akong pagkakamali.” sagot ko.
“Pag ganyan kasi mag go-ghost hunt kayo ng mga kaibigan mo, wag doon sa hospital na pinagta-trabahuan ng mommy mo. Para hindi kayo makita.” nakangising saad ni Dad, bahagya rin naman akong natawa.
“Noted po Dad.” nakangising saad ko.
BINABASA MO ANG
HOME SWEET HOME (RAINBOW SERIES #2)
Humor[Rainbow Series #2: Color Orange] Paano kung mamulat ka sa isang pamilyang may magkakaibang paniniwala at pamanaw dahil sa kanilang piniling propisyon o trabaho. Tunghayan ang kakaibang kwento ng pamilya ni Kristine Leith Javier na anak ng isang Do...