Every Tears Darlin 4

2 0 0
                                    


"I see. I know It's you who's been eavesdropping." sabi ni Felix habang nakatayo at matamang nakatingin sa akin na nakahilig sa pader.

Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano sa paraan ng pagtitig niya pero di ako nagpatinag. Naiinis ako sa kanya, dahil iyon sa ginawa niya sa bestfriend ko.



"So, ano naman ngayon?" taas noo kong sagot sa kanya. "Ano? Masaya ka na? Nasaktan mo na naman ang bestfriend ko? Haa? Masaya kana?!" I hissed at him. Nangigigil talaga ako sa kanya ee. Sa lahat ng ginagawa niya. Nakakasakit sa ulo. Arggh!



Tiningnan niya ako with a bored look at nagsalita.



"It's just a goodbye kiss."sabi niya with a bored look. Nanlaki ang mga mata ko.



"Goodbye kiss?! Baliw kaba?! Dahil sa ginawa mo mas lalo siyang pinaasa eh! Pinaasa mo siya at dahil ginawa mo iyon aasa na naman iyon!" I hissed at him. Totoo naman ee. Mas lalo lang aasa si Faye sa paghalik sa kanya ng lalaking to. At paasa siya. At sa pagpapaasa niya ay nasasaktan at umiiyak na naman ang bestfriend ko.



"I didn't! And if do, dapat ginalaw ko na siya at iniwan nang hindi nagpapaalam at kapag nagkita, iisiping hindi kilala. Iyon ang ginagawa ko sa mga babaeng pinapaasa ko, ikinakama at iniiwan." sabi niya at mas lalong nanlaki ang mga mata ko.



"Bastos ka!" sigaw ko at akmang sasampalin ko siya nang hinawakan niya ang kamay ko.



"Bastos? What? Im just telling you kung paano ko pinapaasa ang mga babae." Sabi niya nang hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Napalunok naman ako sa sinabi niya.



"So Ibig mong sabihin? Nagawa mo na iyon? Ang iki-kinakama at i-inii-wan?" nauutal kong sabi sa kanya.



"Oo, pero isang beses lang. Dahil hindi ako PAASA." Sabi niya habang titig na titig siya sakin. Mas lalo akong napalunok nang marealize kong ang lapit na pala ng mukha niya sakin. Binigyang diin niya yung salitang 'paasa' . Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya pero may isang taong sumagi sa isip ko. Natahimik ako at nararamdaman ko na ang hininga niya sa mga pisngi ko. Maiinit at mabango ang hininga niya. Pumikit ako ng mariin at iniwas ang tingin sa kanya. Hinugot ko ang mga kamay ko mula sa kanya at tinulak siya ng mahina.



Bumuntong hininga siya bago humakbang patalikod at lumayo ng ilang distansya sakin.



"High school palang, minahal kana niya, Felix. Binibigay niya lahat sayo, oras puso at kaluluwa niya. Pero ni minsan, hindi mo inapreciatte iyon. Bilang kaibigan niya, nasasaktan ako para sa kanya. Galit na galit ako sayo, kasi pinapaasa mo siya. Pero hindi ako nakialam, kasi ayokong sumali sa kung ano man ang maaring mangyari." Sabi ko sa kanya. Totoo din. Kahit kaibigan ko siya, hindi ko pinapakialaman ang buhay pagibig niya. Masyado kasing kumplikado. At nakapakumplikado naman talaga.



"Pero ngayon, hindi ko na matiis. Mahal na mahal ko ang bestfriend ko, at hindi ko kayang nakikita siyang nagkakaganyan. Nasasaktan." Titig na titig lang siya sakin habang nagsasalita ako. "Kaya naman...makikialam na ako." Pumikit ako ng mariin. Ayoko na, ayoko nang nakikitang nasasaktan si Faye. Alam kong sinabi niya nang susuko na siya pero gagawin ko ang lahat sumaya siya. Bumuntong hininga ako bago nagsalita muli. Tiningnan ko siya sa mga mata at nagsalita...



"Kaya.. " napatigil ako nang bigla siyang nagsalita.



"Hindi ko pa siya gaanong kilala. Paano ko mamahalin ang isang taong hindi mo kilala at ni minsan hindi mo inisip na mamahalin mo." Sabi niya nang seryoso.



"Matagal na kayong magkakilala pero sinasabi mo saking di mo pa siya masyadong kilala? Tao ka ba o ano?" inis na sabi ko. Grabeh siya, ang tagal nang nag i ekspres si Faye ng pagmamahal niya sa kanya tapos hindi niya kilala. Grabeh siya, grabeh lang.



"Kung ganun ipakilala mo siya sakin." sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya ng deretso. "Alam ko na ang gusto mong gawin. Narinig mong susuko na siya kanina, at dahil ayaw mong malungkot siya, ikaw ang gagawa ng paraan. Tama ba ako, Quincy?" Sabi niya at tumingin sakin ng deretso. Hindi agad ako nakapagsalita. Totoo rin naman kasi ang sinabi niya. May sa manghuhula ba to o marunong talaga siyang makiramdam? Bumuntong hininga ulit siya bago nagsalita.



"Pwes, ipakilala mo siya sakin. Ipakilala mo siya sakin Quincy."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Every Tears DarlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon