Chapter 2

31 0 0
                                    


"Quincy! Pinapasabi ni Harvey na kailangan ka na daw sa panel."sabini Militia sakin, ang Student Council secretary.

"Ah Sige. Pakisabi susunod na ako. Tapusin ko lang to saglit."sabi ko nalang. Lumabas naman din siya agad.

Nandito ako ngayon sa Student Council office at inaayos ang mga paperworks sa mga gaganapin pang event and activities mamaya at sa nga susunod na mga araw.

Kung itatanong niyo kung anong pinagsasasabi ni Militia about panel? Well panel of judges. Isa kasi ako sa mga judges sa event na gaganapin ngayon which is The Battle of the Bands.

At oo, nasa school po ako at napilit ng bestfriend kong shunga. Di joke lang. Isa to sa dahilan kung bakit pumunta na ako.

Di nga ata talaga ako makakatakas sa responsibility ko. Haayyy! May araw ka rin sakin Lafayette.

Excited na excited siya sa event na to dahil kasali ang banda ng lalaking future boyfriend DAW niya. At opo, si Forsyth pong ibig kong sabihin. May banda kasi iyon.

At syempre excited din siya sa sarili niya kasi guest siya dun. Kakanta kasi siya for intermission.

Gusto niya talagang icheer ang lalaking iyon. Ewan ko ba kung anong nakita niya dun. Ang tanga din eh,nasasaktan na nga dun pa rin siya kumakapit. Nakakainis.

Ilang beses ko na siyang pinagsabihang tumigil na pero hindi, ayaw talaga magpa awat eh. Hahayaan ko na lang siya ngayon, sabi niya last naman na ito kaya sinakyan ko na rin. Sinabi ko nalang pag nasaktan siya ulit ay dapat tumigil na siya. Umagree naman siya dun.

I shook my head to snap out the thoughts. Lumabas na ako ng Office at naglakad papuntang auditorium.

Nang makarating ako dun ay sinalubong agad ako ng isa sa pinakagwapong nilalang na nakilala ko. Si Harvey.

"Hey beautiful!"sabi niya sabay kindat.

"Hey too, handsome."sabi ko naman at kumindat din sa kanya. Aba, ako din dapat noh.

"Let's go!."sabi niya. He held my hand tapos pumasok na kami sa loob.

Doon nakita kong marami ang mga tao at lahat sila at may kanya kanyang dalang mga banner para sa bandang susuportahan nila. As what I've said earlier, Battle of the Bands ang event ngayon.

Napadako naman ang tingin ko sa table kung saan nakaupo ang board of panels. Nandoon si Mr.SMITH, Mrs.Andrio at Isfaham, ang president ng Council, sila ang mga kasama ko as Panels of judges. Sa likod naman ay nakaupo ang mga officers ng Council.

Dumako naman ang tingin nila saming dalawa ni Harvey na nakaakbay na saakin ngayon.

"Sige beautiful, kailangan na ako doon."sabi niya at nagwink.

"Okay handsome!"sabi ko naman at nagwink din.

"Alam niyo kung hindi lang namin alam ang tungkol sa inyo, iba talaga iisipin namin eh."sabi ni Tamara the council's auditor. Tumango naman ang iba. Nagkatinginan naman kami ni Harvey at sabay na napatawa. Alam na namin ang ibig nilang sabihin.

"Sige beautiful kambal, kailangan nako dun eh.I love you, ate."sabi ni Harvey sakin at kumindat at nagkiss sa cheeks ko.

"Okay handsome kambal. I love you too."sabi ko at kumindat din. Umalis na din siya agad.

Sinundan ko lang ng tingin ang kakambal ko hanggang sa makapasok sa siya sa backstage. Humarap naman ako sa mga officers at nakitang nakatingin sila sakin.

"What?!"I asked.

"Wala. Nakakatuwa kasi kayong tingnan. Kung hindi lang talaga namin alam na kambal kayo iisipin naming kayo eh. "si Zenith yan. Tumawa nalang ako at naglakad na papunta sa upuan kung saan ako uupo at umupo na dun.

Every Tears DarlinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon