Walis Love Story - ONE SHOT

1K 32 15
                                    

 A/N : Book 2 'to ng don't hate me for loving you (sort of) na one shot rin.pero okay lang kahit hindi niyo basahin yung first (pero sana basahin niyo.HAHAHA) Marami kasi ang nagsabing dagdagan ko daw.. Kayaa etoo.. ^___^

ENJOY.

---------------------

"Lexi! Papatayin kita!"

"Papatayin rin kita, Cail!"

As Usual, nag-aaway naman kami ni Cail, yung classmate ko slash enemy slash ka-loveteam (ew).

Ako nga pala si Lexi. Wala kaming klase first period ng hapon kaya eto, away mode muna.

Napagtripan ko kasing inisin si Cail kasi natutuwa ako pag naiinis siya.. lalo siyang nagmumukhang unggoy.

Binuhusan ko siya kasi ng tubig.. konti lang naman, yung natira lang sa container ko. Inapakan ko pa yung paa niya tapos nadumihan yung sapatos niya kaya ayun, papatayin niya daw ako. Ay, ang brutal. Sarap sapakin.

"Uuuyyy.." sabi ng mga classmates namin "Nag-aaway naman ang mag-asawa... Eeeee.."

"Yuck. Kaderder." sabi ko

"Mas ka!" sigaw naman ni Cail sa akin "Kulang sa Pansin!"

"Mas ka! Kulang ka rin sa pansin!" sigaw ko sa kanya.

Tumawa naman yung classmates namin.

"Kaya nga bagay kayo eh. Pareho kayong kulang sa pansin. Hahahaha" sabi sa akin ni Crystal.

Sinipa ko yung upuan papunta sa kanya "Yuck. Tumigil ka diyan :P"

"Hayaan niyo guys, pakakargahin ko 'to mamaya ng napakaraming buko." sabi naman ni Cail sabay turo sa akin.

Tinutukso kami kasi ng mga kaklase namin na mag-asawa at nagbebenta daw kami ng buko at naninirahan pa sa bukid >__<

Kinakareer naman ng loko pag trip niya para inisin rin ako. 

Pumunta siya sa mga kaibigan niya na naglalaro ng psp.

"Dito lang ako guys, kakainis kasi yung iba diyan." parinig niya

Ah ganon ha? Nilapitan ko sila. "Kay sino yan?" tanong ko.

"Yung psp?" tanong ni Chester. 

"Duh." sagot ko.

Ngumiti siya "Kay Cail. Eeeee.."


Si Cail yung may hawak ng psp. Heehee. Perfectomondo.

Tinulak ko si Cail at nalalaglag yung psp.

O_____O <---- Mukha ng boys.

"NOOOOOOOOOOOO!" Sigaw ni Cail 

"Eee.." sabi ko sa kanya "Sosyal.. English."

Kinuha naman ng boys yung psp niya at ngumiti dahil hindi naman siguro nasira. Tsk. Sana nasira..Oh,well.

Walis Love Story - ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon