Prologue

2 0 0
                                    


"Hala g@go! Akala ko multo, pangit mo la!" sabi ni Berto.

Siya si Vanestino Cain Locente best friend kong unggoy, palaka, at marami pang iba. Tawag ko sakanya Berto o kase trip ko lang pangit niya kase. Ang pinaka ayaw niya ang tinatawag na Vanestino pangmatanda daw mas gusto niya Van. Babaero to, wag kayo magkagusto sakanya iiyak lang kayo. Pero mabait din to palagi siyang nandito para sakin, ayeh. Matagal na din kaming magbestfriend nung elementary pa kami grade 4 ako siya naman grade 5, actually yung mama niya at mama ko talaga ang magbestfriend tapos naging best friend nadin kami dahil sakanila kaya ayun.

Ako naman si Starly Lee pinaka magandang nilalang sa balat ng lupa. Tawag sakin ni Van ay "la", "taly" kase Tala daw Star. Isa akong Architect, si Van naman Engineer, engineer ng plywood charot. 23 na ako siya naman 24, gurang.

Binatukan ko siya. "Wala kang support sa best friend mo walangya!" inirapan ko siya.

"Hahahahahah wag kana kase pumunta sa date mo" natatawa niyang sabi.

"Tseh! ang sabihin mo inggit ka lang ako may kadate ikaw wala nakuuuu" sabi ko ket alam ko naman na halos araw-araw may kadate yan, daming babae sist.

Pumipili kase ako ng damit ngayon para sa date namin ni Ethan my love so sweet, choss. Crush ko siya nung college pa kami tas ngayon magkatrabaho kami. ackkk

"Bagay naman ah". Suot ko ngayon nude color na bodyhugging dress.

"Pangit! Yung katawan mo straight, walang kurba!" at tumawa ulit siya. Potek parang unggoy na tumawa tawa.

"Porke puro babae mo sexy! Ewan ko din bat andaming babae nagkakagusto sayo eh mukhang unggoy ka naman" babaerong unggoy.

"Eto oh" turo niya sa isang light green na flowy dress.

"Yan para di makita straight mong katawan" tumawa ulit yung uggoy. Di ka sana makahinga, charot tawa kase ng tawa eh.

Kinuha ko yung tinuro niyang damit tas sinuot.

"Hmmmm" pinagmasdan ko sarili ko sa salamin pagkalabas ko ng cr ko sa kwarto.

"Sige eto nalang!" sabi ko tas umiikot ako. Excited na ako sa date namin asdfghjkl.

"Hayyy!!! ako napagod sayo Star eh" sabi niya habang nakatihaya sa higaan ko.

"Tumayo ka na nga jan madudumihan higaan ko sayo eh" sabi habang hinihila siya patayo.

"Arte mo parang di ka umihi sa higaan ko nung bata pa tayo" tumingin siya sakin tas tumawa ulit.

"Kanina ka pa tumawa tawa palaka ka! at di ako umihi sa higaan mo nung bata pa tayo natapon lang nga yung lalagyan ng tubig ko. Umalis ka jan nandidilim paningin ko sayo" sabi ko habang hinahampas siya ng unan.

Lumabas na kami ng kwarto ko at bumaba na ng hangdan para kumain ng tanghalian.

"Maaaa!!!" tawag ko kay mama pagkababa namin.

"Star!" tawag ni mama sakin

"Bat di mo sinabi may bisita ka pala ngayon?" nagmamadaling sabi ni mama.

"Oh siya maghahanda muna ako ng pagkain para sa bisita mo, gwapo nak ah" humahagikgik niyang sabi.

Gwapo? Lalaki? Wala naman akong matandaan na inimbitahan na lalaki sa bahay ah. Except kay Van.

"May inimbita ka taly?" tanong ni Van sakin.

Umiling lang ako tas nagpatuloy ng lakad papuntang sala.

May nakita akong likod ng lalaki, familiar. Lumingon sakin ang lalaki.

"Ethan?!" gulat kong sabi.

Unexpected WarmthWhere stories live. Discover now