Chapter 1

0 0 0
                                    

"Ethan?!"

Shocks! pawisan ako ngayon kakabihis kanina. Ang pangit ko ngayon, bat ngayon pa lord. huhu

"Uh hi!" bati ko sakanya bago kumaripas ng takbo papunta sa kwarto ko at inayos buhok ko at nagbihis ng damit.

Tumakbo ulit ako pababa papuntang sala. "Ethan hi! hahhaha sorry nga pala kanina nagulat ako hehe"

"Okay lang hahhaha nadistorbo ko ba kayo? pasensya na" sabi niya sabay kamot ng ulo niya.

"Hindi ihjo! naku okay lang anytime" sabi ni mama.

"Punta na tayo sa hapag? kain muna tayo" dugtong niya.

Nasa harap ko ngayon si Ethan sa kaliwa ko naman si Van, sa kanan si mama.

"Sorry po talaga tita sa istorbo" sabi ulit ni Ethan at ngumiti sakin.

"Edi sana di ka nalang pumunta dito tss" bulong-bulong si Van na bugnot ang mukha. Tingin niya kase iiyak lang ako kay Ethan na may masama daw na motibo eh ang bait kaya niya, cute pa.

"Van!" bulong na saway ko. "Baka marinig ka ni Ethan".

"Kayo po nagluto netong kare-kare mrs. Lee?" tanong ni Ethan kay mama.

"Oo! masarap ba? tsaka tanggalin mo na yang mrs. Lee tita nalang masyadong pormal yung mrs. Lee ihjo" sabi ni mama.

"Opo! sobrang sarap po tita!" nakangiting saad ni Ethan.

"Uhm tita ipapaalam ko po sana si Star magdadate po kami sa Sunday sana okay lang po hehe" Ethan. 

"Sige ihjo walang problema basta ibalik mo anak ko dito ng maayos ha?" sabi ni mama. Napangiti ako, enebe

Padabog na tumayo si Van at tinignan cellphone niya. "Alis muna ako tita may pupuntahan lang po ako" sabi ni Van ng di ako tinitignan.

"Sandali lang Van" kumuha si mama ng tupper wear na may lamang kare-kare. "Ibigay mo yan kay Xanz ha? sige ihjo ingat ka". Si tita Xanz mama ni Van.

"Salamat po tita" sabi niya at umalis na ng di ako sinulyapan.

Pagkatapos lumabas ni Van nagpaalam nadin si Ethan. "Alis na din ako tita, salamat po" paalam ni Ethan kay mama.

"Bye Star, sa sunday ha?" paalam ni Ethan sakin.

Tumango ako at ngumiti "Sige ingat".

Nang nakaalis na si Ethan niligpit na namin ni mama ang hapag tapos na din kaming kumain eh.


Kinagabihan tumawag sakin si Alicia babaeng best friend ko. Na may crush kay Van

"Starrrrrrrrr!!!!!!" sigaw niya.

"Aray!!" sakit sa tenga daig pa nakamicropono. "Bakit ka ba  napatawag?".

"Ang gwapo ni Van!" sigaw niya ulit kaya nilayo ko na tenga ko sa cellphone at niloud speaker nalang.

"Kelan ba naging gwapo yun? Eh mukhang unggoy yun eh"

"Bulag sa sis! Nakita ko siya sa bar kanina! shet ang gwapo!"

"Oh sino kasama?"

"Yung mga tropa niya sila Seb" sagot niya.

Di na bago sakin ang pagbabar ni Xane nung senior high school at college pa kami palagi na siyang nagbabar. Doon nangbibingwit ng babae.

"Ahhh" tumango tango ako kahit di naman niya kita.

"Kaso ang daming nakapaligid na babae" wasak na sabi niya.

"Parang di ka pa nasanay dyan eh palaging may babae yang crush mo eh, bat ba kasi si Berto pa crush mo madami pa naman ang mas matino jan dun ka nalang sakanila"

"Ayaw ko loyal ako sakanya baka magalit pa yun sakin pag nalaman niyang naghahanap ako ng iba" kinilig niyang sabi.

"Parang pinapansin ka niya no?" umiling nalang ako.

"Sige bye na may date pa kami bukas ng Ethan ko!" pagpapaalam ko sakanya.

"Sige! Yanigin mo buhay niya sis!! goo!!"

Tumawa nalang ako at pinatay yung tawag.

Ilang sandali ay may tumawag ulit. At si Berto naman ang tumatawag ngayon.

"Bakit" sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

"Can you please take me home?". Lasing na ata tong lalaking to.

"Nandyan naman sila Seb sakanila ka nalang magpahatid"

"No, gusto ko ikaw baka gahasain pa ako nila" tumawa ito. Lasing na nga.

"I'll wait for you outside, wag ka pumasok sa bar baka mapano kapa" dugtong nito halatang inaantok na.

"Okay sige papunta na ako bye"

"Bye I'll wait for you"

Pinatay ko yung tawag at pumunta na sa sasakyan ko. Naglalasing di naman pala kayang iuwi sarili. Patay ka talaga sakin Vanestino nakuuu.

Unexpected WarmthWhere stories live. Discover now