Kabanata 1

4 0 0
                                    

Disclaimer: This is work of fiction. Names, Characters, Business, Events and Incidents are products of the author's imagination. Any resembles to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Thank you! <33
________________

Nang mabasa ko ang balita tungkol sa dalawang linggong pahinga bago ang ikatlong markahan. Nasiyahan ako dahil kahit papaano ay makakapagpahinga ako.

Sumasang-ayon ako sa ideyang ito, dahil nabibigyan ng oras ang ibang estudyante na makapagpasa pa ng gawa nila para sa una at ikalawang markahan. Saka nabibigyan ng oras magpahinga ang mga estudyante natapos na lahat ng gawain.

Pero lahat ng bagay may hangganan.

"Gising na, Auxi!" Tawag sakin ni mudra.

"Ma, nasan yung pagkain?" Tanong ko, matapos maupo sa upuan.

"Dun sa ref. Magluto ka nalang, naubos ng aso eh." Huminga ako ng malalim bago ako tumayo.

Lagi nalang aso yung inuuna. Pagkatapos kong kumain, ginising ko yung kapatid ko. Ganyan ang gawain ko araw-araw.

Nang matapos akong maligo, kinuha ko lahat ng gamit ko para sa pag-aaral, at dumiretso sa taas.

"Ate! Pano nga to?" Tanong sakin ni Kyla. Ipinaliwanag ko sa kaniya yung aralin na hindi niya maintindihan.

Minsan tumigil ako sa pagsasagot ng aralin ko para ipaliwanag sa kapatid ko ang hindi niya maintindihan. Kaya minsan lumalagpas sa oras ng subject na yun ang pagsagot ko.

Binuksan ko yung selpon ko at nagpunta sa group chat.

"This is the soft copy of your module for this week."

Agad kong binuksan ang pinadala nito at sinimulang sagutan iyon.

Buti nalang din at may internet kami. Mabagal nga lang minsan.

Kailangan kong sumabay sa schedule na binigay ng titser namin. Sa panahon na ito, kinakailngan ng time management ng bawat mag-aaral.

At para mas lalo kong maintindihan ang aralin namin, binabasa ko din yung libro ko sa asignatura na ito.

"Auxi! Kakaon  na." Tawag sakin ni ermat.

Sa isang araw, ang tanging pahinga ko lang ay ang tanghalian, pagkatapos ay halos nakatutok na ko sa aralin ko. Pagkatapos kumain ay dumiretso uli ako sa pwesto kung san lagi akong nag-aaral. Kapag gabi ako nag-huhugas ng pinggan sa tanghali si mama.

Saktong nagpadala na si ma'am ng sasagutan namin. Bago ako tumungo sa ikalawang asignatura, sinisigurado ko munang walang natirang blanko sa papel ko. Ayaw kong laktawan ang mga sasagutan ko dahil baka mapasa ko ng may blanko. At ng masigurong wala na agad akong lumipat sa ikalawang asignatura para sa ngayong araw.

"Auxi. Kapag may bumili pagbilan mo ha? Matutulog lang ako."

Agad akong tumalima sa inutos ng nanay ko. Alam kong inaantok talaga siya dahil alas kwatro palang ng umaga gising na siya para ipaghanda ang erpat ko para sa trabaho nito.

Sa kusina ako pumwesto para mas marinig ko ang ang bumibili. Hindi ko naman mautusan yung kapatid ko dahil baka mamali ng sukli.

Bawat may bibili tatayo ako para pagbilan ito, minsan nga uupo palang ako at hahawakan ang panulat ko, tapos biglang may bibili.

Nang tignan ko ang oras at agad na nanlumo ng makitang oras na para sa ikatlong asignatura, pero nakakalahati ko palang ang sasagutan para sa naunang asignatura.

Kelan ka ba makakatapos ng tatlong asignatura sa isang araw, Auxi? Kailan mo ba masusunod ang schedule na pinadala ng titser mo?

Dati naman nakakasunod ka dito.. ano ng nangyari sa Auxi dati?

Nasan na yung Auxi na kilala ko? Kasi hindi ito yun.

Estudyante Sa Araw-arawWhere stories live. Discover now