Marami akong lodi na mga guro dahil hindi lang naman ang mga estudyante ang mga napapagod sa paraan ng pag-aaral ngayon.. pati na din sila. Pero ebarg.. kinaya nila, at nagpapatuloy sila.
Isa sila sa mga nag-uudyok sakin na hindi dapat sumuko dahil, kung kaya ng iba kaya ko din.
"Dun ka na sa baba gumawa niyan, Kyla! Nag-aaral ako eh!" Sigaw ko sa kapatid ko. Kasalukuyan akong nagre- review dahil may pagsusulit kami sa math bukas. Hindi naman ako binigyan at biniyayaan ni God ng kagalingan sa asignatura na ito. Ito nga ang asignatura na hindi ko magamay-gamay.
"Tulungan mo muna kasi ang maganda mong kapatid." Sabi nito habang magkadikit ang palad na nakatingin sakin.
"Hindi ka maganda. Ngetpa pa." Sabi ko bago umayos ng upo at tinulungan siya.
Ginawa ko ang mga sasagutan ko para sa araw na ito. Madali lang naman dahil Araling panlipunan lang at edukasyon sa pagpapakatao. Kailangan ko din palang sagutan na yung kulang ko kahapon.
Hays.
Bale apat na asignatura para sa ngayong araw. Hindi na din naman ako inuutusan nila ermat dahil sabi ko baka matambakan na ko kung hindi ko pa tatapusin lahat ngayon. Buti nalang talaga sumang-ayon sila. Para kahit ngayong araw lang ay wala akong maging pasanin dito sa bahay.
"Bolpen ko, Kyla!" Sigaw ko sa kaniya. Lagi nalang, meron naman siyang panulat bakit ba kasi kailangan niya pang kuhanin yung sakin?
"Hindi ko maalala. Ay sandali! Alala ko na, naron sa taas ng kabinet mo." Agad ko itong kinuha at nagsimula na ulit magbasa, at sagutan ang modyul ko.
Minsan ipinipikit ko amg mata ko para tanggapin ng aking hibalo (isipan) ang mga inaaral ko.
"Hehe.. ditse.." (ate) Huminga ako ng malalim bago siya tinignan. Sinabi na kasing wag akong guluhin eh.
"Ano?" Naupo siya sa tabi ko at ipinakita ang hindi niya maintindihan na parte ng modyul.
"Ang sabi. Tumututol ka ba daw, o pumapabor dun sa sinabi ng presidente. Sige nga ano bang naintindihan mo sa binasa mo?"
"Ahh.. hindi ako sumasang-ayon, o tumututol sa sinabi nito dahil.." Pagkatapos ay isinulat na niya ang sagot niya sa sagutang papel.
Pagsapit ng alas singko ng hapon, natapos ko ang lahat ng gawain na gagawin ko ngayong araw. Pero patuloy pa din akong nag-aaral para sa pagsusulit namin bukas.
Kailangan kong basahin yun ng paulit-ulit dahil wala talaga akong galing dito.
"Auxi. Halos mahalikan mo na yang papel. Timpla mo muna ako kape, Ate." Saad ni erpat. Akong akong tumalima sa utos nito.
Alam kong pagod siya dahil sa trabaho niya at nagbi-bisekleta pa siya pauwi.
Sila ang isa sa mga dahilan kung bakit ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko sa pag-aaral ay dahil, nagpapakapagod ang aking mga magulang para makapag-aral ako, at kung ang paraan lang upang masuklian yun ay ang mga-aral mabuti, akin iyong pagiigihan.
Sila ang dahilan kung bakit ako nagpapatuloy.
Nakatanggap ako ng mensahe mula sa kaibigan ko. Si Drew.
"Tapos ka na sa Ap?" Tanong nito.
Nagtipa ako ng mensahe para dito.
"Tapos na."
"Ahh. Sige. Nawa'y lahat."
Napatawa ako ng konti, pinagpatuloy ko ang pag-aaral sa matematika at minsan pinapanood ang mga bidyo na pinadala ni sir sa group chat.
Sana lang mataas na grado ang makuha ko bukas.. sana.
YOU ARE READING
Estudyante Sa Araw-araw
Teen FictionBernadette Auxi, isang estudyanteng lahat gagawin upang makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang pangarap. Laging pumapasok sa school, at minsan lang sa isang taon lumiban ng klase. Ngunit isang trahedya ang tumama na hindi inaasahan ng bawat isa. N...