Biyernes na, at araw na para magpasa ng mga aralin, para sa ngayong linggo.
May mga modyul pa akong hindi nasasagutan, pero kaya na yung mapasa ngayong araw. May mga pagkakataon na naipapasa ko siya kapag sabado at linggo dahil, minsan nahihirapan ako sa mga aralin at nauubusan ng oras.
Aking ipinasa ang aking mga sinagutan sa tamang pasahan. Kunwari sa asignatura na Science, nagpapadala si Ma'am ng google form at dun ipapasa. Meron namang sa Facebook, at messenger.
Medyo natagalan lang sa pagpasa dahil nga sa mabagal na internet, kaya habang hinihintay ko, sinasagutan ko na yung mga hindi ko pa nasasagutan na modyul.
Tinignan kong muli ang ipinapasa ko, at napahinga ng malalim dahil nag error. Inulit ko ang lahat para maipasa ko tong muli.
"Ditse! Bibili lang akong ulam, ha?" Sabi ni Iloy. Lumabas ako sa kwarto namin at sa kusina pumwesto.
"Opo, Mudra." Sagot ko. Tumango itl at lumabas ng bahay. Pinagtuunan ko ng pansin ang ginagawa ko. Nakapagpasa na ko ng dalawang asignatura.
"Ate, anong tawag dito?" Tanong ng kapatid ko.
"Diameter yan tas radius to." Sagot ko sa kaniya.
"Ahh. Sige. Salamat." Tumango ako sa kaniya at ibinalik ang atensiyon sa sinasagutan ko.
Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na din ako sa sinasagutan ko, kinuhanan ko ito ng litrato, at siniguradong mababasa ito kahit i zoom at kahit malayo.
Tas ipinasa ko na ito, kung san dapat ipasa.
At dahil tapos na ko sa mga gagawin ko para sa ngayong linggo. Nagpahinga muna ako at binuksan ang Facebook at naglibang dun.
Scroll, scroll napatigil lang ako ng may nakitang isang post.
Sabi dun "Bat hindi ka pa din natigil kahit napapagod ka pa?"
Tapos may nakita ako sa comment section na. "Napapagod ako sa paraan ng pag-aaral naming mge estudyante ngayon, kahit na ako'y nahihirapan hindi ko hinahayaan ang aking sariling tumigil sa pag-aaral sapagkat ginagawa ko to para maabot ang hinahangad kong pangarap sa buhay na kung saan ito'y magiging stepping stone ko, nakakapagod man minsan pero kapag naiisip ko yung isang goal na yon biglang lumalakas yung energy ko."
Hindi ako tumututol sa sinabi niya dahil para sakin matatapos din ang lahat ng ito, hindi nga lang ngayon.
Ang pamilya at ang ating pangarap sa buhay ang nagiging motivation natin para magpatuloy tayo.Ating tandaan na bago mo makuha ang iyong hangarin dadaan ka muna sa isang mahirap na proseso at mga gawain, kaya para sa kapwa kong mag-aaral wag kayong susuko!
Padayon!
YOU ARE READING
Estudyante Sa Araw-araw
Teen FictionBernadette Auxi, isang estudyanteng lahat gagawin upang makapagtapos ng pag-aaral at makamit ang pangarap. Laging pumapasok sa school, at minsan lang sa isang taon lumiban ng klase. Ngunit isang trahedya ang tumama na hindi inaasahan ng bawat isa. N...