Wallet

45 2 0
                                    

"Hindi lahat ng tao sa mundo ay tao. Minsan nagpapanggap silang tao para makapag biktima ng mga inosenteng tao. Ganyan ang gawain ng mga engkanto at maligno. Pero kahit na ganyan ang gawain nila hindi sila uubra sa akin. Isa kaya akong immortal. Bakit nga ba ako naging isang immortal? Well simple lang, nabiyayaan ako nang isang kapangyarihan na aura na kayang pumuksa ng mga maligno at engkanto, at tsaka proteksyon ko na rin sa kanila. Ang tawag sa aura na ito ay Luminaire." sabi ni Arzen, habang tinitignan niya ang isang dalagang tumatakbo.

"Tulong!!! tulungan nyo ako!!" sigaw ng tumatakbong dalaga, habang hinahabol siya ng isang lalaki.

"Gruagh!! Gruaghh!!" umuungol ang lalaking humahabol sa dalaga.

Napahinto ang dalaga, dahil wala na siyang matatakbuhan. Nanginginig sa takot ang dalaga, dahil palapit nang palapit ang lalaking umuungol.

"Maawa ka kuya.. wag mo ako saktan, Kunin mo na ang lahat ng pera ko at alahas ko," nagmamakaawang sabi ng dalaga sa lalaki.

"Aaanin ko pera at alahas mo. Kung hindi ko naman yan makakain, Gruuhm... gruuuhhm." sabi ng lalaki sa dalaga.

"Maawa ka naman sa akin." sabi ni dalaga sa lalaking palapit nang palapit sa kanya.

"TULONG!!" sigaw ng dalaga.

"Pssst..." sitsit ni Arzen sa dalawa.

"Hoy lalaki!!  Diba nagugutom ka?" sabi ni Arzen sa lalaki.

"GRuaagh.. " lumingon ang lalaki kay Arzen.

"Halika dito, may ipapakain ako sa'yo na masarap." sabi ni Arzen kay lalaki.

Lumapit ang lalaki kay Arzen.

"Sige lapit lang.. wag kang mahiya lumapit, kasi wala ka naman talagang hiya eh," sabi ni Arzen sa lalaki.

Unting unti nagbabago ang anyo ng lalaki. Anyo nang isang warewolf na may taas na labing dalawa talampakan. Sa sobra gulat ng dalaga sa nakita niyang malaking warewolf, ay nahimatay eto.

"Tangina naman eto! Ang laki mong engkanto pumapatol ka sa dalaga. Ano ka baklang  warewolf!!" pang iinis na sabi ni Arzen sa lalaking nag transform ng warewolf.

"Tumahimik ka!!" sigaw nang warewolf kay Arzen.

"OO nah!! wag kang sumigaw hindi ako bingi!" sigaw ni Arzen sa warewolf.

"Nasaan na yun sinasabi mong masarap na pagkain." sabi nang warewolf kay Arzen.

"Relax lang. Masyado kang excited!!" sabi ni Arzen sa warewolf.

"Nasaan NAA!!!" sigaw nang warewolf kay Arzen.

"ETO NA OHH, KAININ MO TONG KAMAO KO!!!" sigaw ni Arzen.

Buong pwersa sinuntok ni Arzen gamit ang kanyang kamao, na binabalutan ng Luminaire, ang mukha ng warewolf. Sa sobrang lakas nito ay sumabog ang ulo ng warewolf. Kumalat sa paligid ang dugo at mga piraso ng ulo ng warewolf sa paligid. 

"Pwe!! Ang laki laki mo nilalang ka tapos isang suntok lang pala kita." pag yayabang na sabi ni Arzen.

Luminaire (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon