SELOS

2 0 0
                                    

Hindi ko mabigkas ang aking nadarama. 

Lungkot? Galit? o iba pa?

Limang letra, isang salita.

Isang... emosyon na lumitaw nalang bigla.

S? Sakit. Masakit na makita ka na sumasaya sa iba.Masakit na makita kang nahuhulog na sa kaniya. Masakit sa puso. Masakit sa pakiramdam. Hindi ko manlang magawan ng paraan. Na sabihin sayo, na ako nalang.

E? Ewan. Ewan ko ba ba't ako nagkakaganito. Sa dinami-rami ng tao sa mundo. Ikaw, ang sigaw, ng puso ko.

L? Luha. Sa bawat pagpatak nito, ay simbolo ng pagmamahal ko. Ikaw at ako. Akala ko tayo na hanggang huli. Akala ko ikaw na makakasama ko araw't gabi. Ikaw. at ako. pero walang tayo.

O? Mahal ko ba? Mamahalin ko ba? Ito ang sagot sa mga tanong nila. Oo! Kahit ilang beses kong tanggihin na mawawala ka na, ako'y nahuhulog, at nalulunod sa mga alaala, na tayo pa, ay magkasama.

S? Sana. Sana ako nalang. Sana ako nalang ang piliin mo. Dumating lang yung tao, mapupunta ka na sa dayo. Sana mapansin mo, ang mga hiyaw at sigaw ng puso ko, na sana, sana gusto mo parin ako.

Limang letra, isang salita. Ah selos!Nagseselos ako. 

Nabuhay sa mundo na puro "Baka sakali", "siguro",

"Baka pwede"... magulo. 

"Akala". "Sana". At paninigurado,

na ika'y mawawala na, dito, dito sa piling ko..

SELOS ( A Spoken Word Poem)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon