CHAPTER ELEVEN

622 66 17
                                    

Shane Andrea Juarez

Nagulat ako nang bigla na lang akong kaladkarin ng foreigner na babae. Then, I heard Micah told her, "Let her be, Mom."

Foreigner ang mommy niya? No wonder kakaiba ang kapal at hugis ng kanyang kilay maging ng makurba niyang eyelashes na sobrang kapal din na parang nagpa-eyelashes extension.

"She is perfect for you!" his mom hissed at him.

Perfect for him? Pumalakpak ang tainga ko sa narinig. Nag-init pa ang mukha ko dahil sa sobrang flattered. Biruin mo. Mommy na ng guy ang nagsasabi na perfect daw ako sa anak niya.

Bago pa ako mag-rejoice, naalala ko ang sitwasyon ni Micah. Oh shit! Baka ito ang sinasabi niya kanina na kailangan na niyang makahanap ng babaeng kunwari'y pakakasalan para maging masaya man lang ang lolo niya sa huling sandali ng buhay nito.

"What's going on?" tanong ko sa kanilang dalawa. Kunwari'y clueless sa mga pangyayari.

"We will explain later, sweetie. Just come with us."

Napasulyap ako kay Micah who looked so embarassed now. Sumenyas siya sa akin na okay lang daw lumayo ako sa kanila. Pero paano ako makakaatras palayo kung ikinawit na ng mom niya ang braso sa braso ko?

"You looked so pretty, darling. I am sure my picky father-in-law would love to have you as a granddaughter-in-law!" natutuwa pa nitong sabi.

"Granddaughter-in-law?" Sinulyapan ko si Micah.

"Iyong napag-usapan natin kanina. H'wag kang mag-alala. Hindi kita pipilitin."

"What are you saying? Do you want the old guy to die? He has not revised his last will and testament yet! Remember that! In the old will, he did not leave me anything! Your share was a lame ten million pesos in the bank. C'mon, Micah Rufus! We need to do something about it!"

I felt uncomfortable at their discussion. So desidido silang mag-ina na gamitin ako para sa kanilang mamanahin? Kung gano'n ay may pera nga ang Micah na ito to pay me in case na pumayag nga ako. Ang laki ng limang milyong pisong alok niya kanina! Nakaka-tempt pero kailangan kong sabihan silang dalawa na hindi ko kayang manloko ng ibang tao lalo na kung matanda.

"Uhm. Ano po kasi---I hope you don't get mad at me, ma'am but---"

"You are really so pretty, sweetie! I love your dark skin!" his mom said excitedly. Kinurut-kurot pa niya ang pisngi ko na parang gigil na gigil. Hindi raw nagkamali si Micah ng nilapitan. Mako-convince daw talaga agad ang lolo nito kung ako ang ipapakilala.

Gano'n siguro iyon, ano. Ang hirap tumanggi sa taong puri nang puri sa iyo. Alam kong ini-echos lang ako ng babaeng ito, pero nae-excite din ako sa prospect na magpapakasal kay Micah kahit na kunwari-kuwarian lamang.

Nang hilahin pa ako ng mom ni Micah at madaliin papunta sa kotseng nakaparada sa harapan ng Edward's Milk Tea Shop, napahinuhod na lang ako at napasama nga sa kanila sa St. Luke's hospital.

Panay ang tingin sa akin ni Micah na tila humihingi ng paumanhin all throughout the ride. Sinenyasan ko naman siyang okay lang sa akin. Tinext ko na sa kanya ang iba ko pang nais sabihin para hindi marinig ng mom niya. But then when he looked at his cell phone to read my text, nakiusyuso ang ina. Nilayo niya agad dito ang cell phone.

"Mom, please. You're embarassing me," sabi pa nito sa ina.

Napangiti ako nang lihim. Parang katulad din pala ng mommy ang mom niya. Gano'n din kasi ang ermat ko. Nakikiusyuso sa mga natatanggap kong texts kung nasa tabi ko siya.

"So, what's your name, darling?" baling sa akin ng mom niya. Nasa left side siya ni Micah at ako naman ang sa right side. Sa likuran kami ng puting Lexus nakaupo. Tanging driver lamang ng mom niya ang nasa harapan.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon