CHAPTER THIRTEEN

603 68 8
                                    

Shane Andrea Juarez

"Then, what should we do, Dad? I do not want to close the restaurant in Baclaran! Doon tayo nagsimula. Iyon ang roots natin!"

Natigilan ako sa bungad ng kumedor nang marinig kong nagtaas ng boses si Mom. Sumilip muna ako at nakiramdam. Napanganga ako nang maintindihan kung ano ang pinagtataluhan nila. Palugi raw ang resto grill namin sa Baclaran. Hindi maaari! Iyon ang unang naipundar nila Mommy at Daddy.

"It's my baby, Dad. Mahal na mahal ko ang restaurant na iyon. Naalala mo? Ako ang nag-conceptualize no'n. Iyon ang pinagkaabalahan natin bago dumating ang mga bata." Umiyak na si Mom. Iyong tipong nanginginig pati balikat.

Kahit na may inis pa ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Micah noong isang araw, parang may sumundot pa rin puso ko. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang vulnerable. Sanay kasi akong palaban siya at mataray.

Dad immediately put his arm on her shoulder and kissed her temple. He looked so sad. Doon ako mas nalungkot. Sa kanilang dalawa kasi mas gusto ko ang aking ama. Malapit sa kanya ang puso ko. Siguro dahil sa siya lagi ang kakampi ko samantalang si Ate nama'y pet ni Mom.

"If we try to hold on to it, lalo tayong malulugi, Corazon. Hindi natin kayang magpaluwag doon nang magpaluwag. Tanggapin na lang natin na hindi natin kaya ang kalaban. Malapit kasi sa MOA. Eh ang dami ng kainan doon at mas maganda naman ng di hamak ang mga tanawin doon. Idagdag pa ang pagsulputan ng mga Korean restaurants sa paligid ng resto grill natin."

"Sasabayan natin ang mga competitors, Dad! Let's think about some gimmick!" hirit pa ni Mom sa pagitan ng mga hikbi. Napahugot ng malalim na hininga ang aking ama.

"Lalo tayong mababaon sa utang, Corazon. Let's be practical, okay? Oo, masakit magpaalam doon. It was our baby, our very first business as a couple. Pero kung patuloy natin iyong i-maintain despite the losses lalo tayong malulugi. We are no longer liquid. Wala nang bangkong nais na magpautang pa sa atin. Three months delayed na rin tayo sa bank loans natin sa Rural Bank sa Bulacan. Ang mga bigger banks dito sa Kamaynilaan naman ay nalapitan na natin, pero dahil sa hindi natin magandang record sa BDO at BPI, wala na ring gustong magtiwala. No one wants to give us a loan anymore! Even our friends are hiding from us now."

Napasandal ako sa dingding malapit sa pintuan sa kumedor. Shocked. Hindi ko sukat akalain na ganoon na pala ang estado ng negosyo namin. Ang ipinagtataka ko lamang ay bakit pa nila pinayagan ang ate na mag-Hong Kong ito kasama ang mga sosyal niyang kaibigan noong nakaraang linggo. Nag-Cordis Hotel pa sila. My God!

I need to go to school right now! Hindi ko kayang mag-breakfast together with my parents. Hindi ko sila matingnan nang deretso sa mga mata knowing that I knew about their problems already.

Dali-dali akong tumakbo sa kuwarto ko at nagbihis na agad ng green jogging pants and yellow T-shirt na palagi naming suot-suot sa school. Tamang-tama naman dahil PE ang una kong klase sa umaga.

Nagulat si Felina nang makita niya ako sa school canteen bago mag-alas nuwebe nang umagang iyon. Kadalasan kasi ay late ako dumating. Kung alas dies y medya ang klase ko, dinadatnan ko ng alas onse.

"Himala! Ang aga mo ngayon, girl," bati niya sabay beso-beso sa akin. Naupo ito sa kabilang bench paharap sa akin. Hinawakan niya agad ang baba ko at itinaas ito. "Malungkot ka," ang sabi niya.

Binaba ko ang tinidor na may lamang baked mac at hinarap siya.

"What will you do if you know your family is in debt tapos may kakayahan kang tulungan sila?"

"Ha? Anong debt? Parents mo may utang? Weh? Hindi nga? Ang sosyal kaya ng mom mo. Saka kabubukas n'yo lang ng bagong branch ng resto grill n'yo sa Taft."

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon