PROLOGUE

2.7K 95 12
                                    

"Oo nga sabi, eh. May sekreto si Felina sa atin. I can sense it. Hindi n'yo ba halata na halos ay hindi na siya sumasama sa ating mag-lunch?" sabi ko kay Eula sa phone. Itong babaeng ito parang manhid, sa loob-loob ko lang. Mas close sila ni Felina pero kung bakit parang walang alam sa nangyayari sa tabachoy na iyon.

"Shanenita, kung may sekereto siya o whatever, ibig sabihin ayaw nga niyang ipagbigay-alam sa atin. So why do we care about it so much? Bakit hindi na lang natin hayaan si Taba kung saan siya masaya? Saka ang dami kong problema para intindihin pa ang problem ng ibang tao. For as long as I can feel na masaya si Taba, oks na oks na sa akin."

Napangiwi ako saka nilayo ko ang cell phone sa tainga at tsinek kung si Yolanda Ysadora Anai nga ba ang kausap ko dahil himala of all himalas. For the first time, hindi siya naging interesado sa juicy tsika na kanina ko pa hini-hint sa kanya.

"You're not interested at all? Sure ka?"

"What's the point of this talk? Cut to the chase! Wala akong oras."

"May online lover si Felina! And I think they are having sex online already!" deretsahan kong sabi.

Natahimik si Eula. Napalakas siguro ang sabi ko dahil ang dalawang may edad na babae sa unahan ng pila ko ay napatingin sa akin. Pati si kuya na nagma-mop ng floor dahil may natapon na milk tea roon ay nahinto bigla sa ginagawa at napatingin din sa akin. Tapos ngumiti. Pasimple akong nagpalinga-linga. Shit! Lahat ng mga mata ay naka-pokus na sa akin. Nakabungisngis ang karamihan.

Hininaan ko bigla ang tinig.

"Are you sure? My Felina is doing that?" si Eula uli. Parang nakabawi na. I could sense some laughter in her voice now. Iyon bang tila ikinatuwa niya pa ang balita. "Please remind me later on at ibo-blow out ko siya!" ang sabi pa. Then, she hang up on me. Tinawagan ko pa ulit pero busy tone na narinig ko. Kainis na babaeng iyon! Hindi ba siya nababahala na baka gumawa ng kung anong hakbang ang babaeng iyon at gawin nang totohanan ang lahat? Worried kaya ako!

Teka. Am I just worried? O baka inggit? Hayun si Felina at may sex life na. Pero ako...Hindi ba dapat ako iyon? Ako kaya ang may boyfriend sa aming dalawa! Nakakainis na buhay, oo!

"This is your third milk tea and it's only ten o'clock in the morning," anang lalaki sa counter. Napaangat ako ng mukha at ganoon na lamang ang pagkabog ng dibdib ko nang magtama ang paningin namin ng isang guwapong nilalang. Napansin ko agad ang malalantik niyang pilik-mata at ang kanyang full sensual red lips. Ang tangos pa ng ilong. Parang may lahi.

"Did your mom NOT tell you it's rude to stare?" medyo natatawa nitong sabi.

No'n lang ako napakurap-kurap at agad na nagbigay ng bayad ko. Narinig kong parang napabungisngis ang isang grupo ng mga estudyante from our university sa likuran. Hindi ko na lang sila tiningnan dahil baka kilala ko pa. Nakakahiya. I was caught staring at some guy.

Pagkabigay niya sa akin ng inorder kong milk tea with black pearls saglit na nagdaiti ang mga daliri namin. Pakiramdam ko may dumaloy na kung ilang libong boltahe sa katawan ko dahil napapiksi agad ako sabay bawi ng kamay. Muntik nang matapon ang precious milk tea ko.

"Careful," sabi niya. I could hear some laughter in his voice, too.

Tiningnan ko ang pangalang nakadikit sa kanyang dibdib. Micah. Pinangunutan ako ng noo. Hindi ba feminine ang name na iyon? Bakit Micha? Short for Michael?

"Thank you and please come again---Shane Andrea---Juarez." He smiled at me. My heart did a double flip. My gosh. Ang hot ng pagkakasabi niya sa name ko. At bakit niya alam ang name ko? Stalker ko ba siya? Na-excite ako sa isiping iyon. Bago ko pa ma-imagine ang future namin together ay tinuro niya ang ID ko na nakasabit pala sa leeg ko. Pakiramdam ko nag-init ang aking mukha. Shit! Ang engot ko!

Kaagad kong binaliktad iyon sa bandang dibdib.

"Thank you rin po," sabi ko sa mahinang tinig at dali-dali nang lumabas ng Edward's bitbit ang milk tea ko. Siguro dahil busy ako sa kaka-analyze ng interaction namin ni Micah, hindi ko napansin ang kasalubong na tatlong athletes ng UST. Bumangga ako sa kanila at natapon ang milk tea sa yellow and green t-shirt ko.

"Oh, Miss, sorry," sabi ng isa.

"Shucks!" naibulalas ko. Hindi ko rin magawang magalit sa kanila kahit na pakiramdam ko'y umabot na sa bandang ano ko ang tulo ng milk tea. Gusto kong maiyak. Ten minutes na lang kasi'y WRP na namin.

"Come follow me, Shane Andea Juarez," narinig kong sabi sa likuran ko. And there he was again. This time ay tinanggal na niya ang suot na apron at napanganga ako sa ganda ng hubog ng kanyang katawan. Halatang alaga sa gym. At ang tangkad pala niya talaga! Sa tantiya ko ay lagpas anim na talampakan siya. Matangkad na ako sa five-six pero kailangan ko pang tumingala sa kanya.

Halos hindi na ako humihinga nang hawakan niya ang kamay ko at dalhin sa silid na may nakasulat na Edward's staff only.

"You can take off your shirt and clean yourself now," kaswal niyang sabi sabay abot sa akin ng tuwalya.

Napanganga ako. Take off my shirt?Ano ako, hilo?

Akmang tatakbo na ako palabas nang bumungisngis siya at tinuro ang isa pang silid na may nakasulat na CR.

"I mean take off your shirt and clean yourself over there."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "And why would I trust you? Just because you are good looking does not mean you can be trusted."

Tumawa siya. At kinilig na naman ako sa timbre ng tawa niya.

"You're a funny girl. You should have said that before you follow me here."

Iyon lang saka lumabas siya ng silid. Nag-init ang pisngi ko.

QUEEN SERIES #3:  THE MILK TEA QUEEN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon