May usap-usapan sa aming barangay na tuwing sasapit ang ika-tatlo ng umaga ay may naririnig na mga pag-iyak at pagmamakaawa sa likod ng aming paaralan. Ilang tao narin ang nakapagsasabi na totoo ang mga kwento, karamihan sa mga nakarinig at nakasaksi ay ang mga tricycle driver na naghahanap-buhay tuwing madaling araw. Sinasabi ng mga miron sa kalsada na kwento lamang ito ng mga tricycle driver upang sumakay sa kanila ang mga pasahero at makaiwas sa paglalakad sa likod ng paaralan.
~*~
"P're, alam mo na ba yung kwento?" tanong ni Vincente sa matalik nitong kaibigan.
"Anong kwento ba 'yan?" balik na tanong ni Yuan sa kababata. "Baka kalokohan 'yan, kukutusan kita.'
"Di pre, ang sabi may nakita raw na multo do'n sa likod ng stage," pagkukuwento nito sa kaibigan. "Sabi raw ni Kuya Goryo kamukha ni Ma'am Charlene."
"Ano'ng gusto mong gawin natin, kumustahin yung multo?" sarkastikong tugon ni Yuan.
"Tarantado! Tingnan lang natin kung totoo ba yung mga multo," paghihikayat nito sa kaibigan na nakatungo sa kamay ng upuan.
"Nakakatamad gago, pati may meeting pa mga president bukas para sa nutrition month," naiinis na tugon nito. "Napaka gago mo kasi, ikaw nag-nominate sa'kin."
"Da-dahilan ka pa, ang sabihin mo naduduwag ka dahil takot ka sa multo," pang-aasar nito sa kaibigan.
"Napaka yabang mo gago, tara tingnan natin 'yang sinasabi mong multo," inis na pagpayag nito sa anyaya ng kaibigan. "Anong oras daw ba nakita ni Kuya Goryo 'yang kaluluwa na 'yan?"
"Ewan ko, sabi nila madaling-araw... siguro mga alas-tres," sagot ni Vince.
"Tangina ang aga naman, tulog pa 'ko no'n," reklamo ni Yuan.
"Arte mo, susunduin nalang kita para manahimik ka," mapang-asar na tugon nito.
Natigilan sa pag-uusap ang mga estudyante ng biglang may lumabas na dragon mula sa pintuan, pulang-pula ang mukha nito at umuusok ang ilong.
"Class!" sigaw ni Ma'am Rosa upang maagaw ang aming atensyon.
Sa sigaw niyang ubod ng lakas ay napa-upo ng tuwid lahat ng estudyante. Ang mga babaeng saksakan ng daldal na walang ginawa kung'di magtsismisan ay hindi narinig ang sigaw ni nito. Dahil doon ay nakita ng buong klase kung paano namula ng todo ang mukha ni ma'am, nanggagalaiti ito sa inis.
Napalingon ang lahat, sinundan ng tingin ang guro na nagtungo sa kinapupuwestuhan ng tatlong estudyante na sina Che-Che, Rosana, at Chona.
Nakatayo si ma'am sa likuran nila, ng maramdaman ng tatlo na tumahimik ang paligid ay sumigaw pa si Che-Che.
"Bakit tumahimik kayo, nand'yan na ba si Ma'am Dragon?"
Lahat ay nagpipigil ng tawa at na-aawa ng sabay, muntikan pang mabilaukan sa sariling laway si Yuan. Alam nila na makakatikim sila ng pinong kurot ni Ma'am at madadala pa sa guidance office.
Tumayo ang kwelang si Vince sa gitna ng katahimikan at itinuro ang tatlo, "Ma'am isa ka raw dragon sabi ni Che-Che."
Napahawak nalang sa mukha si Yuan, naalala nito na napaka sira-ulo talaga ng kaniyang kaibigan, ito ang dahilan kung bakit lagi silang napapahamak, dahil sa dila nitong walang-hiya.
Dahan-dahan lumingon ang tatlong estudyante, bakas sa mga mukha nito ang takot, takot sa guro at takot sa sermon na aabutin nila sa kanilang mga nanay. Sa paglingon ng tatlo ay nakita nila ang mukha ni Ma'am Rosa, namumula sa inis, nagmukha itong dragon na sa kahit anong segundo ay maaring bumuga ng apoy.
BINABASA MO ANG
Siniestro
Mystery / ThrillerSa bawat bayan ay may kaniya-kaniyang kwentong kababalaghan, mga kwentong nakatatak na sa bawat barangay, hindi mawawala ang mga kwentong kababalaghan lalo na sa mga paaralan, nariyan ang kwento ng white lady na nagpapakita sa mga lalaking estudyant...