Chapter 1: Sa ilalim Ng Takipsilim

97 3 2
                                    

May bagay talaga na hindi natin inaakala pero yoon talaga ang nakatadhana.....

 Sa park nagkakakilala ang dawalang brokenhearted. Lagi kasi silang nandun tuwing depressed. SUNSET talaga ang puntirya nila doon na gusto nilang mapanood kasi mataas ang lugar na yun. Doon kasi nila gustong maaliw pag nasasaktan sila.

"Bakit nga pala mag-isa ka lang lagi dito?", sabi ng lalaki.

"A-ah. Next question please! ", sabi ng babae at pilit ngumiti .

 "May problema ba? I can see it in your eyes", sabi ng lalaki.

 (sigh) "Hmm. Yeah. Bakit ganun? Di naman ako nagkulang e. Ginawa ko ang lahat para hindi sya manlalamig sakin pero bakit niya ako iniwan? Mahal na mahal ko siya. Yung tipong kahit magpapakaaliw ako dito lagi, masakit pa din. Sobrang sakit." sabi ng babae habang tumutulo ang mga luha nya.

Nalungkot ang lalaki sa kanyang mga narinig....

"Siya nga pala ako nga pala si Jhintz Arkien Montereal pero tawagin mo na lang akong Jhintz." sabi ng lalaki sabay abot ng panyo nya sa babae.

"Salamat.. Ako naman si Ayelah Marizz Delos Santos, but you can call me Ayelah." sabi ng babae habang kinuha nya ang panyo na inabot ni Jhintz.

 "Alam mo, di lang naman ikaw ang nasasaktan ng ganyan e. Ako rin. Alam ko rin ang ganyang pakiramdam. Wala na tayong magagawa kung may mahal na silang iba. Nagmahal lang din naman kasi sila diba? Till now, I still love her though. Mahirap mang tanggapin pero pinipilit ko. Minsan naiisip ko na sana darating ang panahon na nagkamali siya sa pang-iiwan sakin, na sana bumalik siya sakin. Tatanggapin ko pa rin siya. Ganun ko siya kamahal." sabi ni Jhintz na may kasamang ngiti.

"Sobrang martyr mo namn. Haha. Gusto mo gawan pa kita ng monumento pag nangyari yang sinasabi mo e." sabi ni Ayelah na may halong pang-aasar. (feeling close na agad)

"Aish. Ayoko na nga magdrama. So gay! ." sabi ni Jhintz na may kasamang biro.

 "Ganun naman kasi talaga pag nagmahal ka. Di naman kabawasan sa pagkalalaki ang umiyak at masaktan e. Gusto mo gawan ko ng paraan para maghiwalay sila?" .... sabi ni Ayelah na may kasamang tanong na pabiro.

 "WHAT??? YOU MEAN IT, DON'T YOU?" .... tanong ni Jhintz.

 "JOKE!!! Ayokong manira ng relasyon ng iba noh. Kahit mahal ko pa ang taong yun, ayokong maging masama sa paningin nila. Ayokong maging bitter at lalong lalo nang maging MARTYR!" ... sabi ni Ayelah.

  "Pinaparinggan mo ata ako ah." sagot ni Jhintz sabay pout.

"Natamaan ka?" sabi ni Ayelah sabay tawa.

"OO TAGOS NGA EH!!!" sabi ni Jhintz sabay pout ulet.

Hindi nila na pansin ang oras na gabi na pala kaya napagpasyahan na nilang umuwi....

TO BE CONTINUE.......

-------------------------------<3------------------------------------------------------

Salamat sa mga readers... Update din ako sooner or later .. haha ^_^

penge ren ng comments, suggestions and please vote .. :)

It Started Under the Sunset  (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon