1 year later…Tama ba yung ginawa ko? Hindi ko man lang hinayaan mag explain noon si Cedric?
Hanggang ngayon mahal na mahal ko parin sya, isang taon na ang nakalipas pero nandito pa rin sya
I miss my family.. Tumira ako sa Canada for a year… Nagtrabaho ako bilang manager sa isang Hotel.. Pero tinigil ko baka yun pa ang maging dahilan para mahanap ako
Kaya ang ginagawa ko na lang ngayon ay tumambay rito sa apartment na nabili ko…
Maglilinis ako ng mga gamit ko ngayon dahil sobrang kalat na
Isa isa kong niligpit mga basura, magmop, tinanggal mga agiw,
Naglaba at naglipit ng damit ko at isa isang nilagay sa kabinet
Pagtayo ko ay nasagi ko yung lumang bag ko, at natapon lahat ng laman nun
Mga lumang damit at isang… cellphone?
Kinuha ko yun at pinagmasdan, mukhang ayos pa naman sya
Gulat ako ng maopen ko yun.. Hindi ko iniexpect na tatagal sya ng ganito kahit hindi na nagagamit…. Amazing!
Pagbukas ng screen nag flash yung litrato namin ni Cedric noong nasa palawan kami…
Ang saya saya namin sa picture na yun, naalala ko tuloy yung mga asaran, tawanan, at kulitan namin, yung kasweetan nya, yung mukha nya, yung pagkatao nya
Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako,.. Anong nagawa ko? Bakit pakiramdam ko ako ang maling nagawa at ginawa..?
Binuksan ko yung inbox ko, ang dami kasi ng messages, miss calls, at voice messages
From:mom
Anak? Nasaan ka na ba, ilang linggo ka na raw nawawala sabi ni Cedric, please anak bumalik ka na naaawa na kami sa kanya
From:dad
Iha? Please comeback nag a alala na kami sayo
From: my baby
Babe.. Please come home, mag usap tayo
Babe bumalik ka na, miss na miss na kita
Babe, bakit hindi moko hinyaang magpaliwanag? Bago ka nagdisisyong Iwan ako…
Ang dami ko pang binasang text, pinakinggan ko rin lahat ng voice message ni cedric
May isa pa dun from unknown number… Pero hindi ko na pinakinggan pa hindi naman siguro importante yun
Pero laking pagtataka ko nung 6 months ago pa ang huling message nila, at pagkatapos nun wala ng kasunod
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa nakatulog ako..
*ringggg*
Napamulat ako ng mata ng marinig ang ring ng cellphone ko, kinuha ko iyon pero hindi yun yung nagriring.. Yung dati kong phone pala
*Gian calling*
Sinagot ko iyon agad..
“hello?”
Napalakas ang Sigaw sa kabilang linya kaya nailayo ko ang phone sa tenga ko
“yaaaaaaaa baklaaaaaa gaga ka talaga”
“gosh what the hell…..bakit ka sumisigaw”
“hoy bakla, ang tagal tagal mong nawala, tapos magtatanong ka kung bakit may sumisigaw, haler….its been a year and no one can find you, hindi ka tuloy updated sa mga nangyayari rito”
“bakit? Ano bang nangyari Jan ha, na kung makareact ka nasa pilipinas ka at nakasagap ka ng chismis”
“hoy bakla, kaming lahat ng mga kaibigan mo handa ng sabunutan ka, dahil sa kagagahan mo…after mong mawala umuwi kami lahat sa pilipinas para tumulong sa paghahanap chosera ka yari ka sa mga bakla pagnagkita ka namin… Asan ka ba ha? Umuwi ka na marami kang icacatch up sa pangyayari baliw ka na g*ga… “
“ teka bat ka biglang napatawag? “
“ haler… Hindi ito biglaan… Nagbakasakali lang ako noh…bakla
Buti naman natauhan ka at sinagot mo na”“pasensya na ha…nagpalit kasi ako ng phone at nakalimutan ko na ang cellphone na to… Pero himala nga nung gumana ito ulit eh nung nakita ko”
“ay dhay isang pahiwatig yan na umuwi ka na,”
“si Cedric ba kamusta na? May asawa na ba sya? Mga anak?”
“bakla hindi mo na ba nalalaman mga bagay bagay, Ano ka nasa isang deserted Island? Walang teknolohiya? Pero alam mo bakla, wala ako sa posisyon para ikwento sayo yan, pasensya ka na bakla,”
Malungkot nyang sabi, baka meron na nga… Kasalan ko kung magkaganoon man katangahan ko yun
“parang ganun na nga… sige uuwi na ako ngayon sunduin nyo ako sa Airport, pero sana tayo tayo lang muna nakakaalam”
“sige, may pera ka ba pambili ng ticket?”
“oo meron, sige kita kits na lang”
Saka ko binaba yung tawag
Pero panu nya naman nasabing kailangan ko ng ticket, at parang sigurado sya na ticket ang gagamitin ko pauwi…. Hayst praning lang ako oo tama
Mageempake na ako, hindi ko alam ang naghihintay saken dun, o kung hinihintay nya parin akong bumalik
BINABASA MO ANG
Forgive me Mr. Billionaire
RomanceWe fell in love We got hurt We make mistakes But we rise up again and up for the mistakes that we made, we loved one person at a time and we tend to love them more than a lifetime, distance can never weaken that love its just being dormant and when...