Ziane DiMay iba na sya.... Masaya na sya... Babawiin ko pa ba sya?. Hindi ko na alam ang gagawin ko, o baka naman na mis interpret lang ako tulad nung dati?
Niloloko ko na naman ang sarili ko, pero hindi ito ang tamang oras para sumuko, pero ito rin ang tamang oras para magpaubaya
"iha? Ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ni tita shiela
"yes po, ayos lang ako" sabi ko saka pinunasan luha ko na hindi ko namalayan na tumulo na pala
"pagpasenayahan mo na si Cedric, ganun na talaga yun.."
"ayos lang po, wala po kayong dapat na ihingi ng pasensya.. I deserved it... I'm so sorry po tita I hurt him,"
"it's not your fault too iha, wag ka mag alala kung inaakala mong galit kami sa iyo ay nagkakamali ka...we understand you! Hm?"
Napaiyak naman ako ng malakas hindi ko inaakala na ganito ang sasalubong sa akin, niyakap ako ni tita ng mahigpit at sa balikat na ako umiyak
Ilang sandali pa akong nanatili roon, at saka ako umalis pabalik ng resort, dahil mag gagabi na rin..
Palabas na ako ng mansion ng makita ko si Cedric sa may garden may kausap na babae.. Maganda sya, mukhang Mayaman rin, bagay na bagay sila..
Masaya na nga talgaa sya, hindi na nya ako kailangan
Nanatili akong nakatayo sa pinto habang tinitingnan sila, nagulat na lang ako ng biglang tumingkayad ang babae at hinawakan sa parehong pisngi si cedric hinila pababa para maabot nya ang ang mga labi nito
Ang sakit... Ganito pala yung naramdaman ni Cedric ng makita nya ako may kahalikang iba... Ang tanga tanga ko naman kasi, that guy was just nothing palagi kaming magkasama nun oo pero wala kaming relasyon
Ang natatandaan ko ay tatlo ng beses lang kaming nagkiss and those kisses is just a smack Maliban sa pangatlo kasi it was a dare... A passionate kiss in public I have choice of course gagawin ko ang dare o magbabayad ako ng malaki... And boi Wala akong pera at that time
Yung una ay aksidente, yung pangalawa ay pilit...
"ate Azi? Are you going home na po ba?"
Biglang tawag saken ni Maya mula sa loob kaya malakas ang boses nya na nagpahiwalay sa dalawang naghahalikan
Pinunasan ko naman yung luha ko bago humarap kay Maya, ngumiti ako
"yes baby, uuwi na ako gabi na kasi eh"
"umiiyak ka po ba? May umaway po ba sayo?"
"ah haha no! Ano wala... Hindi ako umiiyak baby napuwing ako kanina eh"
Nag sinungaling pa ako sa bata Ano ba yan!
"talaga po? Masakit po ba?"
Oo sobrang sakit, halos mamatay na ako
"No baby, it doesn't hurt at all, sige na baby pumasok ka na ha! Gabi na... Goodnight baby"
Paalam ko sa kanya
"sige po ate, good night din po... Bibisita ka po ba saken ulit?"
"oo naman, at pwede mo rin ako bisitahin... Nasa resort lang ako ha"
"sige po.. Yeheyy"
Pagtapos ay pumasok na rin sya at ako uuwi na....
Wala na rin yung love birds dun sa garden... San na kaya sila?
Baka naman gusto mo pa sila panoorin..nagpapaka martir ka na ata nyan ng sobra
Sabi ko sa isip ko
'hindi ako martir, kailangan ko lang magtiis'
BINABASA MO ANG
Forgive me Mr. Billionaire
RomanceWe fell in love We got hurt We make mistakes But we rise up again and up for the mistakes that we made, we loved one person at a time and we tend to love them more than a lifetime, distance can never weaken that love its just being dormant and when...