I never thought that this life would be like this, I never come to think it might happen. All the risk I have been given was put into trash that I can blame no one but myself. The leaves are dancing in front of me, it is as if I paid them to entertain me. By the way, I am here in the balcony, taking my time to think kung saan ako nagkulang hahaha!
"Do you have a problem, Pia?" Napapitlag ako sa gulat nang sumulpot ang aking ina sa aking tabi hawak ang umuusok pa nitong tsaa. I don't have anything to say, rather hindi pwede. This problem that keeps on bothering me should not be at their knowledge, dahil alam kong sa una ay pinagsabihan na nila ako. Nagpumilit lang talaga ako.
"School problems ma" Ang tanging palusot ko na mukhang pinaniwalaan naman niya dahil alam nya na subsob ako sa pag-aaral. Kailan kaya nila malalaman ang ibang bagay tungkol sa akin? Honestly, hindi ko na rin alam sa sarili ko kung bakit pinilit ko pa yung isang bagay na alam kong makasisira sa akin someday?
My parents are undeniably strict when it comes to me, we maybe in a stable life pero gusto nila na hindi ko pabayaan ang Educational Background ko despite of being future secured. I have tremendous friends, but few are true. Kung tatanungin ako ng isang word na maihahalintulad ko sa aking buhay ngayon, "Kadena" ang aking isasagot.
The more I tried to escape to discover the world, the more that the chain gets tighter.
Anyway, tapos na ang pagmumuni-muni ko sa isang tabi dahil malapit na magsimula ang aming klase. Kailangan ko nang maghanda. Sa klase, hindi ko maitatangging isa ako sa mga aktibong estudyante roon. Isa sa pinakamaingay, palasagot, maharot at siraulo na rin; malayong malayo sa tingin ng mga magulang ko sa akin. I treated my school as my legal escape place where I could somehow forget my problems as well as my negative emotions, well thanks to my friends who keeps on helping me fade my dramatic ass temporarily.
In the middle of discussion with Miss Maria and my favorite subject- Creative Writing. My phone vibrated, telling me that I got some message from someone. From the active and joyous student right now, my mood suddenly changed when I get in sight of the message I received.
"I miss you, baby" A message I got from someone who really changed the wheel of my life. I got a little bit shocked when it vibrated and showed me his another message, "When will I see you again?" Honestly, I don't know what to feel at this moment of time. May parte na masaya ako dahil nagparamdam siyang muli sa akin, meron namang parte na may namumuong galit dahil sa mga nalaman ko tungkol sa mga kahayupan niya.
Pero anong magagawa ko? I love him, I owe him every happiness that I felt everyday. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, I am willing to risk all my life pati na rin ang tiwala ng aking mga magulang. Mapatunayan ko lang kung gaano ko siyang kamahal.
Just please tell me the truth and I will forgive you again, Baby. The words that left unsaid at nanatili lamang sa utak ko sa sobrang takot na magsinungaling siya akin.
Maraming nagsasabi na matalino raw akong tao, siguro nga ay matalino ako pero bakit pagdating sa mga ganitong bagay ay mas mangmang pa ako sa mangmang?
Hinayaan ko na lamang ang sariling mag paanod sa milyong tanong at pangamba hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nalampasan na ang paborito kong Subject dahil sa labis na pagkalutang ko. Ni hindi rin ako nakapagrecite kahit isa man laaaang! Huhu.
Dumaan ang ilan pang oras at nakakapanibagong nabuburyo at tinatamad ako sa mga itinuturo ngayon, ang alam talaga ng lahat ay hindi mawawala ang kaharutan at nag uumapaw na energy sa aking katawan. Subalit hindi ko rin masisisi ang aking sarili. Life is like a wheel, you are not always on top to feel enlightened and happy most of the times. At sa tingin ko, isa na itong hudyat na ako ay nasa ibabang bahagi ng malagulong na buhay ko. As I raised my head, sumalubong sa akin ang nagtatanong na tingin ni Monik. Ilang oras ka bang nakatulala bakit hindi mo man lang naramdaman ang titig nila Piang?! Tanong ko sa aking sarili nang matagpuan kong bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang pag aalala at pagtatanong kung anong nangyayari sa akin.
As I have said, kilala talaga akong maharot kaya naiintindihan ko talaga sila PROMISE. I just weakly smiled to them para naman kahit papaano ay maging panatag ang kanilang loob. Kaya talaga gusto ko dito sa school tangina, kung sana ay dito nalang talaga ako tumira walang problema sa akin iyon.
Sobra- sobra na this time pero argh, gusto ko talagang magpalamon nalang sa lupa. Pinasok mo ito PIA! Panindigan mo!
Nang sumapit na ang breaktime namin ay pinili ko munang mapag-isa kasi gusto ko talagang mag-isip isip muna. Good thing there is garden here na pwede kong mapagtambayan, at kung hindi lang ako naka palda ay inakyat ko nalang ang puno dito at mag tago para walang makakita sa akin.
Napatitig ako sa kalmadong senaryong nakaharap sa akin ngayon. Nagsasayawang mga dahon ng halaman, ang mga nag aawitang mga ibon na hindi ko matagpuan sa kung saan, at ang hangin na tila ay sumasabay sa lumbay ko sapagkat hindi ito ganon kalakas ngunit may dulot na lamig. Umaayon ang panahon sa akin sapagkat hindi ganon kahapdi sa balat ang init. Kung titignan ring mabuti ang ulap, tila ay may isang artist sa langit at inihuhulma ang mga ulap sa isang hindi malamang hugis na kaakit akit titigan. I only have an hour to make myself calm and presentable to cope up with discussions later.
I was in the middle of calming my system to make myself focused and still in the class later when my phone rang this time. Shit I forgot to respond to his message kanina! Nataranta ako sapagkat hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya at magpanggap na okay lang o hindi ko muna sagutin at sabihin nalang na nalowbatt ang aking phone.
Though the thoughts are battling in my mind, I just found myself answering his call and talking to him right now it is as if I know nothing about his jerky decisions. Ang rupok mo talagang punyeta ka!
"Hello baby, kamusta po ang baby ko?" Ang malambing na salubong niya sa akin na noon ay kadalasang dahilan why I laugh and feel loved. Not today, not this time Jhon. Nanatili akong tahimik sapagkat naghalo halo ang mga emosyong nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Ang pakiramdam na gusto mo munang pakinggan ang malambing niyang boses kahit sa huling pagkakataon dahil alam mong kapag sinabi mo na ang mga nalaman mo, ay magbabago na ang pakikitungo ninyo sa isat isa. Nagbabadya ang mga luha ko at nagsisimulang manginig ang mga kamay kong nakahawak sa linyang pinanggagalingan ng boses niya.
Nang lumipas pa ang ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa ay alala na itong nagtanong sa akin, subalit katahimikan lang din ang naisagot ko sa kanya kung kaya ay ibinaba ko na lamang ang tawag at hinayaang umagos ang luhang pilit kong pinipigilang bumagsak kanina habang kausap ko siya. Kasabay ang mga nag uunahang luha ay nakikiayon rin ang mga sumbat at tanong na alam kong sa isip ko na lamang mamumutawi.
Bakit by? Lahat itinaya ko sa'yo! Lahat ng mga nasa paligid ko na hindi gusto ang presensya mo ay kinagagalitan ko dahil Mahal kita at ayaw kong minamaliit ka nila sa harapan ko! Do I deserve what you have done? Deserve ko ba ang lokohin sa kabila ng lahat ng ginawa ko? By bakit siya pa? Bakit ako pa?
Napahagulgol na lamang ako sa labis na panghihinayang sa mga alaalang pinagsaluhan naming dalawa. Sa labis na pagkadismaya ko sa kanya dahil sa mga salitang hindi niya napanindigan.
Flashback*
"Magulang ko man ang humadlang sa pagmamahalan natin, hindi ko yun hahayaan by" Ang malambing kong sambit kay Jhon habang nakahiga kami sa malambot nitong kama.
Ngayon ay ikaunang taon namin, nandito ako sa kanilang puder sa loob ng kanilang kwarto. I know that the usual date are always in restaurant. Pero napagpasiyahan nalang namin na magkita nalang to share each others' time sa araw ng Anniversary namin.
"Salamat po at hinding hindi kita bibiguin mahal. Alam ko ang pakiramdam ng biguin, hindi ko hahayaan na maranasan mo yun." Abot langit ang ngiti ko at niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa mga narinig kong tugon niya sa mga sinabi ko.
We are like sharing each others vow gayong ang tanging ginagawa lamang namin ay ang ipahayag ang mga pangako namin sa isat isa.
"No matter how hard things will go through, I won't let it destroy us. I will do everything for you love, All for love. "