KABANATA ISA

31 6 1
                                    

“Saan ka nanaman galing!?” Ang sigaw ng isang lalaking nakakunot ang noo at tila ay yamot yamot na sa kakahintay, si Papa. Pagkabukas ko ng malaki naming front door ay sumalubong sa akin ang nakaupong si mama katabi ang isa kong kapatid na si Peach at nakapamewang habang nakatayo na si papa.




“Anong oras na Pia! Anong ginawa mo?! Saan ka nanaman nanggaling?!” Sunod sunod na tanong ni Papa sa akin, subalit nanatili nanaman akong tahimik at kalmado.



“Sumagot ka! Ano nakikipagkita ka nanaman ba sa lalaking iyon?”  Napakunot nanaman ang noo ko nang marinig kong ipinasok nanaman niya sa eksena si Jhon.




“Hindi pa, naglakad lang ako pauwi kaya inabot ako ng ilang oras” Kalmado at nagtitimpi kong sagot sa kanya, ayokong mag taas ng boses kasi alam kong hahaba nanaman ang usapan at magtatagal nanaman ang misa. Masiyado akong pagod sa mga oras na ito para makipag talo pa sa kaniya. Pagkasagot kong iyon ay nagkiss ako kay mama at nakipagbeso kay Peach.



“Sa tingin mo ay maniniwala pa ako sa mga palusot mo Pia? Kung si mama mo ay mauuto mo, ako hindi Pia!” Pasigaw na sumbat ng aking ama  na siyang naging dahilan ng pagbadya ng aking mga luha, ngunit pilit kong pinipigilan dahil ayaw ko nang umiyak sa kanilang harapan.



“Hindi ko naman po sinabing maniwala ka sa sinasabi ko, pero kung sa paningin mo ay palusot ko lamang yun. Wala na po akong magagawa, Pa.” Sabay talikod at hakbang sa hagdan patungo sa kwarto ko. Sinikap ko ang maging mahinahon at panatalihin ang galang sa tono ko dahil pagod na akong makipagtalo sa taong sarado ang isipan. Kahit anong ipaglaban ko ay siya naman ang palaging tama sa paningin niya, ano pang silbi na tatanungin niya ako kung saan ako galing kung sa tingin niya ay tama siyang nagpapalusot lamang ako.




Hindi ako nagpahatid sa Family Driver namin at sinabi ko ring kahit huwag na akong sunduin. Dahil kailangan ko talaga ng isang mapayapang oras na alam kong matatagpuan ko lang kung maglalakad ako ng mabagal habang nag-iisa.  






Kahit anong katotohanan ng sasabihin ko, hindi ko na maaalis sa kanila ang paghihinala sa akin dahil alam kong nasira ko na ang tiwala nila. Not just once, but twice.



As funny as it is pero yung sinayang kong tiwala, napunta lang rin sa wala.



As I entered my room, I laid down and look at the ceiling. Should I give him more chances? I mean, I think he deserve it. Magpanggap ba akong walang alam? Ano bang gagawin ko? Hulihin ko kaya siya? Kapag ba tinanong ko siya, aamin siya?



Ang daming tanong sa isip ko, at nakasisiguro ako na ang mga tanong na yun ay siya lang ang makakasagot.




Pero pinangungunahan ako ng takot. Na baka magsinungaling siya at hindi ko marinig sa kanya ang katotohanang nahanap ko na pero gusto ko sa kanya manggaling.



Honestly, I am a curious cat who never fails to find truth before somebody else attempt to lie. Sa tuwing nakakakita ako ng isang bagay na kumakalabit sa kuryusidad ko, hindi ko ito tinitigilan hanggang mahanap ko ang katotohanan. May isang araw pa nga na nagplano sila Monik na isurprise ako dahil sa nalalapit kong kaarawan noon. Sobra akong naninibago sa mga kilos nila noon na siyang hindi nakapagpatulog sa akin, kung kaya ay ginamit ko ang koneksyon ko at iba kong kaalaman sa paghahanap ng katotohanan upang malaman kung ano yung tinatago nila sa akin. Only to find out na para pala sa akin iyon, kaya naman para hindi sila manghinayang ay nagpanggap na lang ako na nagulat talaga. I know sometimes nakakakill joy ng ganitong ugali ko, pero wala tayong magagawa. This is me, curiousity can kill me kaya I always find it out myself.





Untold Lovestories (All for love)Where stories live. Discover now