CHAPTER 4

3 1 6
                                    

"GOOD morning Hansel," bungad ni tita pagpasok ko ng kusina.

Tumango ako kay tita at bumulong ng "morning" bago pumunta sa may counter para kumuha ng tasa at medyo maliit na mangkok. Lumapit ako sa ref at kumuha ng fresh milk at cereal at pumunta ako ng dining area para doon kumain ng breakfast ko. Nang makaupo agad akong nagsalin ng gatas sa bowl at tasa ko, nilagay ko na din yung cereal sa bowl. Pagkatapos ay kumain na ako.

"Hansel..." tawag ni tita sa kalagitnaan ng pagkain ko, nag angat ako sakanya ng tingin.

"Po?" tanong ko dito.

"Bilisan mo na d'yan, pupunta tayo ng Skyland para ituro sa'yo yung mga kailangan mong matutunan." nakangiting aniya.

"Skyland po?" tanong ko pa.

"Oo, sa restaurant." sambit n'ya, tumatango bago tumalikod sa'kin.

Minadali ko yung pagubos ng cereal ko, halos bilaukan na ko sa pagmamadali ko, excited na ko para sa trabaho ko! Dali-dali din akong umakyat ng hagdan, muntik na kong madapa!

Tanga!

Kahit pagligo at pagbihis ng simpleng damit minadali ko din, nagkanda-hulog pa yung sabon sa sahig, hindi naman ako excited e, sobra lang. Nakangiti tuloy akong lumabas ng bahay, nasa garahe na kasi tita hinihintay na lang ako.

"Tita tara na po." bungad ko kay tita.

"Ang bilis mo ah? Halatang excited ang gaga." natatawang ani nya, natawa din ako, astig talaga magsalita ni tita!

Sabay kaming sumakay sa kulay gray na kotse ni tita, sa driver seat s'ya samantalang sa passenger seat naman ako. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagaantay na huminto yung sasakyan, after 20 minutes narating na namin ang Skyland. Napakaganda ng ambiance, para bang nasa langit ka talaga. May parang mga ulap sa kisame ng loob ng restaurant, glass ang nagsisilbing pader, at ang mga lamesa at upuan ay may mga cotton na color white and blue.

"Ang ganda dito tita." bulong ko kay tita.

"Welcome to Skyland, Hansel! Your parents own this..." nakangiting aniya.

"What? My parents own this?" tanong ko kay tita ng nakataas ang kilay.

"A... Ah I mean, your parents own this part," sambit n'ya ng nauutal habang nakaturo sa pwesto malapit sa malaking salamin. "They owned that part, d'yan kasi sila nagde-date dati."

Tumango ako, tinatanggap yung palusot nya. Nagsimulang magsalita si tita, tinuro nya sa'kin lahat ng pwesto sa buong restaurant, sinabi nya kung anong mga trabaho dito at kung ano-ano pa. Nakangiti akong nakikinig sakanya, ipinakilala din nya ako sa main chef nila na si Chef Hanna.

"Hi Hansel!" magiliw na bati nya, ngumiti ako.

"Hello chef!" bati ko dito, "Chef! Can I use your kitchen? Uh gusto ko lang pong magluto." I smiled.

"Ofcourse, ah wait," tumalikod s'ya samin, lumapit s'ya sa mini kabinet sa likod n'ya at may kinuha s'ya don. Pagkabalik nya may dala na syang apron, "here."

"Thank you!" nakangiting sambit ko, excited. Sinuot ko na agad yung apron at naglagay ng hair net, inihanda ko yung mga kailangan ko para sa special dish ko.

Nakangiti ako sa lahat ng oras habang nagluluto, sobrang saya ko ngayon! Bukod sa makakapagluto ako, masayaa ako dahil nagtiwala sila sa'kin, pinagkatiwala nila yung kusina nila sa'kin. Pinanood nila ako habang naghiwa at naghalo ng nakangiti, napapangiti din tuloy sila ‘pag tinitignan ko sila. Nang matapos magluto, agad ko itong inayos sa plato, plating ang pinakagusto ko sa lahat! Kaya naman sobrang ganda ng pagkaka-plating ko.

Cartel Series #1: Fall for A CartelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon