CHAPTER 15

2 1 0
                                    

PASUKAN NA!!

It's been a week since Xian confessed his feelings for me and this day is school day!

Dapat na ding kalimutan ang kay Xian. Bumangon na ako at naligo, nagkuskos pa ako ng katawan ko kaya ayon namula ang balat ko!

Nakanguso akong naghahanap ng damit, ano ba itong mga nasa closet ko!? Parang tanga.

New environment! E kung mag nerd outfit kaya ako?

Napatayo ako sa gulat ng bumukas ang pinto ng kwarto ko, king... Hindi ko yata na-lock 'yon!

"Kye!" inis na tawag ko sa pumasok, kitang nakatapis lang ako e!

Sinarado niya 'yung pinto at nakangising pumasok, lumapit siya sa 'kin at nakitingin sa closet ko.

"Ano 'tong mga damit mo Hansel?" tanong niya.

Itinaas pa ang hawak na damit. Leather Jacket 'yon ng favorite band ko! Tapos isang black t-shirt! Parang gangster ang datingan.

"Syempre damit pa din," pamimilosopo ko at kinuha sa kaniya ang hawak, ibinalik ko ito sa closet ko.

"Bruha ka," hinila nito ang buhok ko, sinamaan ko s'ya ng tingin.

Hindi ko siya pinansin at hinalungkat pa ang closet ko, bakit wala akong maayos na damit!? Kahit sana pantalon at t-shirt lang na plain!

"Wait," biglang sambit ni Kye. Tumayo ito at tumakbo palabas ng kwarto ko, I shrugged my shoulders.

Naghanap na lang ulit ako ng maisusuot. Kumunot ang noo ko ng may nakita pa akong polo.

"Kaninong polo 'to?" takang tanong ko. Mabilis ko itong tinago ko ng bumukas ang pinto, alam kong tatanungin ako ni Kye dito kaya ayaw kong makita niya ito.

"Hoy, ano 'yon?" tanong niya, see?

"Wala," maikling sambit ko.

Hindi niya ako pinansin at lumapit sa kama ko, napilitan tuloy akong umayos ng tayo at lumapit din sa kama. Inilatag ni Kye ang isang white blouse at ang isang black and red striped short skirt. May kagat din itong plastic na ang tingin ko ay laman ang isang heels na four inch ang taas.

"Gagawin mo diyan Kye?" mahinang sambit ko dito.

"Kakainin," she said sarcastically. I rolled my eyes, kinuha ko ang blouse at nilapit sa dibdib ko, tinitignan kung kasya ito.

"Wala ka namang dibdib, baka kasya na sa iyo 'yang uniform ko na hindi ko pa nagagamit."

"Ah uniform niyo pala 'to?" tanong ko habang sinusukat sukat pa din ang mga damit.

"Hmm," she hummed then nodded. Hinila niya ako patayo at sapilitan akong itinulak papunta ng cr ko, "suotin mo 'yan."

"Huh? Ayaw ko nga! Masyado 'tong maikli!" sigaw ko.

"Hindi naman nakakamatay 'yan!" sigaw niya din sa 'kin.

Pinapasok niya ako sa cr at sinarado ang pinto, potangina. Wala na akong nagawa kundi suotin ito, inuna ko ang bouse, hapit ito sa dibdib ko na maliit gaya ng sabi ni Kye. Nakanguso kong isinunod ang palda nito, pwede na dahil hanggang tuhod ko ito.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, "wow." bulong ko.

Pwede na, lumabas ako ng cr at dumiretsyo kung nasaan ang salamin ko. Kinuha ko ang pulbo na nasa harap ng salamin ko, ginamit ko ito at nakangiting humarap kay Kye.

Cartel Series #1: Fall for A CartelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon