CHAPTER 20

2 0 2
                                    


"Xian, peste ka!"

Tinulak ko siya palayo sa 'kin, at natulalang hinawakan ang labi.

Ang f-first kiss ko...

"Xian!" naiiyak na sigaw ko.

"H-Hansel, kalma..." pagpapakalma nito sa 'kin, hinawakan pa nito ang balikat ko at pinaharap sa kaniya. Ngumuso siya, "halika ibalik ko na lang sa 'yo."

Mas sumama ang timpla ng mukha ko, nakakapota 'yung suggestion niya! Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tumigil ka, sasamain ka sa 'kin." sambit ko.

"Sige na, isa lang. Ibalik mo din ang first kiss ko," ngusong sambit nito.

"No way! Kukunin mo pa ang second kiss ko kung ganon!?" takang sigaw ko.

"Kanino mo ibibigay 'yan?" malungkot na tanong nito, "Kay Zaiko?"

Zaiko? Oo nga pala... Nasa'n na kaya 'yung hayop na 'yon, tulad ng sabi ko kanina ay halos isang linggo ko din siyang hindi nakita.

At paano naman nasali si Zaiko sa usapan namin, at paano niya nakilala si Zaiko!?

"Paano mo nalaman pangalan ni Zaiko?" tanong ko.

"Ah.." napalunok ito, nakita ko ding magtaas-baba ang adams apple nito. "Sinong Zaiko? M-May sinabi ba akong Zaiko?" tanong niya.

Pinaningkitan ko ito ng mata, tumayo ako at hinampas sa kaniya ang bag na hawak ko.

"Tanginamo!" nag walk out ako pagkatapos n'yon.

NAKATULALA LANG AKO habang naglelecture ang professor sa harapan. Walang pinapasok sa utak ko, kaya hindi na lang ako nakinig.

Humikab pa ako at dumukdok sa lamesa ko.

"Miss Solitaire,"

I just hummed and closed my eyes, at dahil do'n ay nakatulog ako.

Nagising ako bandang alas singko ng hapon, kanina pang alas kwatro ang uwian! Agad kong kinuha ang bag ko at tumakbo palabas.

Nadaanan ko ang key holder na sinasarado na ang mga classroom, buti nga at hindi pa nasaraduhan ang room namin. Kundi naku.

Naglakad ako hanggang sa gate, nadaanan ko pa si kuyang guard na nagtataka kung bakit nandito pa ako.

"Ineng magga-gabi na ah? Bakit ngayon ka lang uuwi?" tanong ni manong guard ng makalapit ako sa pwesto niya.

"Nakatulog po kasi kuya," natatawang ani ko, "tapos ngayon lang nagising."

"O siya, umuwi ka na. Magiingat ka ineng ha? Madami pa namang tarantado sa kalsada." paalala nito.

Kinabahan naman ako sa sinabi niya.

E kung magpasundo na lang kaya ako kay Ryan? Wait, try ko.

To: Ryan-bang-bang.

Ryaaaaan! Why mo ako iniwan ditooo sa schooool??

Message sent.

From: Ryan-bang-bang.

Wait wala ka pa sa bahay? Akala ko nakauwi ka na kanina dahil anong oras na din kami pinalabas ng prof namin.

Napanguso ako sa reply niya, paano ako uuwi nito? Ayaw kong mapahamak, hmp.

Cartel Series #1: Fall for A CartelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon