01

89 3 0
                                    


Suot ang team jacket ko agad akong pumasok sa loob ng gym.
Naabutan kong nagpa-practice na ang ibang maagang dumating at nag-aayos ng mga gagamitin para sa practice habang ang iba ay wala pa

Kahit linggo na dapat ay pahinga ng mga estudyante nandito kaming lahat para sa practice.

Hindi ko naman obligadong pumunta ngayon pero gusto kong makatulong sa kanila at gawain ko iyon bilang manager nila.

Natalo ang team sa Inter-high school league kaya kahit linggo ng umaga ay nandito sila para magpractice na pinayagan naman ni coach.

"Good morning." Bati ko ng nakangiti sa kanila at pinulot ang bolang nasa sahig.

"Good morning y/n!." Bati ni inouka

"Goodmoring! teka? okay lang talaga sayo na pumunta ngayon dito? hindi ba abala sa lakad mo." Tanong ni yamamoto kaya umiling ako at ngumiti.

"Wala akong importante na gagawain ngayon at natapos ko na lahat ng schoolworks ko kagabi kaya nandito ako ngayon." Sagot ako at kinuha sa kamay niya ang bolang hawak bago ilagay sa may lagayan. "Atsaka, nandito din ako para makita ang first year na nagpapakita lang tuwing gusto niya."

Napa-angat ang balikat nila sa gulat sila dahil sa sinabi ko kaya tinignan ko sila dalawa ng nakangiti "nandito na ba siya?."

Napailing kaagad ang dalawa sa tanong ko "Ganon ba? mukang magpapakita lang talaga siya kapag gusto niya."

Matagal na akong manager ng nekoma volleyball team pero kahit isang beses hindi ko pa nakikita ko nakikilala man ang first year na iyon na kumakailan lang sumali.

Hindi ako nagtatagal sa gym maliban nalang kung may practice match o totoong laro. palagi ko ding pinupuntahan ang klase niya pero lagi kong naabutang late siya sa pagpasok.

Isa din ang dahilan kung bakit ako pumunta dito ngayon sa araw ng pahinga dahil gusto kong makilala ang taong yun at pagsabihan.

Kaya dapat magpakita siya ngayong araw kung hindi ako mismo ang pupunta sa bahay nila para makilala siya.

Bumuntong hininga ako at dinampot ang bola sa lapag.

"Goodmorning!."

Napatingin ako sa bagong dating na si kuroo at kenma.

"Goodmoring!." Bati ni inouka na may buhat na metal kasama ni yuki

"Goodmoring!." Bati din ni yamamoto na may hawak na bola

"Goodmoring." Walang ganang wika ni kenma

Lumapit sila gawi naming tatlo. Agad akong itinuro ni kuroo na ipinagtaka ko. "Hindi ako nababaliw diba? nakatayo talaga ang tamad , tanga at hindi nagtatagal sa gym na manager ng nekoma dito sa pwesto nato diba?."

Agad na may pumitik sa noo ko dahil sa sinabi niya. ngumiti ako at lumapit kay yamamoto kinuha ko ang bola sa kamay niya at hindi nagdalawang isip na ibato sa bandang ulo ni kuroo ang bola na tumama sa noo niya na ikinatumba niya.

"K-kuroo!." Nag aalalang tawag ni yamamoto , inouka at yaku na lumapit sa amin. si kenma naman ay nakatayo lang habang nagpipigil ng tawa niya.

"Hala! sorry lumipad yung bola sa kamay ko papunta sa noo mo." Ngumiti ako "Hindi ko kasalanan."

Tumayo si kuroo habang hawak ang noo niya na namumula. "Masakit!." Sigaw niya

"May tinamaan ba ng bola sa ulo at nasarapan?." Tanong ko at pumunta sa may gilid kung saan nakatago ang first aid kid.

kinuha ko ang cold compress at pabagsak na ipinatong sa noo niya kinailangan ko pang tumingkayad para magawa yun. Kahit na binato ko siya ng bola hindi ko pwedeng pabayaan na mag karoon ng pasa ang team captain ng nekoma.

Hinila ko ang kwelyo nito para makayuko siya konti sakin dahil nahihirapan ako sa kakatingkayad. Binitawan ko na ang kwelyo niya.

"Nandito naba ang lahat?." Tanong niya kila yamamoto

"Sa totoo niyan..."

Tinignan ako nila yamamoto , inouka , yuki at yaku kaya nginitian ko sila pero mukang hindi ngiting yun ang gusto nila.

"Late na naman?." Tanong ni kuroo at umayos na ng tayo kaya ibinalik ko na ang cold compress na ginamit ko sa lagayan saka bumalik sa tabi nila

"Lagi kong sinasabihan ang first year na yon na dumating sa tamang oras. ang ungas na iyon!." Inis na bulong ni yaku kahit rinig naman naming lahat

Lumapit si yamamoto sa may net para ayusin ito ng maayos bago magsalita. "Pero kung ako ang tatanungin okay lang sakin na late siya dahil tahimik ang paligid." Matapos ayusin ipinagpag niya ang kamay niya "Baka nga nasa ibang lugar siya para magpalipas oras."

Ipinaikot ni yaku ang bola sa daliri niya at ngumiti "Parang galang pusa ang isang yun."

Bumuntong hininga ako at ipinalakpak ng dalawang beses ang kamay mo dahilan para mapatingin silang lahat sa akin "Okay, maghanda na kayo magsisimula na ang practice. mukang hindi ko na naman ata makikita ang first year na yun." Wika ko

Nagsihanda na sila para makapag-umpisa na habang ako pumuwesto ako sa may gilid para hindi ako matamaan ng ligaw na bola. mahirap na.

Dumating na si coach naoi at nekomata na binati ng lahat maging ako tinanguan nila kami bilang pagbati saka sila pumuwesto sa gilid kasama ko.

Nakatayo kami ni coach naoi sa gilid habang si coach nekomata ay nakaupo.

Biglang may nagsalitang pusa na ikinatigil ng lahat at nagsilingunan sa may entrance ng gym.

Isang lalaking may katangkaran at silver na buhok ang nakatayo habang may bitbig na pusa lumapit ko kaagad ito.

"Pagpasok ng late katulad ng lagi mong ginagawa ha?." Saad ni kuroo kaya agad na pumasok sa utak ko na ito ang first year na laging late at hindi ko pa nakikilala.

"Dumating na...." Ngumiti ito at tinignan kaming lahat na nasa loob "si lev haiba." Nakangiting anunsyo nito.

Ngumiti ako at tinanggal ang stick ng panlinis sa sahig na ikinatakot ng lahat "Haiba lev? Yung first year?."

"Ako nga!."nakangiting sagot nito.

"Pwedeng pakibaba muna ng pusang hawak mo?."

"Ah? sige." Ibinaba niya ang pusa ng maayos kinailangan niyang mag-squat para magawa yun

Kinuha ko ang oportunidad ko para maihampas ko ang stick sa may ulo niya na ikisigaw niya. "Please huwag ka ng malate sa susunod hmm?."

"Sinabi kasing dumating sa tamang oras e!."-yaku

"Isa sa dahilan kaya hindi dapat tayong malate."-yamamoto

"Wala na tayong magagawa. kasalanan niya iyan."-kai

Bintawan ko kaagad ang hawak kong stick at tinulungan na makatayo si lev. "Sorry, napalakas ba ang hampas ko? gusto mo bang dalhin kita sa infirmary?."

Nagtaka kaagad siya sa ikinilos ko dahil matapos ko siyang saktan nag-ooffer akong dalhin siya sa infirmary at gamutin

Tinignan nito si kuroo na parang nanghihingi ng tulong at tinatanong kung sino ako.

"Y/n L/n, ang manager ng team. ganiyan talaga ugali niyan masasanay kadin."

"Nice to meet you, lev." Nakangiting wika ko

"N-nice to meet you."

Pumalakpak si coach na nakaagaw sa atensyon ng lahat "Tama na iyan, simulan niyo ng magpractice! Y/n! bumalik kana dito." Tumango ako at patakbong lumapit kila coach.

 (Kuroo x Fem reader)  A tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon