02

31 2 0
                                    


Bawat hampas ng bola at pagkiskis ng sapatos sa sahig ay rinig sa buong gym rinig din ang boses nila.
Nagsimula na ang practice at kasama si lev sa nagpapractice napansin kong hindi siya pa siya masyadong magaling sa received ng bola.

Nakatayo lang ako sa gilid habang pinapanood sila kasama sila coach naoi at nekomata.

"Mukang maganda ang kalagayan ng lahat at puno sila mg enerhiya ngayong araw." Komento ni coach naoi kaya napatingin ako sa kaniya

"Hm? siguro nga." wika ko at binalik ang tingin sa kanila tahimik lang si coach nekomata at walang imik. seryosong inoobserbahan ang lahat.

"Ahhhh!!." Sigaw ni yamamoto kasabay non ang paghampas ng bola sa may gilid ni lev na hindi niya nagawang masalo gamit ang kamay niya

"Hoy bobo! Lagi naming sinasabi na gamitin mo ang kamay mo! ikaw na poste ka!." Dagdag pa ni yamamoto habang galit na nakaturo kay lev

Lumingon sa kaniya si lev at nag-thumbs up. "Magagawa ko ding saluhin iyan sa susunod! isa pa!."

Ngumiti ng ilang si coach naoi "Meron nga siyang magandang pandama, iyan si lev." Tinignn ko ulit si coach "half japanese and half-russian." Napatango ako

Kaya pala ganiyan siya katangkad at yung kulay ng buhok niya pati itsura niya.

"He is tall, possesses long and swift limb and has superior physical abilities. Kahit saang anggulo mo man tignan first class ang talento niya katulad ng mga japanese player pero...."

"Okay! Tara na!." Sigaw ni lev

Ini-spike ni inouka ang bola papunta sa gawi ni lev na sa waka ay nagawa niyang saluhin. Akala ko ay tatayo na siya pero nanatili siyang nakangiti at nakadapa sa sahig.

"Nagawa kona! Nagawa kona! Nakagawa kona! Nakita niyo ba?!." Tuwang tuwang sabi niya na parang bata.

"Bobo! Tumingin ka sa harap!." Saktong pag kasabi ni kuroo ay sabay ding paghampas ng bola ni yamamoto na dumaan sa gilid malapit sa muka ni lev.

"eh?."

Agad na lumapit si yaku at galit na isinigaw ang pangalan ni lev.

"Nakakalungkot ngalang na malayo pa ang karakter niya doon at marami pa siyang kailangang matututunan" Pagtuloy ni coach naoi

"Pero, hindi malabong mangyari yun diba? I mean lahat posible sa taong nagpupursigi at nakita ko kay lev na pursigido siyang lumakas at makahabol sa kakayahan ng ibang members." Nakangiting sambit ko na ikinangiti din nila.

"Tama, at ito ang spring high qualifier. mukang magiging masaya 'to."

"Hindi iyan uubra."

Napatingin ako kay coach na seryoso padin.

Pinanood ko si kenma na mag-toss kay lev na hindi niya nahampas. "Muntikan ko ng magawa hindi ba?." Tanong ni lev.

Ibinaba ni kenma ang kamay niya at tumalikod "Hindi."

"Totoo?!."

"Hindi talaga."

"Hayaan mo ulit akong ulitin!."

"Ayoko."

"Eh? Bakit?!."

"Hm." Ngumiti si coach kaya napatingin kami ni coach naoi sa kaniya

.
.
.
.
.

Natapos ang practice at naglilinis na ang lahat kaya tumulong na akong magpulot ng bola. napatingin ako kay lev na pinapractice ang paghampas ng bola pero bawat tama ng bola sa pader napapabuntong hininga siya.

 (Kuroo x Fem reader)  A tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon