03

38 2 0
                                    


Nakaupo ako sa may gilid ng clubroom hinihintay na lumabas si kuroo dahil kailangan niya pang magpalit ng damit niya.

Biglang dumaan sa harapan ko ang pusang bitbit ni lev kanina pagdating niya. lumapit ito sa akin at ikiniskis ang katawan sa binti ko.

Nag-squat ako at binuhat ang pusa. agad nitong inilapit ang muka niya sa muka ko na ikinangiti ko.

"Tapos na ako." Saad ni kuroo habang nakasabit ang bag niya sa balikat niya sunod na lumabas ay si yaku at yamamoto.

"Eh? y/n? hindi kapa uuwi?." Tanong ni yamamoto kaya itinuro ko si kuroo habang hawak padin ang pusa sa braso ko.

"Sasabay ako kay kuroo, may kailangan kasi ako sa kaniya pero hindi niya dala kaya pupunta kami sa bahay nila para kunin." Sagot ko at ibinaba na ang pusa

"Oh, okay. ingat sa pag uwi."

"Kayo din, bye." Pagpapaalam ko at nagsimula na kaming lumakad ni kuroo.

.
.
.
.
.
.
.

"Kuroo, may napansin kaba kay lev na hindi ko nagawa?." Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa bahay nila

Hindi ko siya nagawang tanungin kanina sa may train dahil nakaidlip siya at ayaw ko namang guluhin siya lalo na at alam kong pagod siya kaya ngayong papunta na kami sa bahay nila at gising na siya ngayon ko na naitanong.

"Kay lev? wala naman." sagot niya at inilagay ang mga kamay sa batok niya "bakit?."

"Sa tingin mo ba magagawang palabasin ni kenma ang potensyal niya?."

"Si kenma ang pinili ni coach para maging practice partner ni lev at si kenma ang pinaguusapan dito kahit na parang wala siyang pakealam alam kong makakaya niyang palabasin ang potensyal ng isang yun..."tumango ako "...masyado kang maraming pino-problema, unahin mo muna ang problema mo."

Tinignan ko siya ng nagtataka "Wala akong pino-problema."

Huminto siya at tinignan ako. "Sigurado ka? wala kang problema?."

"Wal-.'

"Sa utak? mukang lumalala na kasi siya."

Bigla siyang tumakbo kaya agad ko din siyang hinabol pero dahil mga mas mahaba ang binti niya mas mabilis siya sa akin at imposibleng mahabol ko siya.

"Kuroo Tetsuro! Bumalik ka dito!." Sigaw ko at mas binilisan ang takbo ko pero imposible paring mahabol siya

Huminto ako saglit at hinawakan ang magkabilang tuhod ko para maghabol ng hininga. imposible talaga! imposibleng mahabol ko ang lalaking yun.

"Ang hina mo naman." Komento ni kuroo habang papalapit sa akin hindi ako nagdalawang isip na tumakbo palapit kay kuroo pero agad na naman siyang nakatakbo ng mabilis kaya sa inis ko hinubad ko ang sapatos ko at itinapon sa gawi niya natamaan naman siya kaya napahawak siya sa likod ng ulo niya at huminto.

Hindi ko napansin na hinubad nito ang sapatos niya dahil masyado akong abala sa pagtawa saka ko lang nalaman nang maramdaman ko ang pagtama ng bagay sa may noo ko na sapatos pala ni kuroo.

"HAHAHAHAHA! tanga!." Sigaw niya habang hawak ang tiyan niya kakatawa

Kinuha ko ang sapatos niya at agad na hinagis sa malayo kung saan kami nanggaling.

"Hoy, Ibang usapan na iyan!." Sigaw niya pero pumito lang ako at kunyaring walang narinig habang tinapik tapik ang paa ko sa sahig at saka ko naalala na inihagis ko nga pala ang sapatos ko kay kuroo kanina.

Tinignan ko si kuroo na hawak na ang sapatos ko at iwinagayway sa harap ko kaunti lang ang agwat naming dalawa. "Kuroo.." tawag ko pero umiling lang siya at hinagis ang sapatos ko sa may bakod ng bahay kung saan may aso.

Kukunin ko pa sana yun pero nakita kong kinagatkagat na nga aso at gigil na gigil pa sa pag kagat at mukang pag inagaw ko sa kaniya yun ako ang sunod na makakagat.

"KUROO!!!!." Galit na sigaw ko at hinabol siya kahit wala ang isang sapatos.tinakbuha niya lang ako kaya mas lalo akong naiinis

Wala na akong pake sa sapatos ang priority ko ay tapusin ang buhay ng manok na iyon!

-sorry, i had so many things to do so this update was short

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 (Kuroo x Fem reader)  A tagalog FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon