Sa Una't Huli.

123 4 4
                                    

forever

fəˈrɛvə/

adverb

1.

for all future time; for always.

2.

continually.

3. lasting or permanent

4. Punyeta di ako naniniwala dyan!

Simula nung hiniwalayan ako ng syota kong siyam na taon kong nakasama,

di na ko naniwala sa pag-ibig. Naging isang salita na lamag itong 

ginagamit ko tuwing may bobolahin akong babae. Na wasak ang pag-katao ko

mula sa hitsura, pagkatao at ang asal tao ko. Simula nung naghiwalay kami

nawala na ang tiwala ko sa tao. Naging tulak ako ng droga, Naging magnanakaw,

naging Holdaper, Bugaw at ang pinaka masamang nagawa ako ay ang pagpatay ng tao.

Nagawa kong lahat yan dahil lang sa pag-aakalang wala ng saysay ang buhay ko.

Pinaikot ko ang mundo ko sa kanya, nilunod ang sarili sa pag-aakalang siya na.

Isang kainan sa kanto ng piriliraya , lumang disenyo't punong puno ng mga 

antigong gamit, makikita mo dito ang lumang makinilya na ginamit daw noong

panahon ng hapon at ang ilawan na kinalawang na't makikita ang sobrang pagkaluma sa 

kulay nitong green at brown,ito'y malapit sa bahay ni connie ang babaeng minahal ko 

ng siyam na taong walang pangloloko. Doon 

ako winasak ng salitang "Sorry" at "salamat sa siyam na taon" . 

Natulala ako't napatingin sa kanya sabay sabi ng salitang bigla nalang

binigkas ng bibig ko "PUTANG INA!" sabay "bakit , may problema ba?"

sabay alis sya palabas ng resataurant, iniwan ang sim card na 25k memory sa mesa kung saan kami nakaupo.

Winakasan niya ang siyam na taon sa siyam na minuto. siyam na minuto ng buhay

kong hinding hindi ko malilimutan. Hindi ko maintindihan ang nangyari.

hanggang ngayon ay hindi ko alam ang dahilan ng aming paghihiwalay.

Parang natripan nya lang na umalis. 

Sobra ang sakit na naramdaman ko ng araw na iyon hanggang ngayon, nakabalot parin

ako sa pagkatao kong nadale ng siyam na minuto ng pagpapa-alam. Alam ko ang bahay

nila pero wala na sila dun, lumipat na daw sila ng bahay sabi ng tropa kong kapit bahay nila.

Wala na akong ibang paraan na alam para ma contact sya. Parang pati katas ng utak

ko niluluha ko na. 

Habang pauwi ako ng bahay namin sampung araw ang lumipas noon matapos akong 

wasakin ni connie, niyaya ako ng isa sa kaibigan kong tambay na si tommy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sino ka ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon