A/N. Another oneshot haha. But this, some of the scene in this story is inspired to my experiences here in Cavite but the whole story is fully fiction kaya yun. I wrote this one kasi napaka assuming ko. Bat ba? HAHAHAHA feeling ko kasi may thing sa titig niya. Oh sige basa kana.
"Ma! Nasaan yung bag ko? Inaantok na ako pero gusto kong maligo ang kati ng katawan ko." Tanong ko kay mama na nagbibihis na dahil matutulog na daw.
Kakarating lang naming galing sa byahe mula Leyte hanggang rito, sa Cavite. Dalawang araw at isang gabi nang nasa byahe kami at mula nung isang araw ay hindi pa ako nakakabihis dahil mahirap since naka van lang kami. We can't afford na sumakay ng airplane and also since pandemic ay bawal pa kami dahil wala pa kaming vaccine.
"Hanapin mo nalang diyan Shawn! Ito naman inaantok na ako."
Di ko nalang sinagot si mama at nag hanap na naman. Maya maya ay nakita ko na mga gamit ko kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at naligo na dahil antok na antok na rin ako.
Natapos akong naligo na hindi ako makatulog, ewan ko pagod ako pero ayaw umidlip ng mata ko. Parang namamahay yata ako ngayon. Nag open nalang ako ng facebook ko at nakitang nag message kuya ko sabi na pupunta daw sila dito ngayon. Dahil hindi ako makatulog ay nagbasa muna ako ng wattpad.
Maya maya ay tinawag na ako ni Kuya na nasa labas na pala kasama ang asawa niya at yung anak nila at yung pinsan namin na kasama nila sa bahay.
Nag usap usap lang sila ni mama na hindi rin pala makatulog kanina, kaya iniwan ko nalang sila at nagbasa nalang ulit ako ng wattpad. Akala ko ay makakabasa na ako ng wattpad ng deretso ng inutusan ako ng mama kong bumili ng maiinom nila kuya. Kaya kumuha na ako ng mask at lumabas ng bahay.
Habang nag lalakad ako ay may nakita akong lalaki na naka upo sa tapat ng bahay nila. Alas otso palang naman ng gabi kaya siguro ay hindi pa siya inaantok. Lalampasan ko na sana siya ng tumingin siya sa akin.
'Shuta ka gwapo' I thought. Medyo weird siya Tumingin sakin kaya di ako masyadong nakikipag titigan sa kanya.
Bumili na ako ng inumin sa bakery dito samin. Papauwi na ako ng nakita ko na naman siyang nakatingin sa kin. Hindi naman siya masamang tumingin, pero you know na assuming ako pag ganun tsaka nacoconcious ako sa mukha ko kaya dumeretso nalang ako ng di siya tiningnan.
Pag dating ko samin ay napangiti ako. Ayan na! Nag aassume na agad ako! Naalala ko na naman yung sinabi ng friend ko na maraming bisexuals rito sa maynila, kaya yun todo ngiti na ako sa pag pasok ko ng kusina. Dumeretso ako sa higaan at nag takip ng kumot sa kilig na naiimagine ko.
Alas dose na ako nakatulog dahil sa namamahay nga ako at dahil nagbabasa pa ako ng wattpad. Alas onse trenta na ng umuwi si kuya at pagkatapos nun ay nakatulog na si mama.
Nagising ako ng mga seven in the morning at uminom ng gatas. Lumabas ako ng bahay upang magpabilad sandali at tama nga ako, dun siya nakatira. Nagkakape rin siya ngayon at nakaupo sa kalsada. Tumingin na naman siya sa'kin tapos nagtaas ng tasa at ngumiti. Kahit kinikilig ay nagtaas rin ako ng tasa at ngumiti.
Araw araw yun nangyayari, paglumalabas ako ng bahay ay andun siya tinatanguan ako at minsan naman ay ngingiti. Sa isang linggo ganoon ang ganap namin ngunit ni pangalan ng isa't isa ay wala kaming alam.
Lumipas na naman ang isang linggo pero di ko pa rin siya kilala ngunit nagiging close na kami dahil sa pagiging mahilig naming pareho sa pagbabike. Hindi ko na nakayanan, kaya nagtanong na ako.
"Hey," medyo nahihiya ko pang tawag sa kanya.
Lumilingon lingon pa siya sa kanan, kaliwa at likod niya tapos tinuro sarili niya. Tumango ako kaya lumapit siya sa'kin at tumingin sakin na nag tatanong.