"Ma kailan uuwi si papa?" tanong ko ke mama na kumakain ngayon.
Actually, naghahapunan kami ngayon. Wala si papa dahil pumunta sya sa isang business meeting sa abroad. Well, I really get used to it naman kasi palagi na naman yun nangyayari.
"Ah next month pa raw. Last week pa siya pumunta doon at tatlong business meeting daw ang dadaluhan niya kaya next month pa," sagot niya sa akin.
"By the way, ang hilig mo ng kumain ngayon ah. Dati lang ayaw mong tumaba ka ngayon ang dami mong kumain," pahabol pa niya.
"Hindi naman Ma. And i can exercise naman po diba? Mataba na po ba talaga ako?"
"Hindi naman masyado pero yung cheeks mo lumalaki na. Kumusta nga pala si Braxton? Hindi na siya nagagawi rito ah," biglaang tanong ni mama.
"Ah he's okay naman ma. Ay ma busog na ako, tsaka inaantok narin. Cge po matutulog na ako,"
"Kanina lakas mong kumain, tapos ngayon nagiging antukin kana,"
"Ah hehe, hindi naman po. Cge ma goodnight," paalam ko ke mama bago umakyat at natulog.
Nagising akong nahihilo kaya pumunta na agad ako sa banyo at doon sumuka ng sumuka. Wala naman akong kinain kagabing kakaiba ah?
Pagkatapos kong sumuka ay naghilamos ako at nag mumog at bumaba narin.
"Ma, ang bango naman ng luto. Hmm,"
"Oh sya. Umupo kana dyan at maluluto na rin ito,"
Nagsimula na kaming kumain at pagkatapos kong kumain ay bumalik narin ako sa kwarto ko at natulog, ewan ko ba nagiging antukin talaga ako ngayon.
Nagising ako sa katok ng aking kwarto. Tumayo ako at binuksan ito.
"Hi bessy! Kumusta naman? Ang antukin mo masyado ngayon ah," bati sa akin ni Euphie na may dalang bags.
Dito na naman siguro to matutulog mamaya."Pasok,"inaantok kong tugon.
Pumasok ito at ipinakita sa akin ang dala niya. Foods, naka Tupperware ito.
Binuksan niya ang isa sa mga Tupperware. Nung naamoy ko ang laman nun ay parang nahilo na naman ako.
"Ano ba yang dala mo Euphie! Ang baho," sigaw ko sa kanya at pumunta na sa banyo upang sumuka.
"Ay oa mo naman! Bagoong yon, may dala kasi akong mangga. Gusto ko ishare sayo kaya dinala ko rito. Pero masama pakiramdam mo wag nalang," pagbibigay niya ng tissue sa kin. Tumayo na ako at tinanong siya.
Napantig naman ang tenga ko sa sinabi niya.
"Mangga? Hilaw ba yon?"
"Oo bakit?"
Parang nawala ang hilo ko at tumakbo sa mga Tupperware na dala niya. Nilayo ko lang ang bagoong at kinuha ang mangga.
"Alam mo, kung di lang kita kilala sasabihin kong buntis ka," tanong niyang bigla sakin.
Nagulat naman ako dun dahil baka nga dahil sa ginagawa ko nitong mga nakaraang araw.
"B-bes, P-paano ba malalaman pag b-buntis ka?"
"Yan. Yang mga habits mo ngayon, nasusuka ka sa mga kinakain mo naman noon. Mapili ka na, palaging antukin tsaka ang takaw mo sa mangga,"
"B-bes, may sasabihin ako sayo," kinakabang ani ko.
"Namya Amelia Ramirez, wag mo sabihing buntis ka!?"
"Wag kang maingay," sagot ko sakanya. "Hindi ko alam okay? Pwede ka ba bumili ng PT?"