ch. 1 (red shoes)

104 6 2
  • Dedicated kay Mary Jhane Villarante
                                    

simpleng buhay, hindi mayaman, hindi mahirap. yan ang estado ng buhay ni Mj kasama ang kanyang ina at bunsong kapatid. matalino, ma-appeal, maabilidad, ilan lang yan sa mga katangian nya kaya pinag-aagawan siya ng iba't-ibang malalaking kompanya. maganda at simpleng babae kaya naman marami ring mga lalaking nabibighani sa kanya pero ni isa sa kanila ay walang nakaagaw ng atensyon niya. noong nag-aaral palang siya ng kolehiyo ay sub-sob na siya sa pag-aaral, pagkatapos ng klase ay diretso sa bahay para gawin ang mga projects at assignments niya kaya wala syang oras para sa mga buhay pag-ibig kahit na maraming chance na dumarating sa kanya.

"anak, MJ, bangon na, tanghali na, baka malate ka sa interview mo" sabay katok ng kanyang ina sa kwarto ni MJ., ito ang araw ng kanyang interview sa isang kompanya, mas pinili nyang mag-apply sa isang di kalakihang kompanya, ayaw nya kasi ng masyadong mabigat ang trabaho lalo na't di naman talaga nya kailangan pang magtrabaho. nasa ibang bansa ang kanyang ama kasama ang tita nya at lolo't lola nya, doon na sila naninirahan, iniintay lang nila na matapos si Mj sa kolehiyo at ang kapatid nito sa highschool para makasunod na sa amerika., nagkataon lang na nagkaroon ng summer class ang kapatid nya kaya sa halip na magmukmok sa bahay ay pinili nyang maghanap muna ng trabaho.,hindi naman mapigilan ng kanyang ina si Mj sa paghahanap nito ng trabaho. "dagdag ipon din to ma para saking future" pagdadahilan palagi nito.

habang naglalakad sya ay di nya napansin ang isang maliit na bato sa kalsada. bigla syang natapilok at nadapa na naging dahilan para masira ang takong ng suot nyang sapatos. tinanggal niya ito sa kanyang paa at naglakad patungo sa isang malapit na upuan. " bakit ngayon ka pa nasira, mala-late nako, sayang naman kung di ako makakarating dun" pagrereklamo nya habang hawak-hawak ang nasirang sapatos, "miss, are you okay?" tanong ng isang lalaki kay Mj. gwapo, di katangkaran sakto lang ang taas, di rin kaputian. "mukhang nasira ang shoes mo, take this" abot nito ng isang kahon kay Mj, binuksan nya muna ito at inabot ang isang pulang sapatos "dont worry, di ko pababayaran sayo yan, di ko narin kasi kailangan, sayang kung itatapon ko lang" di nakapagsalita si Mj sa nangyayari, naguguluhan sya, di nya alam kung kukunin niya ito, di nya alam kung matutuwa sya dahil may nagmagandang loob sa kanya na magbigay ng sapatos, nakalayo na ang lalaking nagbigay ng red shoes kay MJ ng di nya namamalayan, sumigaw ito para tawagin ang lalaki pero mukhang hindi ito narinig. " sayang di ako nakapagpasalamat, di ko manlang nalaman ang name nya, pero teka, bakit may red shoes sya at ang ganda ha, di kaya BAKLA sya, ayy, hala malalate nako." nagmamadali syang naglakad papunta sa office pero huli na ang lahat , late na sya ng five minutes, wala na syang magawa siguro hindi talaga para sa kanya ang trabaho na yun. "miss, pinatatawag ka sa loob" tawag ng secretary sa kanya.. "miss Villarante you're hired kahit nalate ka, kailangan parin namin ang tulad mo sa kompanya namin," nakangiting bati ng kanyang bagong boss." so, sir, kelan po ako pwedeng magsimula?" tanong ni Mj sa kanyang boss. "tomorrow, but be sure na di ka malalate ha" sagot ni prince (boss)  " dont worry sir,, aagahan ko na po bukas"

tumagal ng isang buwan si Mj sa trabaho niya at halos lahat ng mga katrabaho nya ay kasundo na nya, hindi naman nakakapagtaka yun kay Mj dahil palakaibigan sya, pero tila may isang hindi nagugustuhan ang ipinapakita nyang kabutihan, si christine ang secretary ng kanyang boss, hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit nagagalit sa kanya ito pero may mga kumakalat na balita na may gusto ito sa kanilang boss na may gusto naman kay Mj. natatawa nalang sya sa naririnig dahil wala namang dapat ikagalit si christine sa kanya dahil hindi naman niya gusto si prince. "uy, sabay na tayong maglunch" yaya ni jheramie ivy, ang kanyang bestfriend, "oo, wait lang, tapusin ko lang itong ilang papers" habang inaayos ang ilang papers at folders na nasa mesa niya. "dalian mo baka di na natin maabutan yung palabas" pagmamadali nito sa kaibigan, "naadik ka na sa Mr. Pogi na yan ha" kuha ng bag sa mesa sabay alis.

DIE HARD FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon