Maaga akong pumunta sa opisina kahit na day-off ko. ngayon kasi ang araw ng pagbalik nila jheramie ivy, miss ko na talaga sya eh!
pagpasok ko sa building ay naabutan ko si sir prince habang kausap ang isa kong ka-officemate.
nandyan na sya, so it means na andun narin si bff.
"good morning sir prince"
abala ko sa pag-uusap nila, mukha namang di mahalaga ang pinag-uusapan nila kaya ginambala ko na.
lumingon sya sa kinatatayuan ko at ng makita nya ako ay agad ngumiti sabay bati.
"good morning din ms. villarante, bakit nandito ka? day-off mo right?"
tanong nya sa akin, syempre sinabi ko na agad ang dahilan kung bakit andun ako.
"si jheramie ivy po sir ang sadya ko,,andito na po ba sya?"
"naku mj,day-off nya rin ngayon di ba, di ko narin sya pinapunta dito para makapagpahinga sya, masyadong nakakapagod ang byahe namin with ms. delos reyes" pagpapaliwanag nya
bigla akong nalungkot sa narinig ko,nga pala day-off nya rin,, bat di ko naisip yun tsk!
"ah ganun po ba,, sige sir baka bukas ko na lang sya kausapin" t
atalikod na sana ako pero nagsalita pa sya.
" bakit di mo puntahan sa kanila mj? sorpresahin mo,, alam ko na may di kayo pagkakunawaan,,panahon narin siguro para ayusin yan"
tama si sir,,bat nga ba di ko rin sya puntahan sa kanila,, di talaga nag-iisip palibhasa puro BRYANN ang nasa isip.. XD
for sure, nagtatampo parin sakin yun, kaya naman nagpaalam narin ako kay sir prince at dun sa kaopisina ko.
habang nasa byahe sakay ng taxi, bigla akong nagulat.
"manong di po ba yun yung broadway?" tanong ko sa driver na mukha namang makakapagkatiwalaan unlike dun sa naunang driver na nanghold-up sakin.
"yes ma'am, dun po ba kayo bababa?" panandalian nyang itinigil yung sasakyan sa may tabi ng kalsada, bubuksan ko na sana yung pinto ng taxi pero naalala ko si bff,
"ay hindi ho manong, sige ho, tara na"
ng makarating ako sa bahay nila bff ay pinagbuksan ako ng gate ni arrainne, sya ang kapatid ni jheramie ivy, kilala na nya ko dahil laging kasama sya ng kanyang kapatid papunta sa bahay namin.
"si ate mo?" tanong ko sa kanya habang papasok kami ng bahay nila
"asa kwarto nya, puntahan mo nalang baka kasi tulog pa yun eh" habang nakaturo sa kwarto ni jheramie ivy.
ng makapasok ako sa loob ng kwarto nya ay nakita ko pa ang mga gamit nya na nakakalat. inayos ko muna nag mga ito, nilagay ang mga damit sa basket, tinanggal yung mga plastic sa loob ng bag at tinapon sa basurahan.
ng matapos na ako ay nagsimula na akong manggising, niyugyog ko ng pagkalakas-lakas.
"bff gising na" halos sigaw ko na sa kanya para lang magising na agad sya.
"ano ba" mahinang sagot nya sa akin na parang bata
"ang aga-aga pa eh" dagdag pa nya habang nakadapa sa kama nya,
minulat nya ng dahan-dahan ang mata nya,
"bff, good morning!!!" bati ko sa kanya
medyo natigilan sya ng makita ako pero mayamaya ay hinila nito ang kumot nya at nagtalukbong.
di ko alam kung bakit nya ginawa yun,,dahil ba naabutan ko sya sa ganung kalagayan na me nispa na saliva sa labi at white balls sa mata XD o dahil sa galit parin sya sakin!