Fourteen: Their Family

403 28 2
                                    

May kaniya-kaniyang usapan ang mag-anak na Sandova at Custre nang makababa sila sa sarili nilang family car.

Si Calvin ay nakikipag usap sa dalawang ginang habang sina Lana at Calix naman ay nasa likod lamang na nag-oobserba sa kanila.

“Your parents looks fine,” wika ni Calix habang naglalakad sila patungo sa double door na bahay ng mga Custre.

Their house looks like a modern house and a nature friendly dahil nakapalibot ang maraming puno sa bahay at kada lilingon sa mga gilid ay may makikita kang mga halaman.

“Hmm. They are. Pero masyado silang strikto,” nangingiting wika ni Lana. “But I like it. I remember nung highschool days ko, sinabihan nila akong pumasok sa council and maging secretary para magkaroon ng knowledge on how to handle that situation, they also want me to be on top na hindi dapat bababa sa top 5, although mahirap yon dahil nasa school ako kung saan maraming matatalino and masipag.” She pouted her lips before smiled sadly. “Grabe yung pressure na binigay nila sa'kin pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit sila gano'n. They made me realized that focus on the thing you're less great and learn how to manage your time.”

Calix unconsciously smiled before turning off his gaze to Lana. “That's why Knight students likes you. Well except on the other who's saying you're mean.” kibit balikat na turan ng binata.

Natawa si Lana ng mahina. “Well, as you can see, maldita si Mama habang si Papa naman ay kung magsalita napakasarkastiko.” Proud na wika ni Lana. “Kaya ganito yung personality ko. Namana ko yung pagka-mean sa dalawa.” saglit pa siyang natawa bago ibaling ang paningin sa binata nang makapasok sa double door.

“Welcome to our humble house,” she softly said before clung on Calix' arm para igayak siya sa Living area.

Sabay silang naupo ni Calix sa mahabang couch habang inililibot ni Calix ang paningin sa buong bahay. “I wanna see your room.” wika ni Calix na ikinatigil ni Lana.

Lihim na napanguso si Lana't inisip kung naglinis ba siya ng kaniyang kuwarto at nang maalalang naglinis siya ay agad siyang tumayo't inilahad ang kamay kay Calix na may ngiti sa labi. “Tara?” nag-taaas baba ang kilay ni Lana na mahinang ikinatawa ni Calix bago tumayo nang hindi kinukuha ang kamay ni Lana. Lihim na nanghinayang ang dalaga pero nagsimula na lang maglakad habang nasa likod niya si Calix.

Natigil sa pag-uusap ang mga Sandova at Custre nang maagaw nila Lana ang atensyon nilang palihim na umaakyat patungo sa pangalawang palapag ng bahay.

“Where do you think you're going?” Taas kilay na tanong ni Liyanne, ina ni Lana.

Natigilan naman si Lana at Calix sa paglalakad, sabay pa silang bumaling sa kinupupuwestuhan ng mga magulang.

Hilaw na napangiti si Lana, handa na sanang magsalita ngunit naunahan siya ni Calix. “We're going on her room, Ma'am,” inosenteng wika ng binata.

Dahil doon ay nakita ni Lana kung paanong umasim ang mukha ng kaniyang ama na si Kris maging ang pag-ngisi ng ama ni Calix na si Kleo at kapatid ng binata na si Calvin.

“Witwew... Ayan ha!” malisyosong wika ni Calvin, sumama tuloy ang tingin ni Lana sa nakakatandang kapatid ni Calix.

“Ipapakita ko lang yung room ko!” Depensa ni Lana habang nakatingin ng masama kay Calvin.

Natatawa namang nag-taas ng kamay si Calvin. “Chill, masyado kang defensive eh!”

Handa na sanang magsalita ulit si Lana ng may pumalibot sa kaniyang beywang na braso, at nang tignan niya iyon ay laking gulat niya na si Calix 'yon.

Calix smiled at him lightly na wari'y pinapatigil na si Lana. “I'm sorry Ma'am and Sir, I totally forgot that it's inapropriate,” pag-hinging pasensya ng binata pagkatapos kalasin ang nakapalibot niyang braso sa beywang ni Lana.

Seducing Mister Geek (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon