Twenty Three: His Dance

389 30 2
                                    

Sunod-sunod ang paglunok ni Lana bago umiwas ng tingin sa binata.

She cleared her troat before smiles awkwardly at tumango. “S-Sure.” Bago niya inikot ang paningin sa mga taong nakatingin sa kaniya—sa kanila. “Jinneth, occupy the middle space while Bianca, take the left side.” Bumaling siya sa mga taong nakapila sa kaniya at ngumiti ng matamis, mahigpit niyang hinawakan ang mikroponong hawak. “You can now go this side,” she said as she pointed out the right side.

Matapos niyang magsalita ay nagsitungo na ang lahat sa sinabi niyang puwesto nila, mayroon pang ibang mga estudyanteng nag-tutulakan.

Si Lana ay dumiretso na sa kanang bahagi ng court kasama ang mga lalakeng nakapila sa kaniya.

Nang nasa gilid na sila ay agad niyang pinaupo ang lahat sa sahig na agad namang sinunod nila.

“Kailangan pa ba natin ng introduction or let's stick to our discussion?” she carefully asked them while trying to avoid Calix deep looks.

“Diretso discussion na lang! Kilala naman na namin yung isa't isa eh,” wika ng isa sa mga lalakeng kaniyang tuturuan.

Ngumiti muna siya ng matamis bago tumango't tumighim, saglit niyang pang pinikit ang mata at pagmulat nito ay mas lumawak ang kaniyang ngiti.

Be professional.

“That's great then,” saad niya bago maglakad. “Any suggestion para sa gagawing sayaw?” tanong na na naging dahilan upang maglikha ng ingay ang mga kalalakehan.

NANG MAGSIMULA na ang lahat ay nagmamasid lang amg binatang si Calix.

Ni hindi niya nga alam kung bakit naririto pa rin siya gayong hindi naman niya gusto ang pagsayaw.

Kanina ay balak niya sanang umayaw ngunit nang malamang sila Lana pala ang magtuturo sa kanila ay tila wala sa sarilung nanatili lamang siya sa loob ng court at prente pang umupo sa bleachwrs habang pinagmamasdan ang dalagang magsalita.

Hindi niya mawari kung ano bang nangyayare sa kaniya pagdating sa dalaga ngunit isa lang ang ibig sabihin noon, hindi maganda ang nararamdaman niya kaya'y mas pipiliin niyang lumayo pa lalo rito.

Pero anong nangyare ngayon? Imbis na lumayo siya kay Lana ay sinabihan niya pa 'to ng ‘Mentor me,’ na tila may sariling isip yung bibig niya't binigkas iyon.

Inis siyang napaiwas ng tingin nang muli nanamang magturo ng panibagong step ang dalaga na talaga nga namang napahanga siya. Kanina lamang nila inisip ang concept ng sayaw ngunit narito ngayon ang dalaga't agad na tinuturo ang mga steps na kumplikado ngunit napakaganda.

Nakatayo lamang siya't nakapamulsa at ilang ulit nang bumuntong hininga.

“Napaka KJ mo naman,” pang-iinis sa kaniya ng kaibigan na kaniya lamang siniringan.

Inakbayan siya ni Kit na natatawa sa inakto niya. “Bakit ba kita naging kaibigan, ha? Parang hindi mo 'ko kilala tuwing kakausapin kita. Napaka-bastos,” reklamo ni Kit.

Mas lalo siyang nainis sa boses nito't tinanggal ang pagkaka-akbay sa kaniya. “Shut up, Dead cells are coming out of your mouth,” he monotonely said.

Agad namang napahawak sa dibdib si Kit na wari ba'y nasasaktan ito. “Napaka mo naman, parang hindi kaibigan. F.O na tayo!” pagtatampo nito bago padabog na umalis at muling tumungo sa mga nag-pa-practice.

Napailing na lang siya habang pinagmamasdan ang kaibigan ngunit ilang sandali lamang ay natuon ang atensyon niya sa dalagang ngayon ay nakatingin sa kaniya. Imbis na umiwas ng tingin ay mas lalo niya itong tinitigan bago niya iiwas ang paningin nang maglakad ito papalapit sa kaniya.

Nang maramdaman niyang nasa tabi niya ito ay muli niyang tiningnan ang dalaga gamit ang walang emosyon niyang mga mata.

Nakita niya pa ang paglunok ng dalaga bago mag-iwas ng tingin. “Mister Sandova, you also need to join us practicing the step,” malumanay na wika ni Lana.

Tahimik lamang siyang tumango bago makisali sa mga lalakeng nagprapractice na. Ni hindi niya manlang pinasadahan muli ng tingin ang dalaga matapos niyang maglakad papalayo.

Sa katanuyan ay kabisado niya na ang mga naituro ni Lana kaya hindi siya nangangamba na hindi makasabay sa kaniyang mga kagrupo sa gawaing ito.

Habang inaayos niya ang damit na medyo nagusot ay napaisip siya kung bakit kailangan nilang sumayaw gayong mga accountancy students sila at walang kinalaman ang pagsayaw sa kanilang kurso.

Nabaling ang atensyon niya sa dalaga nang pumalakpak ito ng tatlong beses habang iniikot ang paningin sa kanila.

Naroon pa rin nakapaskil ang ngiti sa labi ng babae habang pinapalibot ang tingin sa mga kalalakehan.

“Okay from the top guys. Ipagpatuloy niyo lang yung pagsayaw kahit na magkamali and I'll deal with that later or tomorrow,” turan ng dalaga.

Umayos na ng puwesto ang lahat, samantalang si Calix naman ay pumunta sa gitna dahil batid niyang doon ang puwesto niya mula pa man kanina. He's observing, kaya gano'n.

“I'll play the music and as I count one to three , you'll start.” Muling ngumiti ng matamis si Lana sa kanila. May mangilan-ngilan pang mga kinikilig habang pinagmamasdan ang dalaga na kaniya namang binalewala. Nang tumugtog na ang I'm the one Dj Khaled and Justin Bieber ay saktong nagbilang na ang dalaga ng tatlong beses, kasabay din nito ang pagpikit ni Calix.

TULALANG nakamasid ang lahat, lalo na si Lana kay Calix. Kung ang mga lalake ay labis na nagtatakha kung bakit alam na alam ng binata ang bawat pagkilos, miski magkamali ay hindi pa nangyayare gayong ni hindi man lang ito nakisabay sa pag-pa-practice nila.

Si Lana naman ay kitang-kita ang paghanga sa mukha habang pinakatitigan ang binata.

Napakasuwabe ng galaw nito'y maging ang pilantik ng katawan ay detalyo't walang sablay.

Hindi namalayan ni Lana'ng nakanganga na pala siya habang pinagmamasdan ang binatang sumayaw, she have this intense stare while looking at him as if he is the only person na nakikita niya.

Tanging ang pagkabog ng dibdib lamamg ni Lana ang naririnig at tila'y may paro-paro nakapalibot sa kaniyang katawan. Ang pag-wave ng katawan ni Calix ay mas lalong nag pa-init sa pagsayaw nito nang bumagal ang ikot nang mundo't maging ang sayaw nito.

Nang magmulat ng paningin si Calix ay natigil ang kaniyang paghinga dahil sa lalim nito kung tumingin. Ni hindi niya ginawang kumurap dahil mas gusto niyang pagtuonan ang mga mata nitong nakakabigay sa kaniya ng kung anong kiliti sa tiyan.

In just his dance. She's now really doomed.

June3

060721

Sana all po talented, 'di ba Calix?

Vote and comment!

Seducing Mister Geek (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon