Twenty Six: The Attic

355 32 7
                                    

“Bilisan mo na, Kleine,” nagmamadaling turan ni Lana habang hinihintay si Calix na bumili ng tubig.

Buntong hiningang kinuha ni Calix ang sukli at mabilis na pumunta sa dalaga.

Agad na hinila siya ng dalagang si Lana upang maglakad. “What now?” nawawalan ng pasensyang tanong ni Calix nang magtuloy-tuloy lang sila sa paglalakad.

Nakangiting nilingon Lana si Calix. “Mag-ta-tricycle tayo papunta sa bahay.”

Nangunot ang noo ni Calix sa sinabi ng dalaga ngunit hindi na lamang nagsalita.

Ilang sandali lang ay agad na silang nakasakay sa tricycle na patungo aa bahay ng dalaga.

NANG makarating sa bahay ng mga Custre ay agad na nagbayad si Calix ng tricycle.

Wala sa sariling napangisi siya nang maalalang si Lana ang nag-aya sa kaniyang lumabas ngunit siya naman itong nagbayad ng kanilang pinagkainan kanina sa kadahilanang nakalimutan ni Lana ang wallet nito.

Muli ay ginayak ng dalaga si Calix patungo sa loob ng kanilang bahay at doon nadatnan ang magulang nito na parehas nakaupo sa couch ng living room at may hawak-hawak na laptop.

Agad na umangat ang paningin nina Kris at Liyanne sa kanila. “Nag-cutting kayo?” kunot-noong tanong ng Ginang.

Nakita ni Calix ang agresibong pag-iling ng dalaga. “Hindi po! Wala po kaming klase ngayon,” paratang ni Lana.

“Hindi ba't exam niyo ngayon?” segunda naman ni Kris.

Si Calix na ang sumagot. “We are excempted, sir.”

Napatango naman si Kris. “Oh, so you're an accountancy student?” Tumango si Calix na nagsilbing sagot sa tanong ng ginoo.

Tumaas ang kilay ni Liyanne bago ipinatong ang laptop sa mini table at humalukipkip. “Then what you both doing here?” mataray na tanong nito.

Handa na sanang sumagot si Lana ngunit nanlaki ang mata niya nang si Calix ang magsalita.

“We're on a date po,” diretsong sagot niya.

Natigilan ang magulang ni Lana habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

“Kleine!” suway ni Lana't bahagya pang pinalo ang binata.

Kunot-noo namang tiningnan ni Calix si Lana. “You said it's a date, right?” inosenteng tanong niya. Gusto lang niyang makita kung anong magiging reaksyon ni Lana kapag sinabi niya iyon.

And now, he's very satisfied.

Nakita niya ang pag-nguso ni Lana habang namumula, magibg ang sunod-sunod na paglunok nito bago humarap sa magulang.

“H-He's just joking po,” nauutal na wika ni Lana.

Sabay na bumuntong hininga si Kris at Liyanne.

“Hindi pa puwedeng magka-boyfriend si Lana, kaya kung gusto mong ang dalagang iyan ay maghintay ka hanggang sa magkaroon siya ng maayos na trabaho, maliwanag?” natigilan si Calix sa sinabi ni Kris sa kaniya.

Hindi niya mawari kung tatango ba siya o sasabihing hindi naman niya gusto ang dalaga.

“Hindi po niya 'ko gusto,” seryosong saad ng dalaga. Tuloy ay napatingin siya dito ngunit agad din siyang napaiwas ng tingin nang makitang nakatingin din pala ang dalaga sa kaniya.

Nang oras na 'yon ay hinayaan na sila nina Kris na umakyat sa attic.

NANG makarating sa hagdanan patungong attic ay agad na natigilan si Calix nang muling maalala ang sinabi sa kaniya ng dalaga tungkol sa attic.

Seducing Mister Geek (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon