CHAPTER 40

4.7K 160 4
                                    






JAIDEN'S POV

its been a nice day so far. halos hindi matanggal ang ngiti sa aking labi simula pa kanina. 






nakaupo ako ngayon dito sa ibabaw ng kama.  kakatapos ko lang maligo ngayon at pinapatuyo ko ang aking buhok.





mag isa lang ako dito sa kwarto dahil umalis na silang apat after naming kumain ng agahan para pumasok sa kanilang mga trabaho.










this past few days ay mas lalong naging busy silang apat.

araw araw din kung pilitin ko silang pumasok sa kanilang trabaho dahil halos ayaw nila akong iwan dito mag isa. lalo na si Xander na mahaba habang pag pipilit at paliwanag pa ang kaylangan kong gawin para lang pumasok sya sa trabaho.

lagi ko lang sinasabi sa kanila na wala namang mangyayari sa akin dito. besides nandito naman si nay Elsa para samahan ako. 







ilang araw narin ang nakakalipas magmula ng masabi ko sa kanilang apat ang tunay kong nararamdaman and on those days ay lalong naging clingy silang apat sa akin. kahit si Axel na laging tahimik ay nakikisali narin sa clingyness nina Owen at Xander. 

pinapabayaan ko naman ang mga ito dahil isa rin ang pagiging clingyness nila ang naging dahilan para mahulog ang loob ko sa kanila. habang tumatagal ay nakakalimutan ko na ang masamang ginawa nila sa akin dahil napapalitan na ito ng masasayang pag sasama naming lima.














ilang minuto pa ay tumayo na ako mula sa kama at inilagay ang ginamit kong towel sa laundry basket na nasa loob ng cr.

inisip ko naman kung ano ang gagawin ko ngayong araw. hindi kasi ako sanay na walang trabahong ginagawa dahil buong buhay ko ay trabaho na agad ang aking inatupag para mabuhay. 

tulad kahapon, tinulungan ko si nay Elsa na maglinis ng bahay. 

pinigilan pa nya ako pati narin ng mga tauhan nila Ethan dahil bmapapagalitan daw sila ng apat ngunit sinabi ko naman sa kanilang ako ang bahala. 

hinayaan nila akong kumilos sa buong bahay ngunit nakaalalay parin silang lahat dahil buhay daw nila ang kapalit pag may nangyaring masama sa akin. inisip ko nalang na baka nag bibiro lang sila at ayaw lang talaga nilang mapagalitan ng apat.









at hindi nga sila nagkamali. yesterday night the four of them got mad not on me, but on their men. even nay Elsa got involved saying they let me work knowing my condition. the four of them really over reacting about that. 

ive been well for days now. hindi narin ako umiinom pa ng gamot at sinabi narin ng doctor na ok na ang kalagayan ko kaya hindi ko maintindihan ang rason nila. 

agad ko silang pinigilan at nagpaliwanag, besides ako naman ang may kagustuhan ng nangyari. mabuti nalang at nakinig silang apat sa paliwanag ko kaya hindi na nila pinagsabihan pa sina nay Elsa. after that balik na ulit kaming lahat sa dati. 

















ilang minuto pang nasa ganoon akong pag iisip ng bigla kong maalala ang inuupahan kong apartment. 


lagpas dalawang buwan narin pala akong nasa puder ng apat. nawala sa isip ko  ang apartment na inuupahan ko pati narin ang mga naiwan kong mga gamit doon dahil narin sa mga nangyari sa akin nitong nag daang mga araw.

dahil dito ay napag desisyunan kong umalis ng mansion at bisitahin ang apartment ko. mabait naman ang may ari ng inuupahan kong apartment kaya sana ok lang ang mga gamit ko doon. 

First Obsession: Quadruple LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon