CHAPTER 20

7K 215 4
                                    





JAIDEN'S POV

nasa byahe na kaming lima ngayon papuntang america. nauna na sila tita Cris samin dahil may aasikasuhin pa daw sila doon.

medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang beses kong makakapunta sa ibang bansa. hindi ko nga alam kung pano na process yung papers ko sa loob lang ng isang gabi. pero hindi na ako nag tataka pa sa kung anong kayang gawin ng pamilya Williamson. makapangyarihan ang pamilya nila kaya alam kong kaya nilang gawin ang imposible para sa isang ordinaryong katulad ko.

lalo ko pang napatunayan ang kaya nilang gawin dahil sa nangyari kanina bago pa kami umalis ng pilipinas.





(flashback)





hindi ko maigalaw ang katawan ko kaya naalimpungatan ako at nagising.

nang ilibot ko ang paningin ko ay doon ko nakita ang apat sa tabi ko.

nakadapa si Axel sa gilid ko, ang ulo nya ay nakaharap sakin habang hawak nya ang kamay ko. nasa kabilang gilid ko naman si Ethan. nakatihaya sya habang hawak ang kamay kong nakalagay sa dibdib nya.

Sina Owen at Xander naman ay parehas na nakayapos sa tigkabilang hita ko habang nakasubsob ang mga mukha nila sa tagiliran ko. parehas pang nakadantay ang mga naglalakihan nilang hita sa binti ko.

kaya pala hindi ako makagalaw ay dahil sa apat na katabi ko. doon ko lang naalala na dito nga pala natulog ang apat na ito.

matapos ko kasing pirmahan ang mga papers na binigay ni Ethan ay hindi na maalis ang mga ngiti sa labi ng apat na ito. masaya pa akong binuhat ni Owen papunta sa kama habang nakasunod naman samin si Xander. pagkahiga nya sakin ay nag ala koala na sya sa bewang ko at isinubsob ang mukha nya sa tagiliran ko. nahiga narin si Xander sa tabi ko at niyakap ang kanang hita ko tsaka isinubsob nya din ang mukha sa tagiliran ko. kapwa nila isinisiksik ang katawan sakin.

pagsasabihan ko sana silang umalis doon dahil medyo naiilang ako sa pwesto nila pero pinigilan naman ako ni Axel. hinawakan nya ang kaliwang kamay ko at pinagsaklob ang mga kamay namin bago sya dumapa sa tabi ko. hindi na sya umimik at ipinikit nalang kanyang mga mata.

hindi na ako kumibo pa. hinayaan ko nalang sila.

nasa ganoong posisyon kami ng makita kong pumasok si Ethan sa kwarto.

lumabas kasi sya kanina dala ang envelope na naglalaman ng mga papel na pinirmahan ko.

pagkakita nya sakin ay todong ngiti syang lumapit sa amin. nahiga sya sa tabi ko kung saan kasalungat nya si Axel tsaka nya kinuha ang isang kamay ko at hinalikan ito. inilapit nya ang mukha nya sakin bago halikan ang noo ko.


" goodnight little kitten." bulong pa nya sakin.


 ilang segudo pa kaming nagkatitigan bago sya tuluyang nahiga at ipinikit ang kanyang mga mata. naramdaman ko nalang na nilagay nya ang kamay kong hawak nya sa ibabaw ng dibdib nya bago ako tuluyang makatulog....





First Obsession: Quadruple LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon