Prologue: Just For You

1K 21 5
                                    

Prologue: Just For You.


"Ayoko sa kanya."

Arianne and L rolled their eyes. I shrugged.


"Is he hot?" L asked.

"Uh, yeah?" Nakita ko ang pagningning ng mata niya dahil sa sagot ko.

"Handsome?"

"Yeah."

"Oh my gosh!" Tili niya. Mabuti nalang at mabilis siyang nahampas ni Arianne.

"Why so grumpy, beh?" His brows furrowed. Oh, I mean her.

"Kasi naman ang reactions, ang oa!" Kinurot pa ulit ni Arianne si L.

"Why ka ba nakikialam?" Umirap na naman siya. "Anyways, ano namang hindi mo gusto sa fiancé mong gwapo at hot naman?"

"Hindi naman kasi nagiging basehan ang physical appearance ng tao, Leonardo." Sinamaan ng tingin ni L si Arianne. "Siguro ikaw oo, malandi ka eh."

Pinigilan ko na siya ng akmang papaluin niya si Arianne. Nang kumalma siya ay kinuha ko naman ang darts sa table. Parehas silang napatingin sa'kin nang hinanda ko ang sarili ko para ibato iyon sa dartboard.

"Mayabang, antipatiko, babaero, at asa sa yaman ng parents niya. Anong mapapala ko don?" I stand up straight and gripped the dart. Clean release. I hit bulls eye. So simple.

"Gwapo at hot." Pumalakpak si L. "Ang galing mo talaga, beh!"

"Stop calling me beh, I have name, alright?" I aimed for another bulls eye. "At isa pa napakabata ko pa para magkaroon ng fiancé na yan! Ni wala pa nga akong boyfriend eh!"

"Technically, siya na rin ang boyfriend mo dahil siya ang fiancé mo. Isa pa, hindi naman siya magugustuhan ng parents mo kung hindi naman matino yun no." Sabi ni L habang inaabot ang darts na nasa table. Tinitigan niya iyon na para bang alien sa paningin niya. "Ano bang pangalan non? Sa school din ba natin pumapasok?"

"Jeremiah and nope."

"Ang yummy ng name." I pouted. Hindi yata magandang idea na sinabi ko kay L ang tungkol kay Jeremiah. But he's my friend. He ought to know.

"Once palang naman kayong nagkikita diba? Give it a try. Malay mo um-effort yung tao. Maganda ka, sexy, mabait, maraming nagkakandarapa sa'yo. Look around." Sabi ni Arianne.

Napatingin ako sa paligid ng Gaming Club. Marami ngang nakatingin sa pwesto namin.

"Maraming nakatingin dahil magaling akong mag-dart, hindi dahil nagkakandarapa sila." Sagot ko naman sabay tingin ulit sa dartboard. Nang itira ko ang dart ay tumama muli iyon sa gitna. I smiled. Walang kupas!


Kinuha ni L ang darts na nakabaon sa board. Nang palapit na siya para iabot sa'kin ay natigilan kami. Mula sa gilid ko ay may tumira ulit. Tatlong sunud-sunod na bulls eye. Halos malaglag ang panga ko. Agad akong tumingin sa gilid ko nang makita kung sino iyon pero balikat niya ang bumungad sa'kin. Napaatras ako sabay sunod ng tingin sa kanya na papalapit na sa dartboard. Likod nalang niya ang nakita ko.

"Great, man!" Sinamaan ko ng tingin ang mga kasama niyang nagche-cheer sa kanya hindi malayo sa pwesto namin. Dahil sa pagsigaw nila ay natigilan na rin pati ang mga estudyante na naglalaro ng bowling at chess.

Just For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon