Chapter 1: Feeling

463 13 4
                                    

Chapter 1: Feeling




"Dinner later with Jeremiah's family, Al. You need to be there."


"Yes, Ma."


"I know you well, Al. First time 'to na mami-meet mo si Jeremiah." I rolled my eyes. I know you well, too, Ma. Hindi mo ko titigilan hangga't di ako pumapayag.


"Okay, Ma."

"Alright. Nasa kwarto mo na ang gagamitin mong dress." I sighed. Sabay napatingin sa'kin si L at Arianne. "I have an incoming call. Talk to you later, Al."



Hindi na ko hinintay makapagpaalam ni Mama. Binaba niya na ang tawag. Nang humarap ako sa mga kaibigan ko ay nakita kong titig na titig sila sa'kin.



"What happens?" Mabilis binatukan ni Arianne si L. Hinigit ko naman ang ilong niya. "Aray ko ha! Nakakasakit na kayo! Friendship ko ba kayo talaga?"


"Hindi. Wag mo kaming kausapin. Di ka namin kilala. Di namin alam language mo." Sabi ni Arianne. Umirap lang si L. Short for Leonardo.


"Saang planeta ka ba galing at hindi mo alam ang language ko?"

"Sa Saturn."




I laughed at her little joke. Of course! She's Arianna Saturn. Nagpatuloy sila sa paghaharutan habang ako ay naghihintay pa rin sa forever. I mean, sa nakapulot ng wallet ko. Nandon ang lahat ng cards ko, ilang receipts, pera at 1x1 pictures ko na pinakamahalaga sa lahat dahil deadline ng pasahan namin ng form with picture sa Guidance Office. At dahil deadline, ako nalang ang di nakakapagpasa. Galing diba? Terror pa naman si Ms. Z.

Nakakailang excuse na ko sa kanya dahil sa picture na 'yon at this time, alam kong hindi na ko makakalusot. Medyo malayo ang studio dito kaya wala ring pag-asa kung magpapakuha ulit ako ng picture. 15 minutes lang ang break namin. Baka ma-late lang ako! Lalo akong patay nito. Sa sobrang pagmamadali kong hanapin ang susi ng locker ko, siguro hindi ko napansin na nahulog ko na ang wallet ko dahil ayon sa 'nakapulot' ay nakita niya daw sa may locker.

Mabuti nalang at mabuting tao yung nakapulot ng wallet ko. Siguro nakita niya na nakalagay sa Personal Info ko sa wallet yung number ko. Tinext niya agad ako para makipag-meet para masoli niya. Pero para sure na rin, sinama ko ang mga kaibigan ko. Kahit nasa loob ako ng school, at taga dito rin ang nakapulot, iba pa rin ang sigurado.



"Sisiputin pa ba tayo nun?" Tanong ni Arianne sa'kin.


"Ikaw lang naman ang hindi mahilig sumipot sa usapan, Arianna Saturn. Wag mong sabihing nanghahawa ka ng virus?"


"May sarili akong planeta, hindi ko na kailangang manghawa pa dito sa Earth, Leonardo."


"L! For Pete's sake! L! L! Isang letter lang di mo maalala?!"


Just For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon