Eto na naman ako.
Nakatingin na naman ako sa kanya.
Umiiyak na naman sya.
Ang tagal ko nang gustong malapitan sya. Yakapin sya kapag nagkakaganyan sya. Ang ipagtanggol sya sa lalaking yun na walang ginawa kundi paiyakin sya.
Sino ba naman ako sa buhay nya? Isa lang naman akong hamak na best friend.
Ako si Adreen dela Vega. Ang dakilang martyr at torpeng nagmamahal sa matalik kong kaibigan na si Celestine Perez.
Kung sana nasabi ko lang sa kanya noon ang nararamdaman ko. Hindi sana sya umiiyak ng ganito.
FLASHBACK
February 26. Thursday.
Tin: Adi, pinapauwi ka na ng mama mo.
Ako: Bakit galing ka samin?
Tin: Tss. Magkapitbahay lang tayo. Syempre pumunta ako sa inyo para makikain. Wala na naman si Mama e.
Madalas nasa amin si Tin. Wala kasi lagi si Tita Angela. Kadalasan, nasa ibang bansa ito. Nagpapakapagod sa pagtatrabaho upang matustusan ang pangangailangan nila ni Tin at para na din makalimot.
Napansin kong napabuntong-hininga si Tin.