Chapter 4

21 0 0
                                    

Kahit na hinarang niya yung kamay niya sa pag-itan ng mga labi namin...sobrang kinilig parin ako. The way ng paghigit niya at act of kissing, para bang gusto kong matunaw nalang bigla.... biglang bumilis ang tibok ng puso ko... sa ilang sigundo na iyon ay naramdaman ko yung parang may popping candies sa loob ng tiyan ko... o nagtatalunang star fish kasi tuwang tuwa sila... 

"HOY!" ginulat ako ni Dianne. "Ay butiki!" malamit kong expression. "Ano't ngingit-ngiti ka dyan? huh?" pagtatanong  niya. "huh wala haha" sagot ko na natatawa sa kanyang itsura at kinikilig parin. "kwento mo na daya eh" sabi niya habang inaabot sa akin ang thermometer niya. "oh"

"eh hahaha kinikilig lang" at hindi ko na napigilang tumawa. "kaya ka siguro nilolovenat!" korny nyang sagot. "korny mo ever!" sabi ko habang inilalagay ang thermometer sa aking kili-kili.

"oh dali na kwento na" pilit ni Dianne. Kaya't sinumulan kong ikwento sa kanya ang nangyari sa simulat simula.

"uy lumalove life na si Sity!" asar ni Dianne. "Im happy for you, nako bakla enjoy enjoy mo lang muna" dag dag niya. "wow magsalita talaga hahah" binawin ko siya ng asar. Dahil nakuha niyang payuhan ako na enjoy enjoy muna, na parang wag munang seryoso, pero siya tong halos magpakamatay na sa love. Life is ironic.

""hahahha basta update mo lang ako lagi bakla" ngiti niyang sabi. "oh check mo na pwede na yan" sabi ni Dianne habang tinuturo ang thermometer na gamit ko. Mercury thermometer pa ang gamit namin noon.

----6am

"Sity? Sity?' habang dahan dahan akong ginigising ni ate Jackie.." kaya mo bang pumasok ngayon?" hindi agad ako nakasagot sa kanya. Nakita kong inabot ni Dianne ang thermometer kay Ate Jackie, at kinuha na ang towel nya saka dumiretso sa CR. Sapalagay ko siya na unang maliligo, dahil nakit niyang hindi ko pa kayang pumasok. "Sity lagay ko muna thermometer ah" nilagay ni Ate Jackie ang thermometer sa kili kili ko. 

Swerte ako at sila ang mga nakasama ko sa room, bukod sa iisa ang lugar kung saan kami lahat nang-galing, iisa ang school na pinag-graduatan namin ng High School kahit na magkakaiba lang ng taon. Bukod dito ay swerte kami dahil, kahit na malayo kami sa aming kani kaniyang mga magulang, kami kami naman ang nag-aalaga sa isat isa.

"sity check ko na" at hinyaan ko lang si ate Jackie na icheck ang body temperature ko. "39.11, tumaas pa simula nung gabi na sanabi ni Dianne...nakainom kba ng gamot kaninang 2am?" pagtataka at pag-aalala niya. "hindi po ako nagising te" sagot ko, tuyong tuyo na yung labi ko at ang sakit ng ulo at para bang nahihirapan na akong huminga.

"Naku every 4 hrs kasi yung inom mo dapat..." at prepare nila ang nesvita cereal drink ko, at pinilit akong painumin ng gamot... "oh pano Sity, duty pa ko e" sabi ni Ate Jackie, "si Dianne half day lang naman today kaya may kasama ka na ulit mamaya, text mo lang ako" bilin din niya.

"sige po, Thanks ate, ingat!" buti nalang nadito sila. :)

Nagalarm na ulti ang phone ka ng10am kaya naman agad kong ininom ang gamot na binilin ni ate Jackie. Saka ako nagcheck ng messages sa phone, nakita kong may missed calls from Al at Jane. Pero inuna ko munang itext si mama at papa, dahil ramdam kong umaatake na ang asthma ko. Nag group message na lang ako sa barkada.

Ako: guys hindi ko pa kayang pumasok e. Tumaas pa ang body temp ko at nagstart na ko asthma attack. L pasabi nalang kila mam.

Jane: Hi sity. Sige pagaling ka, bigay nalang naming sayo notes ng discussion, saka may reporting pala tayo next week. Sinabi na naming kay mam kanina, na kahapon may lagnat ka na. Hi daw at pagaling sabi nila.

MU: Magulong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon