Chapter 3

22 1 0
                                    

MU: Magulong Ugnayan

Amaya Bulalayao

SITY’s POV

Asawa ko? Ano daw? Paano? Bakit? Para saan? Habang sinisipsip ko ang pearls ng wintermelon na libre ni Anya. Dahil hindi ko alam kung ano yun, o alam ko hindi lang ako sigurado. Hindi ko alam ano gagawin ko, paano ko siya kakausapin… o alam ko kaylangan ko lang ng mag agree sa akin? Haaaaay

Kaylangan ko ng itanong sa kanila…

“guys… may sasabihin ako.” Parang may iaanounce lang na kung ano eh. “SAWAKAS!” sigaw ni Dez, na tuwang tuwa dahil malalaman na nya kung ano ba talaga. “hindi kasi ano…” nagdadalwang isip kung sasabihin ko ba talaga sa kanila. “ano nga?” sabay sabay nilang tanong. “oh ito na,. wait…” huminga muna ako ng malalim. “ayoko naman kasing mag-assume , kaya itatanong ko sa inyo kung…” habang hinahanap ko yung mga text message ni Al. “Si Al…” dugsong ko. “nanliligaw na?” excited na tanong ni Jane. “Paano si Brian?!” nag-aalalang tanong ni Pia. “hindi….” Unang sagot ko sa tanong ni Jane. “saka wala…kaybigan ko lang si brian.”..paliwanag ko.

“STOP!” sabi ni Dez habang hinawi kaming lahat. “game ikwento mo na, yung malinaw”.

Kinwento ko lahat sa kanila yung tungkol sa paglabas namin, mga text conversation at yung tungkol dun sa asawa ko pet name.

“ano?” tanong ko sa kanila. Hindi agad sila sumagot parang iniisip nilang mabuti ang sasabihin. “subukan mo.” Siguradong sagot ni Anya. “Sabagay try mo, malay mo mag work” sang-ayon ni Dez. “pero…kinakabahan ako e” sabi ko, kinakabahan talaga ko…para bang mali…parang hindi ko kaya…para kong mahihimatay…ngayong pinaguusapan palang namin.

“sige lang, hinay hinay lang..tanong ka lang kapag di mo lam gagawin mo” siguro nasasabi niya to dahil may ling term boyfriend na siya…. Pero bakit hindi ako mapakali… para bang mas madali kung wag ko nalang entertain.

“huy kalma! Get to know him first” sabi ni Mel. “Oh diba matagal tagal mo nading kilala si Al” tanong ni Jane kay Mel. “oo..pero siyempre bilang tropang lalaki, okay siya… pero iba yun kung sa babae na gusto niya dba?” paliwanag ni Mel. “sabagay may point ka” sagot ni Dez. “edi good luck sayo!” sabi ni Pia.

-----

Sinubkan kong entertain…o sa madaling salita flirting begins.

-----

Every day magkatext kaming dalawa… pag-gising palang sa umaga, kamustahan na, para bang hindi magkasama kahapon, o parang hindi magkikita mamaya sa klase. Hangang sa nasanay na ako at, hindi na pwedeng wala na akong load… hanggang sa nagenjoy na ako sa daily routine naming. Madalas kalapit ko siya, kasama kumain ng barkada…pero wala walang label wala lang masaya lang.

Dumating na ang araw ng Debut ko…pero pinili ko nalang na maging simpleng swimming party ito. Ininvite ko siya…

“Al san kana?” text ko sa kanya.

Al: nasa bahay.

Ako: punta ka dito.

Al: may gagawin pa ko. mamaya nalang huh

Ako: okay

Bakit siya ganun? parang wala lang. Parang walang importante ngayong araw na ito. Okay binati niya ko sa text, pero yun lang talaga?

WPOV

 dalawang araw bago mag-debut si Sity ay nagpunta sila ng kaniyang barkada sa apartment nila Al at Brian. Habang nagmemerienda ang lahat ay may tinuro si Brian na isang lata na malaki sa tabi ng kutson na nasa sahig. 

MU: Magulong UgnayanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon