Panimula

6 3 6
                                    

"Tara, cutting" aya ko sa mga kaibigan ko.

"Pare, kung may problema ka, nandito lang ang tropa para sa'yo" pagpipigil ni Jett sa'kin.

"Hindi kami sanay na ganyan ka. Mga siraulo man kami, maaasahan mo kami kahit laging absent si Reynard, solid tayo!" dagdag pa n'ya

"Apaka KJ mo naman" tinawanan ko na lang siya kasi wala na akong maisasagot sa sinabi n'ya.

Bumaling ako kay Rio "Ikaw, tol? Samahan mo na ako, d'yan lang naman sa canteen" yaya ko sa kanya.

"Pass ako, brad. Babagsak na ako sa subject Ma'am, lagi na lang akong walang assignment, mangongopya muna ako"

"Sige, mga brad, sa canteen lang ako. Kapag hinanap ako ni Ma'am, sabihin n'yo na lang nasa clinic ako" umalis na ako ng classroom. Hindi ko naman talaga intensyon na isama sila sa kalokohan ko, niyaya ko lang naman talaga sila para may masabi lang ako bago lumabas. Kung sakaling sasama sila ay hindi naman ako tutuloy.

Ayaw ko lang talagang pumasok sa subject na yun. Pakiramdam ko kasi napakabobo ko. Sobrang daming nangyari sa loob ng apat na buwan. Hindi ko inaakala na ganun pala ang pakiramdam ng walang alam. Sobrang gulong-gulo ako sa buhay ko. Para bang hindi ko na kilala ang sarili ko.

Pagdating ko sa Canteen, lunch break ng mga College, nagsuot ako ng jacket para takpan ang uniform ko para hindi halatang ako ay Senior High dahil pareho lang naman ang pants, bumili ako ng Zagu na Buko Pandan. Wala namang pila kaya ako na agad ang costumer.

Sana ganoon lang kadali ang buhay. Yung tipong priority ka, walang pila, hindi ka na mahihirapan o maguguluhan. Sumagi sa isip ko bigla na ang pangit pala, walang magiging pursigido kapag alam na nila kung ano ang para sa kanila, walang thrill ang buhay kung ganoon lamang kadali.

Nagpasalamat lang ako pagkaabot sakin ng order ko at umupo ako sa may malapit sa pinto ng Canteen para kung sakaling mahuli ako ng guard ay makatakbo agad ako papunta sa building namin. Pagkaupo ko, hindi ko maiwasan maisip ang mga masasayang alaala na pilit kong tinatalikuran.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Umorder ka ng Zagu! Libre mo 'ko" utos niya.
"Ayoko nga, wala na akong pera" sagot ko.
"Sige ako na lang oorder, ililibre kita!"
"Wag na, magtipid ka nga! Nagtatakaw ka nanaman."
"Bahala ka! Ako na nga lang. Buko Pandan, order up!" sumaludo pa siya na parang pulis.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Uuwi na ako, ingat ka!"
"Sabog ka ba? Pareho lang tayo ng sakayan, tara na!" pagyaya ko sa kanya.
"Ayaw kitang kasabay, hindi ka naman nakikipagkwentuhan sa'kin kapag nasa jeep, parang wala rin akong kasama HAHAHAHAHA"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ang daming nagbabalik na mga pangyayari. Alaalang mananatili na lang na matamis na alaala pero kapag ganitong lagi ko na lang naiisip parang ang pait pala. Nagring na yung bell sa building namin, napatingin ako sa aking relo, lunch break na namin. Matagal na pala akong nakatambay dito. Pupunta na lang ako sa room, siguradong wala nang tao dun kapag dumating ako. Habang naglalakad ako palabas ay madaming mga kabatch ko ang mga papasok pa lang sa canteen.


Pagkabalik ko sa room ay hindi ako nagkamali, wala na ngang tao rito. Siguradong hahanapin ako ng mga kaibigan ko kaya nagchat muna ako sa gc namin na nasa room lang ako. Kung anu-ano nanaman ang naiisip ko, matutulog na lang muna ako para takasan ito. Ayoko munang maramdaman lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagtulog.


Hindi ko na alam kung paano lalaban, tatakasan ko na lang.

How It StartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon