Chapter 1

7 3 8
                                    



Lagi akong excited sa school!

Hindi yan kapani-paniwala para sa mga nakararami dahil Senior High School ako. Sobrang nakakatamad talaga kung iisipin kong College na dapat ako at nagsasayang lang ako ng dalawang taon. Hindi naman kasi yun ang iniisip ko kaya ginaganahan akong mag-aral.


Naa-appreciate ko kasi yung mga maliliit na bagay na nagagawa ko. Katulad ng paggising ng mas maaga ng isang minuto kaysa sa aking alarm o kaya ay gumawa ng assignment na ipapasa ng 7am pagdating sa school ng 6:30am. Idagdag na rin na natatakot akong ma-culture shock sa College kasi puro ganoon ang sinasabi ng mga kakilala kong mga college students. Kumbaga itong Senior High School ang aking safe zone.


Laging tinatanong ng mga kamag-anak ko kung may girlfriend na raw ba ako o kaya naman ay kung bakla raw ba ako dahil wala pa akong naipapakilalang girlfriend sa edad kong 18 years old. Ewan ko ba, hindi ako interesado, may mga kabarkada kasi akong mga na broken hearted na at hindi ko gustong mapatulad sa kanila. 


Unang-una, ang sarap maging single. Pangalawa, walang ginagastusang Monthsary o Anniversary. Pangatlo, sagabal yan sa pag-aaral sa halip na makipagchat ako magdamag para makipaglandian ay mas pipiliin kong , maglaro ng online games pero joke lang, magbasa-basa ng mga topics sa school na interesado ako.


Biglang may bumatok sakin, "Woi tulala ka nanaman" sabi ni Jett.

"Gago!" sagot ko dahil nagulat ako, tapos binatukan ko rin siya para makaganti. "May iniisip kasi ako" dagdag ko pa.

"Ano namang iniisip mo? Yung assignment sa Pre-cal? May gawa na ako, gusto mo kumopya? Kapag may assignment sa first subject dapat kasi ay ginagawa n'yo na sa bahay, dumaan pa naman ang weekend. Ang tatamad n'yo!" sabi nya na para bang nanloloko.

Siraulo na talaga 'to. Malamang may gawa na siya kasi nagsend ako sa group chat namin ng picture ng sagot ko. Ako pa ba? Math lang yan, basic! Hindi na ako sumagot sa kanya, umiling-iling na lang ako na para bang di na ako umaasang magiging maayos pa utak ng kaibigan ko.


"Lunes nanaman. Agang-aga, pikon ka nanaman kay Jett? Di ka pa ba nasanay? HAHAHAHAHA" sabi ni Reynard

Ibinaba n'ya ang kanyang bag sa kanyang upuan tapos ibinalik n'ya na sa akin ang aking gitara dahil hiniram n'ya noong Friday.

"Salamat, brad. Nagpaturo kasi yung nililigawan ko, sana naimpress ko siya HAHAHAHA"

kahit patawa-tawa yan, s'ya lang yata ang seryoso sa buhay sa aming magkakaibigan para siyang kuya sa amin kahit na magkakaedad lang naman kami. Ilang buwan na rin siyang nanliligaw sa nililigawan n'ya pero di pa rin n'ya pinakikilala sa'min.

"Kailan mo ba ipakikilala sa'min yan mas'werteng babaeng 'yan, brad? Effort kung effort ah." tanong ko sa kanya.

"Nararamdaman kong malapit na. Ipakikilala ko siya sa inyo kapag sinagot na n'ya ako" sagot niya sa akin ng may malaking ngiti.


Madami-dami na pala kami sa classroom, kanina kasi ay mag-isa lang ako. Sanay kasi akong pumasok ng maaga. Ewan ko ba, 5:30am ang normal kong gising pero kaninang umaga ay 4:59am pa lang ay gising na gising na ako.


May kumatok sa pinto, napalingon kaming lahat.

"May general assembly raw po ngayon, di raw po nakapag-announce sa mga groupchats kasi biglaan lang. Walang first period, pumunta raw lahat sa gym. Salamat" pag-aannounce ni Ateng Maganda, lagi kong nalilimutan ang pangalan n'ya, basta siya ang representative ng batch namin sa School Council.

Masayang nagsigawan ang mga kaklase ko kasi puro wala pang assignment sa Pre-Cal. Lumabas na ang iba para pumunta sa gym. Nakasimangot tuloy si Jett at bumubulung-bulong na dapat daw pala ay hindi muna siya gumawa kung hindi naman pala ipapasa habang tinatago ang assignment na ipinagmamalaki n'ya kanina.

"What did I miss?" sabi ni Rio.

"Late ka nanaman HAHAHAHA" kantyaw ni Reynard 

"Tara na sa gym, mga anak ng Diyos" patawa-tawa pa ring dagdag n'ya

"Walang klase kasi may general assembly raw sa gym" sagot ko sa tanong ni Reynard.

"Hayst! Dapat pala di muna ako nangopya ng assignment, di pa naman pala ipapasa" pagrereklamo pa rin ni Jett.


Nagtawanan lang kami kasi hindi naman normal ang araw kung sakaling hindi namin maririnig ang pagrereklamo n'ya. Papunta na kami sa gym kaso may nakita kaming babaeng nagmamadali pero tumigil sa harap ng hagdan, aakyat siguro.


Basa pa ang buhok n'yang hindi pa nasusuklay, nakasabit lang ang necktie sa kanyang collar na hindi maayos, may hawak na suklay sa kanang kamay, ang laki-laki ng backpack n'ya halos nalalaglag yung bag n'ya dahil sa kabigatan. Tiningnan ko ang relo ko, 7:20am, late na kaya siguro ganyan ang itsura n'ya. Habang papalapit kami ay naisip ko na sasabihan ko sana siya na walang klase para di na siya magmadaling pumunta sa room n'ya kasi baka maaksidente pa siya sa pagmamadaling umakyat.


Kunot ang noo n'yang sinusubukan i-angat ang bag n'ya. Nagkatinginan kaming magkakaibigan nang biglang nagbilang yung babae, "one, two, three!" tapos isinakbit na n'ya yung bag n'ya. Inayos n'ya ang kanyang necktie at patikar na umakyat sa hagdan habang nagsusuklay na para bang hindi siya nahirapan kani-kanina lang.


Wala na kaming nagawa kundi tingnan kung nasaan siya kanina tapos nagkatinginan nanaman kaming apat na naguguluhan sa nakita namin. Parang di kami makapaniwala kung ano bang nangyari. Parang napakabilis, nagtawanan nanaman kami. Nakakaloko ang mga nangyayari, Lunes pa lang.


"Sino yun? HAHAHAHA" pagtatanong ko habang natatawa pa rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

How It StartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon